Anne Curtis’ The Wedding starts taping

Sa wakas, binigyan na ng green light ang matagal nang naka-bankong proyekto ni Anne Curtis na The Wedding kasama sina Zanjoe Marudo at Derek Ramsay. Isa nanamang mala-koreanovela ang treatment ng The Wedding pero at least original ang istorya nito at hindi lang hinugot galing sa isang Koreanovela.

Dapat kasama sa serye si Geoff Eigenmann bilang Warren pero lumipat ito sa Kapuso network para saluhin ang role dapat ni JC de Vera sa SRO Cinema Serye. Si Derek Ramsay na ang gaganap sa role ni Warren, ang first love ni Candice.

Iikot ang k’wento sa tauhan ni Anne Curtis na si Candice de Menes, isang single rich girl na gagawin ang lahat para mapigilan ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Napakatuso ng karakter dito ni Anne dahil nung maghihiwalay na ang mga magulang niya, nagawan niya ng paraang ma-engage sa common enemy ng parents niyang si Marlon (Zanjoe Marudo). Magba-backfire naman ang plano ni Anne dahil totoong ma-i-in love siya kay Zanjoe. Saka naman papasok sa eksena si Derek upang ibalik ang dating pagtitinginan nila ni Anne. O ha, ang haba ng hair ni Candice dito – pag-agawan ka ba naman ng two hunk actors?!

Saktong wedding month ang labas ng seryeng ito na mapapanood sa Primetime Bida nang walong linggo lamang. Very light ang romantic comedy na ito na magsisilbing breaker o mampatanggal-umay. Sana lang hindi pa umay ang mga manonood sa tambalang Zanjoe-Anne kasi sa totoo lang, hindi naman sila bagay. Na-ispat-an ng Parazzi cam sina Anne at Derek sa Crowne Plaza Hotel sa taping nila at mukhang refreshing ang tandem na ito. I’m sure maraming kapamilyang nag-wiwish na June na para mapanood nila ang hot pair na ito, ‘di ba?

by Faith Salazar

loading...

11 thoughts on “Anne Curtis’ The Wedding starts taping

  1. dami talagang insecure kay anne, sino pa nga ba d ma insecure halos lahat na sa kanya dba? sexy, pretty face, best actress, sabi nga ni kris the girl everybody loves.. kaya ako sa iyo duke hart, be contented of wat u have.. wag maging insecure…

  2. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » The Wedding Starring Anne Curtis, Zanjoe Marudo and Derek Ramsey – Trailer and Pictures

  3. y compare bea and anne???? iba2 naman sila nang beauty ah.. i love anne…
    i dont like bea that much.. kase nga naman naging maarte na sya

  4. Pingback:   Anne Curtis at Centerfold / Anne Curtis - Fan Blog With Pictures And Videos

  5. Sinong mas bagay kay Sam Milby? Si Bea o si Anne?
    I think si Bea. Baka lumabas ang pagka-dramatic actor ni Sam kung si Bea ang kapareha. Si Anne, ewan ko kung bakit nag ka award. Hindi naman marunong umarte.

  6. Oo nga ang cute nga ang tambalang Anne & Zanjoe dun sa Dyosa kaya kaasar kc ang gusto nya dun ehh c Sam………

  7. “Sana lang hindi pa umay ang mga manonood sa tambalang Zanjoe-Anne kasi sa totoo lang, hindi naman sila bagay.”

    ————-

    hindi bagay?! eh bakit pa sila pinagtatambal kung hindi sila bagay, ang cute nga ng chemistry nilang dalawa eh.

    Go ZAnneJoers!

  8. WHATEVER! She does not appeal to me. Over rated and
    over acting. Don’t waste your money producers. Baler did not even make it to the top 15. Flop, flop flop.

  9. hay buti naman may teleserye na ulit si anne,,sana sa susunod niyang project si sam na ulit,,hehe i love them so much,,,,

  10. hay sa wakas. .. may teleserye na naman ang idol ko na si anne curtis!!!!. .fave ko din si angel locsin at kc concepcion

Leave a Reply

Your email address will not be published.