Ano’ng meron sa Pinoy version ng Lovers in Paris? (O, ano ang wala?)

HINDI NA TALAGA madadala ang Pilipino at nakukuntento na lang sa mga gaya-gaya at paulit-ulit.

Panatiko ako ng orihinal na Lovers in Paris at hanggang ngayon, hindi ko alam kung sino ba talaga ang gustong lokohin ng Dos nu’ng nagdesisyon sila na ang maging bida ay sina Piolo Pascual at KC Concepcion. Hindi sila bagay. Para silang Gabby Concepcion at Nora Aunor.

Isang malaking miscast, mistake! Alam ko, hindi lang ako ang naiirita sa Filipino version ng Lovers in Paris dahil sa napakadaming mali. Sa sobrang dami, kulang na lang ay ipahinto na lang ‘yung palabas at bayaran tayo ng ABS-CBN sa nasayang nating kuryente nu’ng pinanood natin ito.

Hindi porke’t nag-aral si KC sa Paris at may mga kakilala siya du’n, ibig sabihin ay bagay na siyang gumanap na bidang babae. Masyado siyang maganda at glamorosa para maging bida. Mahirap magmukhang mahirap at hindi kaya ni KC na gawin iyon. Hindi ibig sabihin na wala kang make-up, mukha ka nang mahirap. Nagmukha kasing marungis. Hindi rin puwede na Pinoy version ang serye mo tapos mahihirapan kang magsalita ng Tagalog o Filip[ino. Saan ka nakakita niyan? Sa pilipinas!

Ito namang si Zanjoe, para namang naligaw lang. Hindi niya alam ‘yung ginagawa niya. Napakaganda ng role na ibinigay sa kanya ng Dos, pero parang hindi niya alam kung paano gampanan. Alam niya na dapat kung ano ‘yung mga gagawin niya dahil sunud-sunod ang proyekto na ginawa niya, pero parang hindi pa rin siya natututo.

Wala akong sinasabing bading si Piolo, pero ang bading lang ng dating niya sa serye. Ginagamit mo na naman ‘yung kasama mo para pagtakpan ‘yung mga nakaraang isyu ng pagkalalaki mo. Wala kasi akong makitang chemistry sa inyo ni KC. Hindi ba dapat dalhin mo siya sa mga eksena dahil ikaw ang beterano pagdating sa mga ganitong klase ng proyekto? Parang kay bagu-bago ka naman sa ganitong klaseng industriya.

Saka nakasasawa ‘yung paulit-ulit na pinatutugtog ‘yung TV theme song. Bukod sa hindi na nga maganda ‘yung pagkakagawa, asiwa rin ang pinagsamang boses nina KC at Piolo. Parang sa bawat minuto na may nakakikilig na magaganap, kailangan bang sesenyasan ng TV theme song para lang may ideya ‘yung mga tao na nakakikilig ‘yung eksena? Minsan, ‘yun pa ‘yung nakasisira sa eksena. Hindi pala minsan, madalas ‘yun ang nakasisira.

Hindi ibig sabihin na ginawa ang ilang eksena sa Paris ay papasa na siya bilang isang remake. Dapat, pagbabasehan mo ‘yung orihinal na kuwento, orihinal na tauhan, hindi ‘yung gagawa ka ng sarili mo. Kulang na lang, magkaroon ng kidnapping, barilan, nahuhuling pulis, pekeng tunog ng suntok at ampon para masabi na Pinoy na Pinoy ang kuwento.

Minahal ng mga Pinoy ang Lovers in Paris, hindi dahil sa guwapo at maganda ang mga bida, kundi dahil sa merong kuneksiyon ‘yung kuwento sa araw-araw na buhay natin. Hindi sila magaganda at guwapo, pero magaling sila at iyon sa palagay ng buong Pilipinas ang wala sa Pinoy version ng Lovers in Paris.

Wala akong makitang tama rito sa pinagagagawa nila, kaya tatamaan silang lahat sa akin. ABS-CBN, ayusin n’yo yan!

by Chiksilog

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

15 thoughts on “Ano’ng meron sa Pinoy version ng Lovers in Paris? (O, ano ang wala?)

