Anne Curtis, unti-unti nang pinapatay ang isyu sa bar?!

Anne-CurtisNAKU, HA! Mukhang unti-unti nang pinapatay ang isyung sampalan ni Anne Curtis.

Hindi na nagsasalita si Anne. Nakipagbati na ito kay JM Rodriguez na may-ari ng Prive, at hindi na rin nagsasalita ang mga taong involved.

Si John Lloyd naman ay tahimik siyempre, at malamang hindi na ito pinagsasalita.

Nandu’n din si Jake Cuenca nu’ng nangyari ang gulong ‘yun, pero wala siyang alam.

Heto pa ang nakakaloka! Dini-deny na ngayon ni Phoemela Barranda ang isa pang kuwentong dinuru-duro siya ni Anne at sinabihang ‘I can buy you, your friends, and this club.’”

Meron pa ngang kuwentong tinawag daw siya ni Anne na “whore” pero itinatanggi ito ni Phoemela.

Sabi lang niya meron daw sinabi si Anne sa kanya pero hindi naman daw siya dinuru-duro.

Ayaw na raw niyang ungkatin pa dahil nag-sorry na raw si Anne sa kanya at okay na raw sila.

Pero heto, ‘day! Talent ng Viva si Anne, at ganu’n din si Phoemela. So, alam n’yo na?!

Ang latest nga na narinig ko, isasama na raw si Phoemela sa Maria Mercedes. O, ‘di ba?!

Kaya hintayin na lang natin, mananahimik na sila at kusa na lang mamatay ang isyung ‘yan.

Pati nga ang ibang involved na sina JR Isaac, saka ‘yung taga-Globe na si Leah, saka ‘yung Czarina Sarte ay ayaw na rin daw magsalita dahil masyado na raw silang napi-pressure.

Okay, mukhang hahayaan na nilang mamatay na ang isyung ito, pero I’m sure mapag-uusapan uli ‘yan.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang buong kuwentong ‘yan at ang iba pang nakalap ni Ricky Lo na sources para malaman kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Anne Curtis, unti-unti nang pinapatay ang isyu sa bar?!

  1. What about you Lolit, musta na ang issue tungkol sa alaga mong si Bong na ang balita eh sabit ka rin raw sa pinakasikat at pinaka-kontrobersyang pork barrel ni Napoles?

Leave a Reply

Your email address will not be published.