Anne Curtis rode MRT all the way to Kylie Minogue’s concert!

 

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Dahil thanks God it’s Friday na naman, raratsada na naman tayo at panoorin n’yo ako sa more chikka, more fun to the maximum authority of chikka.

Nakakaloka kasi itong si Andi Eigenmann na talaga namang pinag-iisip ang mga press sa kung sino ang um-assemble sa dinadala niya. Siyempre, kung sinu-sino tuloy ang sinasabi nilang ama. Si Albie Casiño ba o ‘yung anak ni Joseph Estrada na si Jake Ejercito?

Pero bago nangyari ang lahat ng eksena, may nabalitaan ang ating kaparazzi, na may nakaka-date daw na foreigner itong si Andi noong nakaraang February. At base sa ating computation na 18 weeks, it means 4 ½ months na siyang buntis, ‘di ba? Pak! Abot nu’ng February!

Pero abangan na lang siguro natin kung sino ang kamukha ng baby. Kaya lang, hindi natin masasabi, kung malakas ang dugo ni Andi.

 

AT NAKAKALOKA NAMAN itong si Vice Ganda dahil nagkaroon nga ito ng concert nu’ng nakaraan, at sinabi niya sa kanyang interview last night sa concert ni Kylie Minogue, pumunta raw siya sa concert para tingnan kung kanino ang mas maraming pumuntang manonood. Pabiro naman niya itong sinabi, pero ‘teh, makipagkumpitensiya ka raw ba?

Pero in fairness naman, talagang pinaghandaan niya ang concert na ito, dahil pakabugan pala talaga. At speaking of that, siya ang nanalong best dress. ‘Di ba ang taray! Aura kung aura!

At ito namang si Anne Curtis, talagang para lang makaabot sa nasabing concert, nag-MRT talaga ang lola mo mula Magallanes patungong Araneta. Kalalapag lang kasi niya ulit sa ‘Pinas, at dahil sa sobrang trapik, nag-MRT na nga lang siya. Ayun, nakapanood din siya. At least hindi niya pinalampas ang concert. Pak!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino kaya itong TV host actress na talaga namang matapos mawala sa telebisyon ngayon, kasabay na nawala ang pinagho-host-an niya? At talaga namang napapabalitang nagpadagdag daw ito ng boobs! Nakakaloka! Kasi nga, biglang laki ang boobelya niya.

At heto ang malupit na chikka d’yan… tanggap na tanggap niya na siya ay kabit lang, at proud to be ang ate mo. Naku, ‘teh! Ayan, huh! Kumakabit ka na lang dahil wala ka nang career. Kalurki!

 

KAYA KUNG AKO sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

11 thoughts on “Anne Curtis rode MRT all the way to Kylie Minogue’s concert!

  1. Ang twitter is another form of freedom of speech, di porke itinweet eh pinangangalandakan na. napakanarrow-minded ng iba dito. Itnweet lang ni Anne ibig sabihin pinagmamalaki na. At hello ang pagtulong sa tao ay hindi pinapangalandakan dahil kplastikan ang tawag dun kung tumulong ka tpos ipagmamayabang mo lng pala in a way parang nanggamit ka kaya as to exercise my freedom of speech I disagree na dapat pang ipagmayabang ng isang tao ang pagtulong sa mahirap.Sabi nyo what’s the big deal at kelangan pa ni Anne itweet ang pag mrt eh kung ibalik ko sa inyo tanong what’s the big deal if itweet nya, it’s her own twitter anyway ang lahat ng follower nya eh kusang loob nagfollow sa kanya do kung anuman ang itweet nya d nya kasalanan if mabasa nyo nagfollow kyo sa kanya ano b mgagawa nya.reporter lng ang nagbalita sa tv and not her so its not her.

  2. ang hulig kasi mag-tweet ni anne..may tawag dun ehh..di ko lang matandaan!!!..tlagang lhat ng ginagawa nya ehh tini-tweet pa with twitpic pa.!naman?!…

  3. Hayyy buhay parang napaka big deal sa artista mag mrt. Ano naman paki alam ng buong mundo kung nasa mrt ang isang artista? si Geneva Cruz nga ginagamit mrt eh pero hindi niya
    ginagawang big deal. Ang mrt ay para sa lahat kahit artista ka na maarte o private citizen, ITS NO BIG DEAL, WE DO NOT HAVE TO READ THIS NON SENSE NEWS ON TV

  4. e ano naman ngayon kung nag mrt cya.tao lng din naman cya.over naman yan ,pinapalaki nyo yung kwento.porket artista.

  5. SOBRA NAMANG ANG TATAAS NG TINGIN NILA SA SARILI NILA DAPAT IPAGLANDAKAN NILA KUNG TUMULONG SILA SA MGA MAHIHIRAP.IYAN PA BIBILIB AKO SA KANILA.IN FAIRNESS YUNG PICTURE NI ANNE CURTIS AT TITA SWARDING MAY HAWIG SILA PARA SILANG MAGNANAY

  6. oa nyo nman, naitwitter lang ni Anne na nag mrt sya akala mo nman pahumble effect lng sa parte nya. haler! hindi sya ang nagpalaki ng issue n nag mrt sya kundi ang mga reporter tulad nito.kasalanan ba nya n million ang followers nya. At d lng pag mrt nya ang itinitweet nya pati pag eeroplano at pagtravel nya o pahumble effect p rin b yun.kikitid talaga ng brain.nainews lng kala mo n kasalanan n ng artista yun.

  7. ACTUALLY, HINDI NAG MRT SI ANNE INSTEAD NAG-INARTE HEHEHE IPAGSABI BA NAMAN SA BUONG MUNDO NA SUMAKAY SYA DOON……….YUNG KA LEVEL NGA NYA NA SI SNOOKY SERNA EH NAG JEEP SIYA PA? HAHAHAHA

  8. e ano ngayon? kailangan pa ba ipagsigawan na sumakay siya sa MRT???? mga artista ba di pwede sumakay dun o pag sumakay sila. magkakasakit ba sila? echos!

Leave a Reply

Your email address will not be published.