Anne Curtis, to make movie with ex-bf Richard Gutierrez

HABANG TINITIPA NAMIN ang aming kolum for Pinoy Parazzi, nakatanggap kami ng text message from Ruffa Gutierrez. She’s on her way na raw sa ABS-CBN para sa live telecast ng morning show nila ni Comedy Queen Ai-Ai delas Alas, ang Ruffa and Ai.

Along EDSA, napatingin daw siya sa billboard ni Anne Curtis, and the former girlfriend of his brother Richard looks good daw sa billboard. Incidentally, magkakatrabaho ulit sina Richard at Anne since the last time na nagkasama sila noon sa “Nut’s Entertainment” five years ago. This time, gagawa sila for the first time ng pelikula, pagbalik ni Anne from her vacation sa Spain.

EKSLUSIBONG NAKAUSAP NAMIN ang dating sexy actor na si Al Tantay na kasama Only You na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Sam Milby at Diether Ocampo. Hanggang ngayon pala, hindi pa rin sila okey ng ex-wife niya at dating screen partner na si Rio Locsin. Pati mga anak nila na sina Paula at Java, nadadawit sa ‘quiet war’ nila ni Rio.

“Actually, hindi kami masyadong nag-uusap ni Ogie (nickname ni Rio). Although, may sarili kaming mundo, e. Kanya-kanyang pamilya. Pero alam mo naman, sila Ogie, e, huwag lang ding may babangga d’yan, makakalaban pa rin ako. Ganu’n lang ‘yun, e. Pero ‘yung mga bata mas ‘yung karapatan siyempre nasa kanya, dahil sa kanya lumaki ang mga ‘yun, e. Mahirap para sa akin. Pero ako hoping na maintindihan na niya ang mga bata,” pahayag ni Al na gaganap bilang ama ni Angel.

Ramdam kasi ni Al ang sobrang paghihigpit ni Rio sa mga anak nila. In fact, 28 years old na si Paula at 26 naman si Java, parehong dalaga pa.

Tinanong din namin si Al kung true ba na hindi niya sinuportahan ang mga anak nila ni Rio. “Akala lang niya ‘yun na wala. Kasi hindi ko sa kanya ibinibigay. Hahaha!

“Siya ang nagpaaral pero ang mga bata, since alam mo siyempre ano lang, e, timing lang ‘yan. May time talaga na wala ako (pera). Pero nu’ng nagkaroon ng panahon na okey naman ako, may banko ako sa kanila. May ATM (account) ako sa kanila. Ang karapatan ko lang du’n ay mag-deposit. Karapatan ng anak ko is mag-withdraw. Hindi ko alam kung alam niya ‘yan.”

Hindi raw sila nag-uusap ni Rio at ang mga bata lang ang nagko-connect sa kanila. “Ang alam ko ayos na, e. Hindi ko alam na medyo hindi pa siya. Ako kasi, since naghiwalay kami, naka-move on na ako, e. Hindi ko alam kung sa kanya hindi, e. Hindi ako sigurado. Naririnig ko lang minsan na binabanggit ng mga bata.

“Kasi ah, mahigpit sa kanila lalo na pagdating sa akin. ‘Tsaka ‘yun nga, naririnig ko rin ‘yun ,e, na hindi ako nag-support. Siya ang nagpaaral, siya lahat, ‘yung ganu’n. A, wala sa akin, e. Pero tanungin mo ang mga bata. Tanungin mo na lang sila kung wala akong ibinigay na support.”

Wala rin daw pagkakataon na nagkasama sila sa trabaho ulit ni Rio. There was a time pa raw na nagkaroon ng isyu na may gagawin sana sila na isang project, pero tumanggi si Rio na makasama siya. Until now feeling ni Al, uneasy pa rin sa kanya si Rio.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

One thought on “Anne Curtis, to make movie with ex-bf Richard Gutierrez

Leave a Reply

Your email address will not be published.