Anne Curtis, nag-move on na raw sa kontrobersyal na issue

Anne-CurtisSA KABILA ng sangkot ang dating kasintahan na si John Lloyd Cruz at ang kaibigan na si Anne Curtis sa insidente ng sampalan sa Prive Luxury Club ilang linggo na ang nakalilipas, kung saan sinampal ng aktres sina John Lloyd Cruz, Phoemela Barranda, JR Isaac at isang taga-Globe, iwas magbigay ng anumang komento tungkol dito ang stylist na si Liz Uy.

Ayon kay Liz, hindi niya ito business at ang importante ay naayos na kung anuman ang naging problema sa lahat ng sangkot. Aminadong nagsabi sa kanya si Anne, pero sa kanila na lang ito at hindi niya maaaring sabihin kahit na kanino lalo’t sensitibo ang nasabing issue.

Anne-CurtisKamakailan naman, binasag na rin kahit papaano ni Anne ang kanyang pananhimik tungkol sa isyu, kung saan na-interview ito ng ilang press people sa set ng It’s Showtime.

Ayon sa aktres, magtatapos ang taon niya with a bang. Pero sa kabila nito ay tintingnan niya ang 2013 na isang magandang taon para sa kanya sa kabila ng mga pinagdaanang kontrobersiya.

Moving on ang deskripsyon ng aktres sa kung nasaang estado siya ngayon at positibo siya na magiging mas magandang taon ang 2014 para sa kanya.

SA THANKSGIVING for the press cum presscon ng Shoot To Kill, Boy Golden, ‘di itinago ni Gov. ER Ejercito ang hinaing niya sa ‘di patas na hatian ng bilang mga sinehan ng pagpapalabasan ng mga MMFF entrie,s kung saan ang mga malalaking pelikula ay binigyan ng 100 sinehan, samantalang ang mga tulad ng mga pelikula nila ay mapanonood na lang sa mahigit 40 na sinehan.

Ang pangako lang sa kanyang namayapang ama na si Jorge Estregan at sa kanyang Ninong Fernando Poe Jr. at ang kagustuhang makatulong sa mga taga-industriya ang dahilan kung bakit patuloy pa rin siyang nagpo-produce ng mga pelikula at patuloy na sumasali sa Metro Manila Film Festival.

Bilib na bilib din sa kaparehang si KC Concepcion, kung saan nagbitaw ng salita ang actor/politician na kung hindi mananalo as best actress si KC sa MMFF ay may dayaang nangyari.

Hindi na naman umaasa na mananalo as best actor, hindi man nananalo sa MMFF ay nagpapasalamt naman si Gov. ER sa ibang award-giving bodies na naniniwala naman sa kanyang kakayahan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

38 thoughts on “Anne Curtis, nag-move on na raw sa kontrobersyal na issue

  1. Pano makakamove on si Lasengga eh andami-daming nakikisawsaw sa isyu para pag-usapan sila in the midst of their waning relevance, di ba Ngiwe? Hakhakhak!

  2. Nyahaha. C Anne mga sosyalen ang nasampal. C CERTIFIED FLOP KWIN, isang dukhang fan ang inaway away! DOCUMENTED pa ng video! Asa youtube pa nga e. Nyahaha…

    • atleast di nananampal, mata pobre at social climber.

      di gaya ni Angel Locring na sinampal-sampal ang bulag nyang ama!
      ayon nagpa gulong-gulong sa hagdan yung matanda!
      hahahahahahahahahaha!

  3. Move on ? what about sampalan okey lang ba sa mga tao sinasampal? tsk!!! tsk!!! tsk! Pera nga naman o makano kaya presyo nila? WOW,,,,KAPAL nabibili… parang election….

  4. Itong Anne na ito napakayabang sa balat ng lupa. Hindi nga nag yayabang yun ibang nasa showbiz ngayon mula sa pag bata eh mayaman na mga magulang? Sya pa na ang kanyang mama e maid sa australia bago na meet ng kanyang papa. Tama naman huwag bilhin ang mga prudocto na eneendors para matgil na sya…

    • Halos lahat naman na mga artistang mestizo/mestiza ay maid lang ang ina sa ibang bansa na nag-asawa ng Puti, kahit itanong mo pa kay Marian R. lol! Inanakan lang ang nanay ni Marian pero may tunay na pamilya ang Daddy niya sa Spain. Gusto kasi ng mga Caucasian ang mga ngetpa dahil iniisip nila (caucasian) wala silang magiging kaagaw. Isa-isahin nyo ang mga parents ng mga artistang may foreign blood, di ba pulos TP (typical) pangit ang kanilang magulang?.

  5. akala mo ‘tong si anne cortez mahinhin kuno pero nasa ilalim pala ang kulo ng bruhang itey, magsama sila ni marianita hahahahahah

  6. Sa sobrang yabang at arogANNEte niya kelangan huwag ng suportahan ng mga fans at company na ini-endorse niya…

    I can buy you, your friends and this club!!! Grabeeee!!!!!

  7. Pingback: Anne Curtis, nag-move on na raw sa kontrobersyal na issueLatest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

  8. coincidence. may article din si willie ngayon. magandang pagsamahin ang dalawang to. pareho silang umaapaw ang kayabangan sa katawan.. hahahaha

  9. Sorry pero sa mga ginawa ni Anne, huwag naman niyang bale walain. Para na ring sinabi niyang “para ‘yon lang?” This woman is arrogant and a white trash. Parang langaw na nakatapak sa kalabaw.

  10. Dayaan agad agad ? I am not impressed with KC’s performance In her last teleserye. Parang pilit. Marami pang magagaling kaysa sa kanya. Kung manalo, congrats, kung hindi, be a sport at huwag gumawa ng isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published.