Anne Curtis, plans to change network?

LUTANG NA LUTANG talaga ang ganda ni Anne Curtis kapag naka-all blue. Parang nag-iinit ang pakiramdam namin sa kanya nu’ng muli siyang i-launch bilang endorser ng GSM Blue.

Buti na lang, taken na kami, Kuya Dani! (Yuck the nerve!)

Anyway, tinanong si Anne kung me alok bang lumipat siya sa GMA 7. “Wala naman po. Happy naman ako with ABS-CBN, eh. I have The Wedding naman and ASAP 09.”

Oo nga naman. Mukha namang kuntento si Anne bilang Kapamilya. Kahit itanong n’yo pa sa daddy niyang si Rez.

Si Rez Curtis talaga? Hahaha!

UY, NA-SIGHT N’YO na ba ‘yung bagong billboard du’n sa Quezon Ave. cor EDSA, kung patungo ng SM West? In fairness, katakam-takam si Dingdong Dantes du’n, huh!

Perferct, sabi nga ni Ate Vi! Ewan kung ginamitan ng photoshop ang larawang hubad-baro na ‘yon ni Dingdong, at ‘yung naka-insert na photo sa gawing kanan naman ay nakadilaw siyang hapit na trunks ba ‘yon o whatever ng Bench?

Basta kung anuman ‘yon, parang me nakakubling patola sa likod ng hapit na hapit na dilaw na underwear na ‘yon na ibig kumawala. At ewan kung me daya ito.

Pero sa kabuuan in fairness, panalo du’n si Dingdong, huh!

Ang tanong naman ng mga fans, kelan naman nila makikita sa isang billboard si Richard Gutierrez nang ganu’n din kaseksi ang pictorial?

Me ganu’n?

HANGGANG NGAYON BA’Y isyu pa rin ang estilo ng pag-awit ni Martin Nievera ng Lupang Hinirang sa laban nina Pacquiao at Hatton?

Utang na loob, tigilan na ‘yan. Buti nga, hindi pumiyok at tama ang lyrics, ‘no?! Binastos ba ni Martin?

As long as kinikilala natin at alam nating ang tamang melody ng ating Pambansang Awit, eh, ituon na lamang natin sa ibang problema ng bansa at pansarili ang ating oras.

Hindi naman namin kayo inaawat na maging makabayan. Lahat naman tayong mga Pinoy, iisa ang ipinaglalaban, eh. Pero let’s move forward. ‘Wag na tayong tumuon d’yan sa tono ng Pambansang Awit.

Nanalo na si Paquiao, let’s be happy. Naglagay na naman ng bituin sa ating bansa si Manny, maging proud na tayo. Palagay n’yo?

Hindi kasi me mapalagay, eh!

Don’t forget to listen to “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz882 sa AM radio at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

8 thoughts on “Anne Curtis, plans to change network?

  1. hindi pa ba patunay yung babae nyo tinadyakan na kaya 3months lang ang nilagi..ehehh tingnan natin kung makakalipad sya…ehehehhhhhhhhhh

  2. Salome, kasi kahit big stars na si Marian and Dingdong, down to earth at humble pa rin. Kung may invite sa kanila, and they have extra time to do it, kahit pagod and pagod na, pinagbibigyan nila ang invitations. Unlike other celebs who act like divas, and pa-sikat kuno.

    Instead of appreciating those facts about Marian and Dingdong, people have to find issues about it. Typical….

  3. KUYA OGIE BAKIT PO BA KINAKAGAT PA NILA MARIAN AT DINGDONG ANG BARANGAY FAFIESTAHAN PARA PUNTAHAN… 2 TIMES NA KASE SILA PUMUNTA SA DIESTAHAN DITO SA ISANG BAYAN AT MALIIT NA BARANGAY SA NUEVA ECIJA… EDIBA SUPER SIKAT NA SILA AND MALAKI NAMAN NA KINIKITA NILA…

    KAYA KO LANG NAMAN NATANONG KASE, SA DINAMI-DAMI KO NG NAPUNTAHANG FIESTAHAN DITO, NO SHOW ANG MGA BIG STAR NG ABS… SILA ANGEL, PIOLO, KC, ANNE… ANG GUSTO NAMEN MAKITA PERO WALA….

    JUST ASKING…

  4. bkit nmn ka2bhan c maria?
    she knows wer she stand sa gma noh….hehehe
    im not a fan pro sana tigilan na c marian noh?!
    na3himik na ung tao plzzzzzzzz………..at hindi nmn sya binanggit s article noh?!

  5. naku Anne pag bumalik ka sa GMA nako matataranta na c Marian nyan, yun nga lang mabalitaan nya nag may bagong darating c Carla kinabhan na ehh kaw pa kaya……..

  6. panalo din ung billboard ni dong sa guadalupe as bench endorser ~ yummy!

    katapatan nman nya c angel locsin ~ mas grabe ang kaseksihan ni angel.

    bagay sana sila kaya lang nakatatak na kay dingdong c marian.

    bket hndi c marian ang nsa billboard beside DD? -just asking??

Leave a Reply

Your email address will not be published.