Anne Curtis, pinutakti ng reklamo – Ambet Nabus

MAY MGA ‘BUMIGWAS’ naman diumano na mga Star Magic talents na tila hindi gaanong natuwa sa klase ng trato na ibinigay daw sa mga gaya ni Anne Curtis na ‘ampon’ lang kung tutuusin ng nasabing most glamorous talent center sa showbiz ngayon.

Bukod daw kasi sa binigyan ang mga ito ng special na number ay nabigyan din ito ng mga award gayung may mga equally deserving ‘lesser stars’ na nag-effort din daw na magmukhang glamorosa at maningning na bituin sa nasabing magic ball.

Ang ilan pa nga raw dito ay nangarir ng pagbili ng mamahaling mga kolorete at gamit pampaganda dahil once a year lang daw nilang naidi-display sa mga top executives ang kanilang kagandahan at kaguwapuhan and yet ang papansinin lang daw ay ‘yung mga saling-pusa kumbaga. Sinu-sino nga ba ang mga ito bukod kay Anne, huh?

But in fairness naman kay Anne, na bukod sa natural na maganda at glamorosa, eh, talaga namang reyna ang dating.

Hindi naman siguro kasalanan ng dalaga kung siya ang napansin at kung sa ibang talent agency siya nakakontrata. Basta, siya ay isang Kapamilya na naimbita sa ball at nag-enjoy, period.

Other showbiz news by Ambet Nabus:

Jinkee Pacquiao, selos pa rin kay Ara Mina

Independencia, makikilahok sa New York Film Fest

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

21 thoughts on “Anne Curtis, pinutakti ng reklamo – Ambet Nabus

  1. It’s true, pero bakit mahina siya sa box office. Marami nang flops, lalung lalo na ang Baler. Pati TV shows niya flops din.
    Ano ang kulang sa kanya? maganda naman siya.

    • oo maganda at sexy talga, pero sobra na ung pagka oa nya ngayon! mahilig magmayabang ng mga gamit at sa mga napupuntahan nyang mga lugar,kailangan mo bang ipakita sa TV yan at gawing issue! at ang mga issue nya puro na lang lalake lalo na kung may teleserye at movie, interview lang naiirita na ako, wat more kung sa teleserye ko pa panoorin!….minsan nga di na ako naniniwala ung mga aksident issue before at iba pang issue nya…. dahil parating nagkataon na may teleserye sya,mahilig magpapansin talaga!……..puri kasi ng puri ung isang sikat na personality jan! na katulad nyang OA, mano kung once or twice lang pero paulit ulit na lang, AT to the highest level talaga ang papuri nya ha! kaloka !!!…parang naglulukohan na silang dalawa na parang tanga…. lokohin mo ang lelang niyong pANOT……..nakita ko naman ang acting ni anne, maganda ung facial expression ng mukha nya pag dating sa acting pero ang bibig nya parang kumakain na ngomunguya! ay ewan…………..

      • gusto ko dati si kris at anne pero ngayon wa na!….pero matalino talaga itong si kris dahill ang pinili nyang purihin ay ang mga sikat ngayon! para naman ang mga fans nito ay iboto ang kapatid nya…kahit labag siguro sa loob nyang gawin ung teleserye at movie na gagawin nya ay napipilitan na lng para may mapag usapan sa kanya, kung may pag uusapan sa kanya syemre isisingit nya pa rin sa usapan ung kapatid nya na tatakbo, mahilig namang mang singit yan eh,para ti mahalata siguro!! kulang na lang sya ang tatakbo! ……..pero pag nagpapatawa si kris tumatawa pa rin ako, sinasabi ko lang ung nasa loob ko at napapansin ko sa kanila!!!!……mahilig sa gimik,plastik at mapagpanggap itong si kris……nasali tuloy si kris sa commnt ko…sensya na

  2. PINaka maganda ka talaga anne…..marami lang na iinggit lalong-lalo na ang mga inggitero….wala dapat mag question dahil super fahionista naman talaga si anne…so natural…at every year my award s’ya sa star magic ball…GO GO ANNE…U DESERVE THAT AWARD !!!!

  3. her is bigtime walang ordinary day kumbaga.

    Pero nasan na po si Angel locsin ni hindi napapagusapan sa ABS CBN for the past week why kaya?! BUntis laos? or wala ng kontrata kaya che na! or or or totoo bang break na sila ni Malou santos kaya fly away na sya at pinipilit pa nila na hindi nakakuha ng US workig visa kaya wala sa ONly You TFC hehe talagang pasaway si Angel ABS lang naman mahilig pumuri sa mga talent nila kahit mag sinungaling na. eh talagang wrong move sila kay Angel yun lang.

  4. hay naku kay anne na lang ako kung kay kc “OA” concepcion. pinipilit na maganda ang gown nya baka nga ang gown maganda hindi na maganda nong sinuot nya.

  5. deserving naman talaga ni anne yung award she looks beautiful talaga in her gown,,at kayang niyang dalin and she’s one of the most beautiful faces in the industry…sabihin mo na may mas maga2nda gown at pinaghandaan hindi naman kaya dalin..wala ring silbi hindi pa rin sila mapapansin…

    Kaya go anne,,Your the best

  6. Ang ganda ng gown na pinili niya. Parang pag-iniba mo ang color ng gown iba rin ang purpose niya. Puwedeng pink or salmon para maging gown sa debutant, pag white puwede wedding gown, I can also imagine it being so pretty in red or blue. Whoever designed her gown is sooo talented. Anne stood out in the crowd of similar gowns, she deserved the award.

  7. Si Anne Cutis ay naturally glamorous, kahit noong bata pa siya. Hindi niya na kailangan pang mag-effort, para mapansin; di niya kasalanan kung takaw-pansin siya, coz she really is very attractive!!!

  8. Mahilig talaga magpapansin si Anne ! Gusto lang niyan umeksena as usual. Kahit sa anong gathering biglang naiiba dahil KSP !

  9. May isa pa akong nakikitang pwede sumabay kina ANNE at KRiSTINE HERMOSA. Kilala nyo ba si CHAREE PINEDA? Tahimik lang yun batang yun, pero magaling din umarte, maganda ang mukha, may height, at glamorosa din manamit. Abangan nyo yun guys. Sayang wala pa yata sya sa Star Magic… pero isang promising na actress din ang batang yun .

    • ay agree ako nkita ko si charee dti sa lobby ng abs mganda at ska slim din..hndi na dapat intrigahin to no khit sa picture plang parang c jackie o. c anne..

  10. Huwag ng magtaka…talagang maganda at glamorosa si Anne Curtis. Si Kristine Hermosa lang ang puedeng sumabay diyan kaso mas mukhang matanda na si Kristine kaya bongga pa din si Anne talaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.