Anne Curtis, naaksidente!

“AKSIDENTE ‘YON, DONG.  Walang gustong mangyari ‘yon.  Sino ba’ng gustong mamatay si Nomar?  Binuhay lang ng Diyos si Richard (Gutierrez), dahil may misyon pa ang anak ko, ‘Dong!”

Sino pa nga ba ang nagsasalita na ‘yan, kundi si Tita Annabelle Rama, ‘di ba?  Naiinis si Tita Annabelle, dahil sa palagay niya, may isang tao sa likod ni Lorayne, ang asawa ng namatay sa aksidenteng si Nomar (alalay ni Richard), kumbakit, “Sinisiraan niya si Richard, ‘Dong!

“Puwes, dahil sinisira niya ang anak ko, ‘Dong, lalo siyang walang makukuha.  ‘Yung good for 3 years na suweldo ni Nomar na monthly, ibibigay ni Richard sa kanya na 12 thousand pesos, wala na ‘yon.

“Pati ‘yung pagpapaaral ni Richard sa mga anak niya, ‘yung educational plan, wala na rin ‘yon, dahil tumutulong na nga kami, ganito pa ang mapapala namin.  Eh, ‘di sige, magkita na lang kami palagi sa korte!”

Hindi rin namin masisi ang asawa ni Nomar, dahil kung ito’y maprinsipyong tao, hindi talaga nito ipagpapalit ang buhay ng asawa sa anumang iniaalok ni Tita Annabelle o ni Richard sa kanyang pamilya.

“Two months na ‘yon.  Araw-araw, pinamimisahan ko si Nomar.  Pati catering, masasarap lahat, dahil araw-araw kami nandu’n.  Pati si Ruffa, nagbigay ng P100,000. Humingi na rin ako ng tulong sa mayayaman kong kaibigan para magkapera lang sila.

“Ang anak kong si Richard, naospital din.  After four days, pumunta sa burol. Niyakap ‘yang Lorayne, pero ano’ng ginawa niya?  Parang itinulak pa niya at ang sabi niya, ‘Wag dito. Mag-usap tayo sa kabilang kuwarto.’

“Ganun-ganunin niya ang anak ko, eh, aksidente nga ang nangyari, ano ba siya?  Kaya feeling ko, merong isang taong nagsususlsol diyan, kaya ‘yan nagpapa-presscon, nagdedemanda ngayon, eh, wala namang pera ‘yan, eh!

MABUT I NAMAN AT okay na si Anne Curtis matapos siyang maaksidente kahapon nang umaga.  Ayon kay Tita Perla Bautista, na-pack-up nga raw ang kanyang taping dahil sa pagkakaaksidente ni Anne.

“Praise God, dahil okay na ang anak ko.  Mga galos lang ang kanyang natamo,” sey pa sa text ng gumaganap na yaya ni Anne na si Tita Perla.

I’m sure, habang binabasa n’yo ‘to ay malinaw na sa inyo kung saan nanggaling si Anne at ano ang dahilan ng pagkakaaksidente ni Anne.

Hindi naman siguro lasing sa GSM Blue si Anne nu’ng mangyari ang aksidente, ‘no?  Hehehe!

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa Wow! Ang Showbiiiz! sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

9 thoughts on “Anne Curtis, naaksidente!

  1. ingat ka anne huwag mag DUI..
    isa ka pa naman sa may pinakamagandang mukha sa showbiz :)

  2. hindi lahat ng tao pareho sa pagiisip mo Bisaya!
    Mukha kang pera! Matapobre at hypocrite!

    Ofcorz nasaktan ang family Pardo kasi kung hindi nag over speeding ang anak mo eh sana ngayon buhay pa ang asawa, anak at tatay nila! Ang kapal ng mukha mo BISAYA!

    Matapobre!! Karma na yan!! Masyado na kasi kayong mapangmataas!

    • anu naman ang masama sa pgiging bisaya ha, putanginga ina ka!

      kesa naman nakatira sa iskwater na iknabubuhay eh mang-chupa ng mga pulis!

      puta ka, tawag ka na ng tatay mo, pupunta pa daw kayo sa kanto, mang-chuchupa ng mga tricycle driver pangbayad utang nyu!

  3. This self-entitled b**** needs to chill. Napaka-paranoid, akala mo lahat ng tao habol yung pera niya. Hoy bruja, you only project what is in your mind. Dahil ganoon ka mag isip akala mo lahat ng tao tulad mo rin. At pwede ba, masarap ang catering dahil araw araw kayo nandun? Eh para sa inyo pala yun eh! Oh my god, sana mawala na itong salot na ito sa mundo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.