ANNE CURTIS, TORN BETWEEN TWO LOVERS

NAGSIMULA NANG IPALABAS ang Green Rose, ang pinakabagong teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN starring three of the hottest young stars of this generation na sina Jericho Rosales, Anne Curtis at Jake Cuenca. Jericho plays ‘Jerome’ who is in-love with Anne’s character ‘Angela’ while Jake is ‘Edward’, the antagonist in the series.

Green Rose is the Pinoy adaptation of the hit Koreanovela of the same title that was shown on ABS-CBN a few years ago. Some of the scenes in Green Rose were shot in Korea. Ginawang mas swak sa panlasa ng mga manonood ang istorya tungkol sa pag-iibigan ng dalawang magka-sintahan hanggang sa maganap ang isang di-inaasahang pangyayari na babago sa kanilang buhay.

The guy was framed up for the attempted murder of his girlfriend’s father and fled only to return years later with a new identity to take revenge and uncover the truth.

Echo explained when he guested on The Buzz why it is called Green Rose. “Green Rose kasi ang simbolo ng eternal love sa show namin, ang pag-ibig na matatagpuan lang sa langit doon sa show. ‘Yon ‘yung promise,” aniya.

Napag-uusapan na rin lang ang tungkol sa pag-ibig, kamusta naman kaya ang mga estado ng puso ng tatlong bida sa teleserye? Well, hindi naman kaila sa publiko that Jake and Melissa Ricks are together.

“Masaya ako. This is probably the happiest I’ve ever been and I hope I’m making her just as happy. So kung anuman ang ginagawa namin I just wanna keep it like that, kasi it’s worth it,” sabi ni Jake.

Echo is considered one of the most eligible bachelors at kahit single siya ngayon ay hindi ito nangangahulugan na hindi siya masaya. He was linked before to Andi Manzano and Andi Eigenmann, pero wala raw talaga, and in fact, they are his neighbors. He has maintained his friendship with Anne na nagkaroon ng fee-lings dati when they were shooting their movie Baler.

Hindi naman puwedeng palampasin ng The Buzz ang pagkakataon na hindi siya tanungin tungkol sa kanyang comment about his co-star Alessandra de Rossi during the presscon of Green Rose. Sinabi niya kasi na nai-in love na yata daw siya sa aktres. Dito pa naman sa showbiz, walang kawala ang mga artista. ‘Ika nga, may pakpak ang balita at lahat ay binubusisi para malaman ang katotohanan.

Sinabi ni Echo na sineryoso naman daw sila ni Alex. “Tropa kami ni Alex. Siya ‘yung bagung-bago kong kaibigan sa set. ‘Yung BB [ay] isang konsepto lang ‘yon sa show. ‘Yon ang tawag namin sa kanya ni Smokey (Manaloto),” paliwanag niya

Anne is the only rose between the two thorns, ‘ika nga. Blooming siya ngayon dahil lalong gumaganda ang kanyang relasyon with her non-showbiz boyfriend Erwan Heussaff.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.