Anne Curtis, may worldwide radio premiere ang bagong kanta

Anne-CurtisMULING MAGTATANGAHAL si Anne Curtis para sa kanyang second major concert na pinamagatang The Forbidden Concert: AnneKapal sa Araneta Coliseum sa darating na May 16.

Hindi man kasinggaling ng ibang mga singer natin, keri ni Anne na bumirit ng kanta sa abot ng makakaya n’ya at minsan na n’yang napatunayan na kayang punuin ang Big Dome hindi gaya ng ibang nagtangka nang mag-concert doon.

In totality, todo-bigay namang mag-perform si Anne at very charming pa, kaya naman talagang aliw na aliw sa kanya ang madlang people na laging nakasuporta sa kanya – may issue man o waley.

Bagama’t hindi pa tapos mag-record ng kanyang sophomore album entitled The Forbidden album ang tinaguriang showbiz sweetheart, dahil sa araw-araw na taping ng high-ratinf teleserye n’yang dyesbel sa ABS-CBN, It’s Showtime, shooting ng bago nilang pelikula nina Cristine Reyes at Sam Milby na The Gifted, at kaliwa’t kanang glossy magazine pictorials at shoot para sa mga endorsements n’ya, nakatakda pa rin ang worldwide radio premiere ng kanyang single na made in the Philippines na pinagtulungang i-compose nina Billy Crawford, Jay-R, Kris Lawrence at Marcus David today sa mga bansang United Arab Emirates, United Kingdom, Europe, Hong Kong at sa dito sa atin, siyempre.

Sa March 31 at April 1 naman ito mapapakinggan ng mga tagahanga ni Anne sa Australia na isa pang bansang mahal niya bukod sa Pilipinas.

 

MAGKASAMA ANG nali-link sa isa’t isa na parehong Kapuso Stars na sina Lovi Poe at Rocco Nacino na nag-late lunch two days ago, Wednesday, sa Detoxify Bar Tuscany sa Upper McKinley Hill sa Taguig.

Pagkakataon din ‘yon para kay Lovi na makadalaw sa bagong branch ng Detoxify Bar na gumagawa ng mga organic vegetable at fruit juices na iniinom ng maraming artista ngayon, like Vice Ganda, Anne Curtis, Solenn Heussaff, Billy Crawford at Coleen Garcia, Aubrey Miles at Troy Montero, Ara Mina at Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses, Dolly Ann Carvajal at IC Mendoza, Roxanne Barcelo, Francine Prieto, Diana Zubiri, Phoemela Barranda, Joey Generoso ng Side A Band, Eric Tai o Eruption ng It’s Showtime, Will Devaughn, Supermodel Allisa Harvard, at Judy Ann Santos na best friend ng owner na si Joy Kristine Domingo-Torres nu’ng high school sila.

Ipinakilala rin daw ni Lovi si Rocco sa may-ari na si joy at in-introduce sa kanya ang Detoxify Bar juice para i-try ng aktor bukod sa pagkain ng organic healthy food for their lunch.

 

MAMAYANG HAPON na nga pagkatapos ng Kapamilya Blockbusers sa Kapamilya Gold mapapanood at malalaman kung ano ang magiging katapusan ng makamandag na teleserye ng taon, ang Galema: Anak ni Zuma ni Andi Eigenmann.

Masasaksihan natin ang paghaharap ng mag-inang Galema (Andi) at Galela (Sheryl Cruz) na hindi dapat palampasin. Mapapatay kaya ni Galema ang kanyang ina o makakaya n’ya kaya itong ibalik sa normal matapos gawing halimaw ni Zuma (Derick Hubalde)? Ano pa kaya magagawang kasamaan ni Zuma o matitigil na ito? Kaya tutok na sa mga kapana-panabik na eksena sa final episode ng Galema: Anak ni Zuma.

Sa sobrang amaze nga ni Sheryl sa kanyang ayos at makeup bilang halimaw na makakalaban ni Andi ay nagpo-post at upload ito sa Facebook account n’ya ng selfie pictures n’ya nu’ng bago kunan ang matinding eksena nila nu’ng second to the last taping day.

Last Tuesday night naman ginawa ang thanksgiving at farewell dinner at party ng buong cast ng Galema sa The Fort, Taguig sa pangunguna ng kanilang mahusay na direktor na si Direk Wenn Deramas.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

4 thoughts on “Anne Curtis, may worldwide radio premiere ang bagong kanta

  1. Ann is very nice and so matulungin sa kapwa kaya i can’t hate her naman ang akin lang opinion ko lang sa insidenteng nangyari … Ann began her popularity nung mag Shop & Share sya para sa mga taong nasalanta ng Ondoy and tuloy2 na yun hangang sa sumikat na sya …. PEACE to everybody!

  2. magaling ang Viva at Abs sa pag-salba sa carrere ni Ann … nakita nyo naman ang damage control na ginawa … ni isa man sa sangkot sa loob ng prive walang nagsalita maliban lang kay Phem …. sabi nila pinatikom ng Viva ang mga bibig ng mga taong involve , o di ba super GALING ng Viva? Sabi nga daw ng Viva Ann is worth 100 million sakanila kya dapat lang na gawan ng damage control sa lahat ng aspeto. Soooooo lucky si Ann sa Viva …. yes inako ni Ann ang pag-kakamali nag-sorry sya pero lumabas pa rin ang tunay na Ann sa pangyayaring yun … sabi nga ng mga matatanda noon kung gusto mo makilala ang tunay na ugali ng isang tao lasingin nyo at lalabas dun ang totoo … masuwerti si Ann at sa pag-ako nya ng pag-kakamali niya sinabayan naman ng Viva at Abs ang damage control PERFECT di ba? Kayo ng maging ANN!

  3. Congratulations Anne! The living proof that a Big celebrity like her is also human who made mistakes but what is important is she owned it and apologized immediately w/o dragging or blaming anyone but herself! Obviously the public felt her sincerity ang forgave her ..not anyone can be like that! Personally i admire he guts to face her issue head on! I dont justify her act but i acknowledged her courage say sorry even her career is at stake. Haters gonna hate her but whatever they do they can’t take away the love and admirations that the madlang people has for her! So Go GIRL!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.