Anne Curtis, nauubos na ang mga damit!

BACK TO WORK na ulit si Anne Curtis sa kanyang pre-noontime show na Showtime. Na-interview namin si Anne at ikinuwento niya sa amin ang kanyang naging holiday vacation. “Dahil live kami nu’ng Christmas day, after noon, nagpunta kami ng Hongkong. Then we went to Bangkok, nagtrabaho ako du’n. Tapos nagkaroon ako ng time na mag-beach.

Nag-beach kami noong Dec. 31 kaya ako tanned na tanned ngayon. Pero overnight lang kaya sandali lang kami ng sister ko. Kasi live na kami nu’ng Jan. 1,” mahabang kuwento ni Anne.

At dahil bagong taon na, may New Year’s resolution din si Anne. “Ilang beses ko nang sinasabi ito, dahil nga nag-tweet sa akin si Paulo Coelho (isang magaling na author), na-inspire ako na ganoon pala ang feeling ng isang fan. Kaya ngayong taon, magiging ganoon na rin ako sa mga followers ko sa Twitter. Hindi lahat, pero I will try.” Pahayag ng aktres.
Dahil sa araw-araw ang kanyang programa, problema raw ngayon ni Anne ang kanyang mga damit.

Nauubusan na raw ito ng mga isusuot kaya naman nagulat siya sa regalong nakuha niya ngayong araw mula kay Kris Aquino. “She gave me nice tops to help me daw replenish my closet.

“Kasi nga araw-araw ang Showtime at nauubos na ‘yung mga damit ko. Buti na lang okay itong mga ibinigay ni Ate Kris. Kasi nu’ng nasa Bangkok ako sinabi niya na I should go to this place daw kaso lang sabi ko wala akong time. Kaya sabi niya, okay sige ako na lang! Kaya I’m very very happy. She is really becoming a sister to me.” Pagbabahagi ni Anne.

Excited na rin si Anne para sa kanyang bagong proyektong gagawin kasama ang kanyang real-life and rumored na nakabalikang boyfriend na si Sam Milby. “’Eto nga kakakuha ko lang ng script namin so I have to read it and internalize on my character. Kasi malayung-malayo ‘yung characters namin dito sa tunay na buhay. Nakapag-workshop na nga kami so ayun, kailangan ko na itong basahin!”

Pero bukod dito, masayang-masaya rin ngayon si Anne para kay Sam na nakalubos ng bakasyon kasama ang kanyang mga pamilya. “I’m just really happy for him. Kasi alam mo siya hindi siya nagkakaroon ng time to spend with his family ‘pag mga holiday vacations kaya I’m happy that he found time.” Ngayong araw, January 6 ang uwi ni Sam Milby mula sa kanyang bakasyon sa Ohio.

loading...

8 thoughts on “Anne Curtis, nauubos na ang mga damit!

  1. ang ganda mo ms anne, sexy, and kahit ano suot mo bagay sau.

    love ka talaga ni ms. kris.

    congratulations! ang succesful ng showtime.

    sana mag guest judge si sam. para all the time magkasama kau. sa showtime, sa taping ng movie ninyo and sa a.s.a.p.then para hatid sundo ka ni sam. hehehe…

    super duper excited to see samanne movie and greenrose. luv yah!

  2. sana naman Anne wag parating maiiksi ang suot mo kasi nakakasawa ng tingnan ang legs mo sa tv. maganda yung iba iba ang attire na iba iba rin ang length. dapat si osang maalis na this week kasi di siya puwedeng magjudge sa showtime gosh pati galit sa revillas sinasama. kalokah. pinaringgan ba naman si bong revilla na panday daw na puro panga ang nakikita. maanghang pa ang bunganga.

  3. sa showtime viewers, i-vote out ninyo si osang ha! at dapat hindi kinuha siya para maging judge at balahura ang bunganga niyan. makakasama lang sa ratings ng showtime.
    sa showtime staff, kung kukuha kayo ng judge eh tignan naman ninyo kung hindi maapektuhan iyung show ninyo.
    hindi magandang halimbawa ang pagkuha ninyo ke osang.

    • akala kasi ni osang taong 1995 pa na yung stle nyang bulok ay papatok pa he he he. at akala pa nya na lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay tulad nyang imbornal ang bunganga at mga baliw na tulad nya. MOVE ON osang

Leave a Reply

Your email address will not be published.