Anne Curtis to launch her singing career!

ILANG ARAW PAGKATAPOS ng season 3 grand finals ng Showtime sa darating na Sabado, unti-unti nang magre-record ng kanyang pinapangarap na record album for the first time ever si Anne Curtis.

Matagal na kasing natapos ng magandang aktres at ni Jericho Rosales ang taping ng kanilang teleseryeng Green Rose, kaya abala na lang si Anne sa Showtime at shootings ng kanyang mga endorsements.

Mix of original compositions and remakes daw ang ire-record ng actress turned singer. Biniro nga s’ya ng kanyang hair and make-up artist na si Roviel Castor na sana ay i-record n’ya rin ‘yung mga naging theme songs ng kanyang teleserye na ikinatawa ni Anne at sabay isip kung ano ‘yung kanta noon sa Kampanerang Kuba na naalala pa n’yang kinanta ni Sheryn Regis. Nang maalala ni Anne, bigla itong kumanta nang bonggang-bongga. “Basta, marami akong songs na i-re-record for my album,” hirit ni Anne sabay ngisi.

Bukod sa susunod na teleseryeng gagawin n’ya sa Kapamilya network, kinumpirma sa amin ni Anne ang nakakasa nang pelikulang malapit na n’yang gawin with Cristine Reyes and Derek Ramsay na co-production ng Viva Films at Star Cinema na una na naming ibinalita dito  sa  aming column.

Pagdating sa kanyang ex-boyfriend na si Sam Milby na huli n’yang nakasama sa The Royal Wedding Special ng ABS-CBN at minsan ay sa ASAP Rocks every Sunday, hindi na raw sila nagkakailangan dalawa ‘pag nagkakasama sila sa trabaho, hindi gaya noon. Nabalita kasi noon na talagang nasaktan at iniyakan umano ni Anne ang pag-hihiwalay nila ni Sam na natatawang nag-dialogue na tinitiyak n’yang hinding-hindi na raw ‘yon mangyayari. Marahil naka-move forward na nga talaga ang ex-lovers, especially now na mukhang pareho silang masaya sa kani-kanilang lovelife. Anne is very much happy with her boyfriend Erwan Heussaff na inamin n’ya sa amin na mahal na mahal na n’ya raw ngayon. Laging raw s’yang ipinagluluto ng binata at lahat daw ay masarap. While Sam has a special friendship with YouTube sensation Marie Digby na magge-guest daw sa next record album na gagawin ng actor-singer.

Sa kabila ng sobrang pagmamahal ni Anne kay Erwan and at her age, 26, wala pa naman daw s’yang balak mag-settle down anytime soon, taliwas sa naisip n’ya noon na parang gusto na n’yang magkaroon ng sariling pamilya, dahil sa tingin n’ya ay medyo tumatanda na s’ya.

Ayaw lang aminin ni Anne kung ilang buwan na eksakto o kung may isang taon na silang magkarelasyon ni Erwan.  Pero ang alam namin, naka-takdang umalis ng bansa ang dalawa sa susunod ng Biyernes papuntang Vietnam. At kung tama ang impormasyon na aming natanggap, Linggo o two days later ang balik nila ng Pilipinas. Magse-celebrate kaya ng kanilang anniversary bilang magka-sintahan sina Anne at Erwan sa Vietnam for three days?

Well, Anne deserves all the love and happiness in the world, lalo na’t isa s’ya sa ilan lamang yata na mga artista na marunong tumulong sa mga showbiz reporters, gaya ng aming kapatid sa panulat na si Romel Placente, na nangangailangan.

PERSONAL: OUR DEEPEST condolences to ABS-CBN channel head, Cory Vidanes, and her family for the passing of their beloved father, Sergio Valen-zuela. May his soul rest in peace.

On the lighter side, Happy 33rd birthday to Judy Ann Santos today!

Makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

5 thoughts on “Anne Curtis to launch her singing career!

  1. Hala ka. Baka magalit si Mariel. Ayaw niya nang kompitensiya.

  2. seriously? Anne is pretty, no doubt about it. But the singing is not that really good. She could just focus in her acting and tv commercials rather than singing. She look ****** when she sings,honestly.

Leave a Reply

Your email address will not be published.