Anne Curtis, susundan si Luis Manzano sa Bangkok?!

Oh My G!
by Ogie Diaz

SA TWITTER PA lang, malalaman mo na kung saan-saan mag-i-spend ng kanilang Holloween vacation ang mga artista habang siyempre ‘yung iba ay naririto lang sa Manila dahil me mga trabaho pa.

At ‘yung iba ay talagang sementeryo ang punta, dahil nga, hello! araw kaya ng mga tegibels?

TULAD NG TWEET ni Drew Arellano, sabi nito, papunta na siya ng airport kasama sina Vhong Navarro, Billy Crawford at ibang non-showbiz friends, dahil lilipad sila pa-Hong Kong.

Si Luis Manzano naman ay pa-Bangkok, dahil ang kanyang TVC na du’n kukunan ay sasabayan na rin ng bakasyon.

Nag-BBM (blackberry message) kami kay Luis na du’n ba sila magkikita ni Anne Curtis, dahil nag-tweet din ang young actress na papunta rin ito ng Bangkok.
Ang sabi ni Luis, nagkataon lang daw, baka meron din itong ibang trabaho. At wala raw silang usapan

Pero siyempre, masa-shock pa ba tayo kung magkita ang dalawa sa Bangkok, ‘di ba?

Anong ginagawa ng BBM o ng text message?

ILAN NA ANG nagtatanong sa akin kung ano raw ba ang status talaga nina KC Concepcion at Piolo Pascual?
Actually, sa pagkakaalam namin, ang “exclusively dating” ay isa lang naman ang ibig sabihin: magdyowa na nga sila.

Pero kung kilala natin ang dalawa, pareho naman silang responsableng mga bata, kaya I’m sure, kaya nilang alagaan at hindi gawing cheap ang kanilang relasyon.
And when we say ‘wag nilang gawing cheap ang kanilang relasyon, ‘wag na nilang i-discuss pa in public at gawin na lang nilang pribado.
‘Pag ini-involve pa ang audience sa update ng kanilang relasyon, ang tendency – nasisira at nauuwi sa wala.
Sa huling usap namin ni Papapi, nginitian na lang niya kami, kaya nagets agad namin na, “Ibalato mo na lang sa amin ni KC ang kung anuman meron kami ngayon.”

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn kasama sina Rommel Placente, Ms. F at Francis Simeon.

loading...

4 thoughts on “Anne Curtis, susundan si Luis Manzano sa Bangkok?!

  1. wow bagay naman silang dalawa kawawa naman si angel naghahabol kay luis hahaha eh mas maganda pa si anne sa kanya

  2. dati pa pong tapos ung survivor sa thailand, ung napapanood poh satv is tape lng poh….c richard nga nsa pinas na…gets?

  3. nandun po kc sa thailand c erwan heusaff pra sa sister nya n c solenn n nsa survivor phils..kaya nandun c anne…gets…

Leave a Reply

Your email address will not be published.