Anne Curtis, nababaon sa pananahimik ni Sam Concepcion

2 Anne-CurtisISYU NA pinag-uusapan pa rin hanggang sa ngayon ang pangungumpronta na ginawa raw ni Anne Curtis kay Sam Concepcion sa nakaraang birthday celebration ni Vice Ganda sa Gramercy Bar sa Makati nu’ng nakaraang Marso 30. Usap-usapan ang mga binitiwang salita raw ng aktres kay Sam gaya ng, “You’re not even classy enough to be here?” at ang pagkukumpara daw ni Anne na wala sa kalingkingan ang kotse ni Sam sa pinakalumang modelo ng kotse na mayroon siya.

Sa kabila ng pagbibigay-linaw ni Anne sa kanyang Instagram, kung saan pinost pa niya ang larawan na kasama niya si Sam at ilang mga kaibigan sa kaarawan ni Vice na sinabihan lang niya ang aktor na alagaan ang kapatid, pero ‘di niya pinahiya ito, iba’t ibang bersyon pa rin ng kuwento ang lumalabas.

Sinubukan naming kunin ang panig ni Carlo Orosa, manager ni Sam tungkol dito pero tinuro niya kami kay Gian Viscarra na handler at malapit daw kay Sam at ito raw ang aming kausapin.

Nang makausap naman namin si Gian Viscarra, sinabi nito sa amin na hindi magpapa-interview si Sam, hindi sila mag-i-issue ng statement at kung anuman ang sinabi ni Anne ay ‘yun na rin ang panig nila.

Sa amin, sana ay bigyan ng pagkakataon ng management niya si Sam na sabihin ang panig nito, dahil mentras na ‘di siya nagsasalita, lalo lang nababaon si Anne dahil may mga sanga-sangang kuwento ang lumalabas pa sa ngayon.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

16 thoughts on “Anne Curtis, nababaon sa pananahimik ni Sam Concepcion

  1. Bat nga ba ganyan siya twing nakakainum? siya lang ata yung nabalitaan kong babaeng artista naglalasing at nag eeskandalo nagmumura at kung ano2x pang masasamang salita sa kapwa niya artista!! pero sa tingin ko mga medyo kakilala close lang naman niya cguro ang kaya niyang ganunin!!?? at same taga ABS!! Well sa taong nilait niya..Na binili na ni Annetot para di mag salita?? C’on!!

  2. Hindi dapat pinagtatakpan ang mali ng isang kaibigan! !Ang tunay na kaibigan ay nagsasabi ito ng katotohanan!!! Hindi porket sikat na ay kaya muna rin pagsinungalingan ang iyong sarili!!Same lang kayong Artista so bat ka matatakot magpa interview kung alam mong ikaw yung tinutukoy niya dun sa pagyayabang niya!! :)

  3. “NO COMMENT” ang comment ni Sampid sa isyu ng panlalait ni Dyesabog. So that means may naganap nga at pinatahimik na lang ni Mr.M ang dalawang panig for the sake of ‘damage control’?

  4. Sana wag na lang syang iinom kasi di nya makontrol ang sarili nya.. halatang bangenge na sya sa picture… may ganyan din akong kilalala pag di sya nakainom sobrang tahimik pero pag nakainom na lamalabas na ang pagka RHODORA X nya…… Anne dahil sapinaggagagawa mo pupulutin career mo sa kangkungan… ayon sa management ng ABS CBN bawal magsalita tungkol sa isyu…. ganun????? kayo naman prinutektahan naman ninyo kita nyo sa drama series nyo na dyesabel… oo nga naman pag nagsalita kasi si Sam lalong bababa rating ng drama nyo… pero paano naman yung naatraso at napahiya… may family rin si Sam Concepcion na nasaktan sa pangyayari… next time ilayo ang alak kay Anne curtis….

    • hehehe. yeah. si anne, nanampal ng tao bumibili ng tao, nanlalait ng tao mabait? ganun pala kaliit ng moral values mo. atlit si marian, mataray lang kung may injustice na ginawa sa kapwa nya or sa kanya.

      • at least hindi sya nagbabaitbaitan pag may kamera. si anne sweet image oncam pero balahura pala offcam. not a fan of marian rivera.

      • sino kaya yong nanampal nanakit ng tao? si anne di ba? si marian hanggang taray lang at ang mga sinasabi nya walang panlalait kundi nagsasabi sya kung anong mali sa ginawa ng tao. hays. mema lang kay mr

      • Tama ka!! Ang taong walang ka plastikan sa katawan,keso nalasing o hindi..nakikita mo talaga ang pag-uugali..

  5. Eh anong gusto mo sabihin ni sam ang totoo? Dahil totoong nangyari yon. Mahal ni sam ang kapatid ni anne kaya nananahimik na lang siya noh! Sa totoo lang dapat sabihin na ni sam ang totoo para lalo nang bumagsak ang karir nyang matapobreng anne curtis na yan. Yang mga ganyang artista na sobrang yabang di deserve ang kasikatan at yaman niyang tinatamasa noh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.