Annex sa Bangsamoro, Nilagdaan na

NAGING MATAGUMPAY ang pagtatapos ng ika-36 na formal exploratory talks sa pagitan ng government peace panel (GPH) at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito’y sa kabila ng tensyon dulot ng standoff sa Lahad Datu, Sabah na itinuturo umanong epekto ng Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB).

Base sa ulat ng Presidential Adviser on the Peace Process Office, nilagdaan na ang parehong panig ang Annex on Transitional Arrangements and Modalities (TAM) na magsisilbing roadmap sa pagbuo ng Bangsamoro.

Pinagtibay rin ng da-lawang hanay ang Terms of Reference para sa Independent Commission on Policing (ICP) na magsusumite ng rekomendasyon sa peace panel ukol sa police force para sa Bangsamoro, alinsunod na rin sa framework agreement.

Samantala, nakasalang naman na ang talakayan sa annexes para naman sa wealth-sharing at power-sharing.

Sa ngayon, tinitingnan ang paglikha ng third party monitoring team na siyang magre-review, mag-e-evaluate at magmo-monitor ng framework agreement at annexes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.