  1. Im an Avid fan of LIP korean version. Kaya halos kabisado ko na yata lahat ng eksena dun. Sobrang mis ko na nga LIP eh kaya natuwa ako nung magkaron ng LIP pinoy version. Sabi ko mapapanood ko na ulit yung mga cute na eksena ni Carlo at Vivian. But what happened sa LIP pinoy version? Ang alam ko sa Lovers in Paris walang dull moment pag si Carlo at Vivian ang eksena. Halos 90% yata nun comedy. Nakakatwa at nkakakilig. So bkt ganun ngyari sa LIP pinoy.. Wlang nakakatawang eksena. Puro drama at ka oa-yan! Iniba nila storya. Bagay kay Piolo yung character na Carlo. Pero bkt si KC yung Vivian. Di talaga bagay! Dapat dun yung kikay umarte, like toni or kung pwede nga sana si Juday. Sure patok yun. Kayang kaya ni Juday iportray role ni Vivian. Hay.. parang nababoy tuloy yung LIP. Iibahin rin lang pala nila story, edi sana ibang title na rin lang. haay.. sna di nalng ni remake..

  2. wag nyo sabihing bayot station ang dos kasi nasa seite ang karamihan ng mga bakla pati c joey nga nahawa na rin. c ogi, bitoy, pati c manny paqiuo na bakla narin sa seite.

  3. Excuse me, si Toni banlag.. Bagay naman si KC at Piolo.. may chemistry naman.. tingnan nyo pa ang rating! Wala lang talagang dating dun sa mga ayaw! So what! Basta ang LIP may ratings at may advertisers!

  4. mag mula ng nachismis na bading si piolo ay tinitignan ko ng mabuti ang kilos nya, may napansin din ako, parang pagnagsasalita sya pilit na minumudole ung boses nya na parang tunay na lalaki at parang ingat na ingat pag nagsasalita sya, isang kamali lang nya mahahalata sya,mahirap yun ah! …….. pag naiinterview si piolo o may spiel sila sa asap tawa ng tawa kahit wala namang nakakatawa, naiirita tuloy ako! magkaparehas ang tawa nila ni juday! parang palastic ang tawa nila.

  5. parang hindi feminine si KC,si Piolo naman parang bading at si Zanjoe sana papahingahin na nila nakakasawa na ,parang karpintero na walang talent sa akting ,si KC parang si Sharon pa cute at walang sex appeal,parang manly,mabuti pasi Maricar Reyes,class and Glamorous.wrong casting sana nagtry naman sila ng new talents .si Piolo halatang halatang nagpapamacho lang pag pinakitaan mo yan ng ipis o daga baka bumigay nang tuluyan.

  6. puro kyo pintas kng ayw nyo wag nlng kyo mnood dun kyo sa siete mnood ng nkkhilong stairway to heaven at yung pnkmyabang na darna puro salita d nmn mrnong sa fight seen

  7. tama ung writer dito! ….di nila binabase sa original na kwento at ung tauhan, di lang Lovers and paris,lahat ng niremake nila(my girl,only you at the weeding),imbes na light lng ung storia, puro awayan at iyakan, tama! kulang na lng magbarilan…..kung di mis match, mis cast ang ginagawa nila….pangalan lng ang inadopt nila,hindi ung storia kaluka!!!…………ang ayaw ko lng kay piolo sa acting nya ay ung boses nya, nagagalit man o hindi ung character nya parehas pa rin, parang bumobolong palagi….. si kc naman may pagka oa pa rin paminsan minsan at sa totoo lng di sila bagay magtambal.. si Zanjoe nman, naboboring din ako sa isang ito eh!!!!…… syempre kung fan mo sila,manonood ka talaga kahit na boring…

  8. I love lovers in Paris…pero mas gusto ko sana kung Toni ang nag-role para kay Vivian, kasi comedic yung role at the same time dramatic and romantic….dun talaga magaling si Toni!

Leave a Reply

Your email address will not be published.