Anne Curtis, yumabang na raw

Anne-CurtisNAKU, DAY! Tinalbugan ngayon ni Anne Curtis ang iba pang isyu lalo ang mga balita tungkol sa Yolanda tragedy dahil dito sa insidenteng sampalan sa isang bar.

Nu’ng nakaraang November 23 pa pala ito nangyari sa Prive Luxury Bar sa The Fort na kung saan nakatikim daw ng sampal sina John Lloyd Cruz, pati raw ‘yung ibang nandu’n sa bar na walang kamalay-malay sa mga nangyari.

Pati raw si Phoemela Barranda ay tinalakan ni Anne na kaya raw siyang bilhin pati ang bar na ‘yun. Bongga, ‘di ba?

Hindi lang ito lumabas agad dahil gusto pa sana nilang patayin ang isyu. Pero wala silang magagawa dahil ang daming nakasaksi kaya kakalat talaga ‘yan.

Inamin din naman ni Anne at humingi siya ng sorry. Pero hindi pa rin mapigilan ‘yan, marami pang gustong palakihin ang isyun ‘yan.

Dahil naging usap-usapan na ‘yan sa showbiz, may mga naririnig tuloy ako na ang laki na nga raw nang ipinagbago ni Anne. Ang dami na raw nakapansin na na yumabang na raw ito na ikinalungkot ng mga close friend niya.

Meron ngang nagkuwento na isang big star din na nakatrabaho noon si Anne, sobrang sweet daw niya noon, pero ngayon daw isang “hi” lang ang bati sa kanya at wala na.

Naku, day! Pakialam ko naman sa kanila kung yumabang na sila at kung hindi na sila mambabati. Keber ko ba?

Pero ang artistang kagaya ni Anne na maganda pa naman ang image at ang daming produktong ini-endorse, dapat na mag-ingat sila.

Ang daming mawawala sa kanila dahil lang sa kagagahang ganyan, ‘di ba? Kaya dapat na mag-ingat siya.

Tingnan natin kung paano maayos ‘yan ng ABS-CBN 2 at ng Viva na humahawak ng career ni Anne.

 

NAG-HOST NG lunch si Boots Anson-Roa sa Anabel’s Morato nu’ng kamakalawa lang at ipinakilala sa amin ang lalaking pakakasalan niya sa susunod na taon, na si Atty. King Rodrigo.

Na-interview rin namin siya para sa Startalk at doon kinuwento nilang dalawa kung paano na-develop sa inlaban ang maganda nilang friendship.

Tatlong taon na pala silang lumalabas-labas at kapag nagdi-date nga raw sila ay kasama pa nila mga apo nila.

Boto raw ang mga anak nila sa kanilang relasyon, at sila nga raw mismo ang nag-ayos na matuloy na ang kasalan.

Ang sarap naman ng ganu’n na imagine, sa edad na ‘yan ni Boots ay meron pang nagpakasal sa kanya.

Parang companionship na lang siguro talaga ‘yan dahil siyempre mas maganda ngang may kasama siya palagi dahil may sarili namang pamilya ang mga anak nila.

Kaya tuloy pinagtatalunan namin kung sa edad na ‘yan na magdyowa, nagtsutsugihan pa kaya sila? Naku, ha! Ganda-ganda ng Mama Boots, ha! Abangan n’yo sa Startalk ang kuwento namin tungkol sa pag-iibigan nila ni Atty. King Rodrigo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

18 thoughts on “Anne Curtis, yumabang na raw

  1. matapobre ka anne!dmo lang matanggap na merong ibang sikat na tao sa yo sa lugar na kung saan ka nagpa reserved!kaya hayun lumabas ang pagka insecure mo!

  2. Joke lang kasi ung ginawa ni vice ky jessica,eh itong kay anne nanakit at masakit na salita ang mga sinasabi nya sa knyang mga friends. Pangit din sa isang babae na lasengga. Cguro sikat parin si anne pero hindi na kagaya nung dati at mababawasan endorsements nya.

  3. KUNG HINDI NAMAN SIKAT SI ANNE WALANG PAPANSIN SA NANGYARI. WHAT MATTERS IS SHE HAS THE GUTS TO SAY SORRY AT HINDI NA NAGDAMAY PA NG IBANG TAO TO JUSTIFY HER MISTAKES. FOR SURE, SOMETHING HAPPENED THAT PROVOKED THE INCIDENT. DI NAMAN SYA NAGLASING AT BASTA NA LANG NAGWALA.

  4. naku, parang hindi naman ginawa ng ibang sikat na artista yan… alam mo naman sa showbiz, makakalimutan din yan… bakit yung ginawa ni Vice Ganda dati kay Jessica Soho, mas malaswa at mas nakakainsulto yon, pero namatay ang isyu at hanggang ngayon SIKAT pa rin si Vice?

    • Joke lang kasi ung ginawa ni vice ky jessica,eh itong kay anne nanakit at masakit na salita ang mga sinasabi nya sa knyang mga friends. Pangit din sa isang babae na lasengga. Cguro sikat parin si anne pero hindi na kagaya nung dati at mababawasan endorsements nya.

  5. ewan lang pero ako walang ng showtime sa bahay.eat bulaga na kami hanggang nandoon pa si anne mas grabe pa ang ginawa nya kaysa kay willie

Leave a Reply

Your email address will not be published.