Anne Curtis, tapos na raw ang gusot kay John Lloyd Cruz

1 Anne-CurtisKINUMPIRMA NI Anne Curtis na gaganap na Dyesebel na tapos na ang gusot sa kanila ni John Lloyd Cruz. Okey na raw sila ni Lloydie at willing nga raw siyang makatrabaho ang actor.

Aminado si Anne na nagkamali siya sa nangyaring insidente ‘yon last year at natuto na raw siya sa  pinagdaanan na `yon. Ayaw na raw niyang magpaliwanag sa nangyari dahil gusto na niyang iwanan ang hindi magandang nangyari naganap last year.

Nagpapasalamat siya dahil kahit inulan siya ng batikos, hindi siya iniwanan ng kanyang mga tagahanga. Sabi niya, sana raw matandaan ng mga tao ang nagawa niyang magagandang bagay at isipin din ng mga ito na tao lang siya na nagkakamali.

Samantalang inamin ni Anne na may idea na raw siya na magkakaroon ng bagong project sa ABS-CBN nang paakyatin matapos ang hosting niya sa It’s Showtime pagkabalik niya mula sa Canada. Pero hindi raw niya akalain na ang Dyesebel ang ibibigay sa kanya ng Dos. Kaya nang marinig daw niya sa siya ang gaganap na bagong Dyesebel ay natulala siya.

Natawa naman si Anne na siya ang tinutukoy sa naging hula kay Luis Manzano na close friend at close sa puso ng actor ang makakatuluyan sa taong ito. Tiniyak ni Anne na hindi siya ang babaeng tinutukoy sa hula na magiging syota ni Luis.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.