Ano ang Isinasaad ng Affidavit

Dear Atty. Acosta,

 

SA HINDI inaasahang pangyayari ay pumanaw ang aking asawa. Wala kaming ari-arian maliban na lamang sa maliit na bahay na aming tinitirahan. Nang ayusin ko ang kanyang gamit ay nakita ko ang kanyang ATM. Hindi ko alam kung mayroon siyang natabing pera kung kaya’t nagtungo ako sa bangko. Ayon sa empleyado ng bangko, mayroong naiwang pera ang aking asawa ngunit upang maibigay nila ito sa akin ay kailangan kong gumawa ng isang affidavit. Salat po ako sa kaalaman dahil hindi ako tumuntong ng kolehiyo. Ano po ba ang affidavit at ano ang dapat isinasaad nito? Maaari po ba akong lumapit sa inyong opisina upang magpatulong?

 

Gumagalang,

Mrs. Diana

 

Dear Mrs. Diana,

AMING IKINALULUNGKOT ang pagpanaw ng iyong asawa. Parte ng buhay na isang tao ang pagharap at pagtanggap sa pagkawala ng mga mahal sa buhay. Atin na lamang ipagpasalamat ang bawat oras at pagkakataon na nakasama natin silang mga namayapa na at ipagpatuloy ang ating paglalakbay sa buhay.

Base sa iyong sulat, kailangan mo ng legal na serbisyo partikular na ang pagkakaroon ng gabay sa paggawa ng isang affidavit. Ang affidavit ay isang sinumpaang salaysay na ginagawa ng isang tao na nais maglahad ng pangyayari at patotohanan ito. Mahalaga na ang gagawa nito ay magsasabi ng pawang katotohanan lamang sapagkat sa oras na ito ay manotaryohan ay legally bound ang taong gumawa nito at maaaring maparusahan kung mapatunayan na siya ay nagsisinungaling.

Ang aming tanggapan, ang Public Attorney’s Office (PAO), ay maaaring tumulong sa iyo upang makagawa ka ng nasabing affidavit na maaari mong isumite sa bangko upang makuha ang salaping naiwan ng iyong asawa. Nais naming ipaalala na mahalagang pumunta ka sa pinakamalapit naming tanggapan, na karaniwang matatagpuan sa bulwagan ng katarungan o sa inyong munisipyo upang malaman kung ikaw ay kuwalipikado bilang kliyente ng aming opisina. Kaugnay nito ay kailangan mong magdala ng isa sa mga sumusunod na proof of indigency: (1) Latest Income Tax Return (ITR), pay slip o iba pang dokumentong magpapakita ng iyong buwanang sahod; (2) Certificate of Indigency mula sa Barangay kung saan kayo nakatira; o (3) Certificate of Indigency mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakakasakop sa inyong lugar na tinitirahan. Kung kayo ay kuwalipikadong maging aming kliyente ay bibigyan kayo ng kaukulang tulong sa paggawa ng inyong salaysay, pati na rin ng iba pang payong legal na inyong kakailanganin.

Makabubuti rin kung makakapagdala ka sa aming tanggapan ng mga dokumentong makatutulong sa iyong nais hilingin mula sa bangko katulad ng inyong National Statistics Office (NSO)-authenticated marriage certificate bilang patunay na kayo ang legal na asawa ng iyong namayapang mister, kasama na rin ang kanyang death certificate bilang patunay sa kanyang pagkasawi.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

One thought on “Ano ang Isinasaad ng Affidavit

  1. Dear Atty.Acosta,
    Good day po!
    Itatanung ko lang po kung pwde ako makipaghiwalay sa asawa ko at humingi ng financial food and shelter support para sa mga bata. 3 po anak namin 17,16,at 11. Kasal po km sa huwes. Ano pong aksyon gawin ko kc wala po akong trabaho . Nakakapagud na kc emotionally sinasaktan ako madami syang pang loloko ginagawa sa akin kahit sa bahay namin lage may kausap may ka txt. Sabi nia patunayan ko daw bago ako mag react. Ang sa akin lang attorney lage ganun alibi na pang 5x na nia to ginawa sa akin. Ano ho bang mga karapatan ko bilang asawa kung makipaghiwalay ako unang una hnd ko po hawak ang sahud nia pwde po ba ako pumunta sa office nila at kukunin ko yng sahud nia? For almost 16 years naming kasal ganun lang tlga ang pinag awayan namin mga ka txt nia . Mahilig tlga sia sa ganun. Ok lang sana pag nsa labas sia kaso po nababasa ng anak ko yng txt na may i love you. At nagsusumbong pa na pang naliligo yng asawa ko dala dala yng celfone nia sa banyo.
    Attorney etong huling away namin dahil na naman sa babae nia lumabas tlga sia ng bahay para lang kausapin sa celfone at dun pa sa labas tlga ng street namin. Which is kaduda duda tlaga.Nasaktan po ako pinalayas ko. Nagtalo km nag laslas ako at dun nag react mga anak ko. Attorney nakatakatawa po dahil lang sa txt at tawag pero po deep inside emotionally sobrang nasasaktan ako. Gusto ko na po umalis so poder nia. Ayoko na po. Pagud na po ako umiyak. Gusto ko po malaman mga karapatan namin mag iina.
    Maraming Salamat po…
    Rizza

Leave a Reply

Your email address will not be published.