Stars Candid: Anne Curtis, pinabongga ang burda

YES! Magazine’s “Most Fashionable Young Female Celebrity Award” (2008), Metrowear Magazine’s “Style Icon of the Year” (2009) at US GIRLS August Awards Most Fashionable (2009) – ‘yan lang naman ang ilan sa mga awards na nakuha ng nag-iisang Dyosa ng Philippine Television. Kaya naman hindi tayo nagulat na kahit burda pa ang isuot ni Anne, eh bongga at fashionable pa rin ang dating nito. Sa presscon noon ng The Wedding, maraming umusisa sa suot n’yang white lace na nakapatong sa itim na bra. Well, sabi ni Anne, uso naman daw ito and she just wants to feel great. Ang taray!

“I love dressing up for balls… :) there’s something so dreamy about it :)” – nag-update si Anne Curtis sa Twitter account n’ya recently at hindi naman kami surprised dahil tinanghal s’ya noong 2008 sa Belo Medical Group’s 18th Anniversary Ball bilang “Venus of the Night” at noong 2007 naman sa 1st Star Magic Ball bilang “Best Dressed Female of the Night.”  Nito namang 3rd Star Magic Ball last August 30, 2009, tinanghal naman siyang “Most Glamorous.” O, di ba naman?!

By Faith Salazar, Photos by Allan F. Sancon

loading...

One thought on “Stars Candid: Anne Curtis, pinabongga ang burda

Leave a Reply

Your email address will not be published.