Anne Curtis, Nagpaalam sa Showtime!

NAGPAALAM SI Anne Curtis na pansamantala siyang mawawala sa It’s Showtime. 

But the things is, hindi naman klaro kung bakit pansamantalang mawawala ang beauty ng hitad. Hindi kasi niya ini-specify kung ano ang kanyang gagawin sa buong isang buwan.

Marami tuloy ang naghinala na baka umapir siya sa America’s Next Top Model where she was featured as a model for Francis Libiran.

Pero mukhang hindi naman ito ang katotohanan.

“To clear it with all of my leaving has nothing to do with Asia’s or Americas Next Top Model. Something different.“ tweet ni Anne.

So what could it be kaya?

Anyway, ayaw pa ring sabihin ni Anne ang rason why she will be away for one month.

“It’s something I’ve always wanted to experience. Thank you Lord for giving me this opportunity!” sabi niya.

Hindi kaya magku-cruise lang si Anne kasama ang dyowa niyang si Erwan Heussaff  kaya siya mawawala ng isang buwan?

 

NANINIWALA SI Nadine Samonte sa second chances kaya naman pinagbigyan niya ang non-showbiz boyfriend niyang si Emerson Chua nang balikan siya nito.

“Six years na kami nang maghiwalay kami,” tsika ni Nadine sa presscon ng extension ng Valiente.

Ang paliwanag ni Nadine, “mga issues na hindi napagkakasunduan minsan” ang naging dahilan ng kanilang break-up.

Pero tumagal lamang ng two months ang kanilang hiwalayan dahil sinuyo siya muli ng binatang businessman.

Pero ang sabi ni Nadine, wala nang third time para sa kanila ni Emerson.

“Kasi sa akin second chances okay pa, eh. ‘Pag third pa rin ‘eto na naman ang nangyari, nu’ng second, tapos ano na naman ang mangyayari sa fourth. ‘Pag nagkahiwalay kami after ng second chance, parang feeling ko totally wala na,” esplika niya.

Sabi pa ng dalagang Kapatid star, may mga pagbabago sa kanila ni Emerson ngayon.

“Hindi na katulad dati na parang boyfriend-girlfriend relationship. Ngayon may halong best friend na, barkada na lang, minsan adviser, minsan boyfriend mo, ‘yung ganoon.”

Aminado naman si Nadine na nagkaroon sila ng relasyon ni Leandro Muñoz pero hindi ito nagtagal.

“Inamin ko naman. Aminado naman ako. Siguro wala pa kaming one month,” pag-amin ng dalaga.

Kasama ni Nadine si Lorna Tolentino sa Valiente at ang description niya sa beteranang aktres ay , “Maganda siya. Ang ganda niya. Very approachable siya.”

 

BLIND ITEM: Naku, hindi naman pala kataka-taka na itong isang beking staff ng isang network ay super sipsip sa isang actor na kanyang pinagtatanggol to the max.

When this beki was just starting ay faney pala ito ng isang love team noong 80’s. Talagang wala siyang sawa sa kapupunta sa taping, shooting at kung anu-ano pang activities ng kanyang iniidolo.

Not surprisingly, nakapasok siya sa showbiz. Siyempre, nagkaroon siya ng connection, ‘no.

Kaya lang, parang hindi na nakaalis sa kanyang fan mentality ang gay staff na ito ng network. Up until now kasi ay fan na fan pa rin ang kanyang drama. He has not evolved at parang lalo pang naging fan ng isang actor to the point na super tanggol siya sa mga friends niyang tumutuligsa sa kanyang idolo.

Naku, hindi kaya in the end ay isipin na salot siya ng mga kaaway ng kanyang iniidolo? What do you think?

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

18 thoughts on “Anne Curtis, Nagpaalam sa Showtime!

  1. bakit si anne ang aalis di yung kabayo…kaya lang may nanonood dyan sa circus na yan eh dahil kay anne tapos mawawala pa?…at anong hollywood dream katulad ni sam milby?…mga artista sa hollywood marami dun wala na rin work sisingit pa sila?….ngeek…ang alam ko in demand dun pag gawa ng porno movie…dun ba sila…hmmm exciting..

  2. BAKA NAMAN LALAYASAN NA TALAGA NI ANNE ANG SHOWTIME KASI AYAW NA NIYANG MASAMA SA PAGKALIGWAK NITO HAHA

  3. bwahahaha! mabuti nalang sexy ang katawan ni anne at maputi. kung hindi pa ibibilad ang katawan nya,walang ganda lol. paanu kaya kung morena kutis niya? lakas pa ng loob kumanta at mag-concert? susmaryasep! hindi na natakot tamaan ng kidlat! yung mga baliw naman sinusolsulan pa na mag concert pa sa araneta, aysus! kala ko concert,bakit naging parang fashion show? palit ng palit ng gown ang ginawa?? bwahahahahahah! feeling taylor swift? hilig pa maglispstick ng color red lalung lumalaki bibig halos abot tainga bwahahahahahah!

  4. BI. Si Salut po yan ng ABS. Binastos nya and isang supporter ng kapamilya nilang beautiful actress. Nag-appeal na po sila kay mam Charo and Boss Gabby for appropriate action against this BASTOS na promotion excutive kuno.Do they really need someone like this person who can’t separate business and personal matters. TFC subscribers are disappointed :(

  5. BAKA NAMAN INALIS TALAGA SI ANNE BLAND SA “IT’S NO SHOWTIME” KASI WALA NG BUDGET YUNG SHOW AT WALA NAMANG COMMERCIAL LOAD EH……….BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA…………..HOLLYWOOD DAW?……..BWAHAHAHAHAHAHA…………SIGE AT MAGSAMA KAYO NI SAM NA NABAGOONG NA DUN AT MAPUTI NA ANG MATA KAHIHINTAY SA BREAK NIYA KUNO…………BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

  6. Mabilis din pala itong si Nadine Samonte sa lalake. Two months silang naghiwalay ng non-showbiz bf bago nagkabalikan pero naging sila ni Leandro ng almost a month in between that 2 months na nagbreak at nagkabalikan sila ng bf nya

  7. IDINAMAY pa ni ANNE Curtis si Lord sa kanyang EXCUSE. Sana naman ay sabihin na ni Anne ng DIRECTLY kung ano yung gagawin niya at huwag ng MAGDAMAY DAMAY pa ng mga HEAVENLY Gods in Heaven!

  8. ang bastos naman ni EBAK_CBN… sana pinipili po natin ang mga words na ginagamit natin kasi may mga nagbabasa din pong iba… thank you po..

  9. Good Luck Anne!!!! Naka cast daw kc c Anne sa isang hollywood film kaya mawawala ng 1 month! — according sa tweet ni Ogie Diaz, well if it’s true, pinoy pride na naman to!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.