Ano ang Mas Dakila — Magtrabaho Rito o Magtrabaho sa Abroad?

ARAW-ARAW AY nasa balita ang mga OFW na naiipit sa mga bansa na may kaguluhan. Kaya masakit ‘pag naririnig namin na mas kapuri-puri ang mga Pinoy na nag-desisyong magtrabaho rito sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa. Mas pinili raw nila ang maglingkod sa mga kababayan natin kaysa sa mga dayuhan. Pero hindi po biro-biro ang trabaho naming mga OFW sa abroad. Kaya’t sa tingin ko’y mas nagmamalasakit kami at dapat talagang ituring na mga bagong bayani. ‘Di po ba? — Annaliza mula sa Jordan

 

KAPURI-PURI NGA ang mga OFW na araw-araw ay humaharap sa mga mapapanganib na gawain sa ibang bansa. Halimbawa na rito ang mga nurse, doktor at iba pang medical worker na hindi lumikas at mas pinili pang manatili roon sa kabila ng giyera.

Naaalala ko tuloy ang sinasabi ng mga OFW nang iniinterbyu sila ng media. Noong tinatanong ang mga Pinoy na nasa Libya o Syria o sa Lebanon o sa Kuwait noon kung bakit ayaw nilang mag-evacuate at umuwi na lang sa Pilipinas, ang sagot nila’y “Hindi na baleng dito kami kasi wala namang naghihintay na trabaho sa amin d’yan sa Pilipinas.” Na totoo rin naman.

Kaya kapuri-puri rin naman ang mga Pinoy na nananatiling dito nagtatrabaho sa kabila ng ‘di kataasang sahod at sa kabila ng iba pang problema sa kabuhayan.

Kaya nga hindi dapat magkaroon ng pagkukumpara sa mga Pinoy na nandito at sa mga OFW na nasa ibang bansa. Pare-pareho silang nagtatrabaho sa mahihirap na kalagayan. At kadalasa’y wala silang pamimilian. Nasadlak sila sa kalagayang kailangan nilang kumita, sa anumang ligal na paraan.

LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: omecandazo@yahoo.com

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.