Anne Curtis, nagbahagi ng bonus sa charity!

KINAKABAHAN NA SI Vice Ganda, dahil malapit na ang October 26 showing ng Praybeyt Benjamin. Kinakabahan siya, kasi, galing ang Star Cinema at Viva Films sa posibleng maka-P220M gross na No Other Woman, eh.

“Juice ko, ang pangarap ko na nga lang ngayon, kahit man lang malampasan ang Petrang Kabayo gross last year, na (I think) naka-P132M.

“Eh, pinagsanib na pwersa pa rin ito ng Viva at Star, kaya nakakanerbiyos. Ang taas ng expectation sa movie na ‘to ng madlang pipol, kaya sana, tulungan nila akong ma-meet,”  sey pa ni Vice.

Sa lahat ng sinehang pinaglalabasan ng No Other Woman, in fairness, ipinalalabas ang trailer ng Praybeyt Benjamin at halos iisa lang ang reaksiyon. Natatawa sila, kaya excited din silang mapanood ito.

Nakausap nga namin si Roxy Liquigan, ang AdProm ng Star Cinema at sinabi nito sa aming, “Sobrang nakakatawa ‘to, Ogs. Napanood na namin ‘yung movie. Mas maganda ‘to sa Petrang Kabayo, promise!”

Eh, kilala namin ang kumare naming ito. ‘Pag pangit talaga ‘yung napapanood niya, sasabihin din niya sa amin, “Hindi ako puwedeng magsinungaling

sa ‘yo, mare, alam mo ‘yan!”

 

FEELING NAMIN, MALAKI ang chance ni Anne Curtis (hindi namin alam kung) maging Best Actress o Best Supporting Actress, dahil sa makatotohanan niyang pagganap bilang “kabit” sa No Other Woman.

Actually, habang pinanonood nga namin ang pelikulang ito, hindi namin naramdamang siya si Anne Curtis, kungdi “kabit” talaga ang tatak niya sa amin. That means very effective lang talaga ang portrayal ni Anne.

At bongga nga ang kanilang bonus na tinanggap, tig-P1M sila nina Derek Ramsay, Cristine Reyes at Direk Ruel Bayani (na sana pati production staff at crew din na naging bahagi sa pagbuo ng pelikula).

Sey ni Anne sa amin, “Actually, ‘yung 20% sa bonus na tinanggap ko, I’ll give it to charity, because what more can I ask for, ‘di ba? I’m just sharing my blessings!”

How nice of Anne, ‘di ba?

 

BLIND ITEM: NAKAKALOKAH ang mga turn of events. Unang lumabas ay bininyagan ang anak sa iba ng isang kilalang personalidad. Idinenay ng nanay ng bata na anak ‘yon ng naturang personalidad. ‘Yun daw laging kasa-kasama ni Mr. P ang siya raw ama ng bata.

Hinihiling ng iba na magpakita naman ‘yung tatay talaga ng bata kung totoong hindi ito anak ni Mr. P. Pero wala namang maipakita. Kahit nga yata picture ng ama ng bata.

Ang latest naman na nakarating sa amin, totoong hindi anak ‘yon ni Mr. P at ang nakakalokah pa, hindi rin ‘yon anak ng natu-rang babae.

Sasambulat din ang katotohanan. Para raw itong isang teleserye, promise.

So, kaninong anak ‘yon?

‘Wag n’yo sa aking ibintang ‘yan, ha? Apat na po ang anak kong babae, hahahaha!

 

P’WEDE N’YO NA po kaming mapanood nang live sa facebook mula Lunes hanggang Biyernes, 4-5:30pm sa www.facebook.com/vibestayo. Magchikahan tayo, mag-chat kayo sa amin at babasahin din namin nang live, promise. 

Paki-like na rin ang fanpage ng vibes tayo, dahil in the first place, vibes naman tayo lahat, ‘di ba?

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

11 thoughts on “Anne Curtis, nagbahagi ng bonus sa charity!

  1. I’m sorry but this girl can’t act. Just my opinion. 
    I watched No Other Woman and her acting was okay, nothing special. I didn’t like when she was yelling “…is unfortunately married!!!”. 
    Hindi ko mafeel ang soul.
    Maybe in the future pero right now, hindi pa siya ganon kagaling para bigyan ng award for best actress. 

  2. @curtis & ikaw_aso – HAHAHAHAHAHAHAHA…………..MGA UGOK…………WALA PA KAYONG SENSE NG SHOWBIZ……….MABUHAY SI VELMA…………

  3. ANG GANDA NG BOSES NI ANNE…….IF YOU HAVE THE CHANCE TO BUY HER CD……PLEASE DON’T!!!!!!!!!!!!!!,,,,,,,,,,,,,,HAHAHAHA………….YUNG BOSES NIYA PARANG LATANG NILALAGARE…………….HAHAHAHAHA

  4. @curtis, grabe ka naman manghusga?! pag namali ba ng spelling bisaya na agad?!! nakakasakit ka ng damdamen..wahahahahahaha

    BTW, congrats kay ANNE, grabe ang galing mo IDOL.. haha BOQ, RECORDING ARTIST, daming endorsement …. talo na ang may kambal-ahas.. wahahaha.. reyna lang sa kamuning.. kaya galit na galit ‘tong si shebie kina ANNe, Angel, Sarah kasi mga movies this year nakabot ng 100M, di tulad ni amaya.. ang dami-daming casts FLOP pa rin..wahahahaha

  5. ang idol ni shebie eh c marian revera,. hahaha kaya pla parehas ugali, ugaling palengke na kasing baho ng bibig ni shebie,. hmmm.. lahat kinukontra ni shebie huh malamang kinakati kna, hahaha makati kpa sa gabi

  6. O SIGE EH DI SI MAHAL NA LANG ANG KA LEVEL NI ANNE SA ACTING……….HAHAHAHA….SAMA MO NA RIN SI MAHAL PARA TANDEM

  7. Hello di talaga nya kalevel sila nora at vilma kc mga veteran na sila pero sa generation nya si anne ang isa sa mga pinakamgaling na aktres ngayon!!!!!

  8. SAAN SI ANNE CONTENDER? SA WORST ACTRESS AWARD!!!!!!!!!!!GIVE ME A BREAK THE GIRL CAN’T ACT WAG NAMAN NATIN IHANAY YAN SA KALIBRE NI NORA AT VELMA…….HAHAHAHAHA

  9. Hello Ogie, Im sure contender cya for BEST ACTRESS and nde sa supporting no! The title of the movie is No Other Woman, eh cya ung Other Woman sa movie eh..