Anne Curtis, muling bumabalik ang bango

1 Anne-CurtisNAGPAPAKATOTOO LANG naman si Anne Curtis sa kanyang kaba na kanyang nararamdaman ngayong siya ang gaganap na bida sa bagong teleseryeng Dyesebel na ipinagmamalaki ng ABS-CBN. Ang dami kasi kaagad sinapian ng inggit at kumontra nu’ng malaman na siya na nga ang gaganap na sirena.

Marami rin kasing pinagpilian at mga unang nabanggit na mga artistang pinasikat ng Kapamilya Network na umano’y gaganap bilang sirena, ang role nga ay napunta kay Anne.

Nagsimula na ring ikumpara si Anne sa mga naunang gumanap na Dyesebel, ‘tulad nina Edna Luna, Vilma Santos, Alice Dixson at Charlene Gonzales. Pinakamatanda raw si Anne sa mga gaganap na serena. Pero sa ipinakitang trailer ng bagong Dyesebel ay may kakaibang lamang ang bagong teleserye ni Anne kumpara kina Edna, Vilma, Alice at Charlene.

Maganda rin kasi talaga ang mukha ni Anne, at bongga rin na mamahalin ang dating ng buntot na kanyang ginamit dahil may kakaibang lambot.

Nagkaroon lang ng kontrobersiya si Anne bago natapos ang 20l3 at medyo naging nega star siya dahil sa kanyang pananampal. Pero unti-unti naman, bumabalik na rin ang bango ng kanyang pangalan, at natabunan na ng maraming isyu ang kanyang kontrobersiya.

Inaabangan na ang bago niyang teleserye, dahil bukod sa lagi namang inaabangan ng mga manonood ang Dyesebel na kuwento ng yumaong nobelistang si Uncle Mars Ravelo, ay panggulat na maraming naglalakihang pangalan mga artista ang mga kasama ni Anne na magsisiganap sa nasabing serye.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

2 thoughts on “Anne Curtis, muling bumabalik ang bango

  1. BAYARAN ni CHARO SANTOS!!!!!!!!!!!!
    juice me, hindi ka ba nasusuka sa sinulat mo Melchorva?
    Magakano ba ang press release from GAYBS?
    pa burger ka naman teh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.