Anne Curtis, nagiging pasaway sa Showtime?!

HINDI PA PALA break si Anne Curtis at ang boyfriend niyang si Erwan Heussaff. May nagtsika kasing split na sila.

Ang nakarating sa aming balita, sa kagustuhan daw ni Anne na mapalapit kay Erwan ay bumili ito ng condo unit sa Makati, sa Forbes Park. Ibinebenta nga ni Anne ang kanyang bahay sa Sucat, Parañaque ng P25 million yata. At ang nabili naman niyang condo sa Makati ay worth P20 million.

Pero ano itong nababalitaan naming nagiging pasaway na raw si Anne ngayon sa Showtime? Kung dumating daw kasi ito ay palaging ten minutes before magsimula ang show. Hindi naman daw dating nale-late ang aktres at palagi itong maagang umaapir sa Showtime.

True ba itetch, Anne?

NGAYONG NAGSALITA NA si Cristine Reyes na nagkaroon nga ng past sina Rayver Cruz at Sarah Geronimo, maliwanag na siguro kung saan nanggagaling ang pagkaimbiyerna ng Pop Star sa actor-dancer.

At malinaw na rin siguro sa lahat kung bakit kinumpronta ng father ni Sarah si Rayver.

Last year ko pa sinulat na naging magdyowa sina Sarah at Rayver at nabuko ito ng father ni Sarah dahil nagising ito at nakitang may ilaw pa sa kuwarto ng Pop Star. At ‘yun nga, nabuking na nakikipag-chat si Sarah kay Rayver.

Unti-unti nang lumilinaw ang lahat. Kaya pala sobra kung magparinig si Sarah kay Rayver sa kanyang mga interview. Malinaw na hindi niya ma-take na ipinagpalit siya ng aktor kay Cristine. Hindi nga ba’t sinulat namin na tinalakan ni Sarah si Rayver at sinabihang “Niloko mo ako!” sa cellphone?

AYAW NANG PAG-USAPAN ni Jennica Garcia si Alywn Uytingco na boyfriend niya.

“‘Yung kay Alwyn, ilang beses ko nang sinabi na ayaw ko na po siyang mapag-usapan kasi may mga tao na rin akong nasasaktan. At saka wala na rin naman akong kahit anong kino-confirm. Basta, ibalato n’yo na lang sa akin ‘yon,” esplika ng aktres sa isang presscon.

“Masaya akong kasama si Alwyn at espesyal siya para sa akin. ‘Yun na ‘yon. At kung ano’ng dahilan kung bakit ayoko nang matanong pa ako sa kanya ay dahil nahihiya rin ako roon sa tao. Magkaiba kami ng network na pinagtatrabahuhan, hindi kami loveteam, hindi kami magkasama sa show para palaging masama ang pangalan niya,” dagdag-paliwanag ni Jennica.

Ayaw rin niyang patulan ang patutsada ng ex ni Alywn na si Princess Ryan na hindi rin daw tatagal ang relasyon ng dalawa.

“Hindi ko po alam. Ayoko pong magpadala sa mga naririnig ko lang, kasi baka mamaya wala naman talagang sinasabi ‘yung tao. Kaya ayoko na ring pag-usapan.”

Na-meet na niya si Princess pero hindi naman sila na-introduce sa isa’t isa. “Nakita ko yata siya once, mga two years ago pero hindi rin yata kami na-introduce personally. Ayoko nang pag-usapan, kasi may mga ibang taong involved.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleRobin at Mariel, KASAL NA LANG ANG KULANG!
Next articleEx-wife na si Liezel, galit na galit kay Robin NAGIGING PABAYA DAHIL KAY MARIEL?!

No posts to display