Anne Curtis, may bagong idine-date!

KINUMPIRMA NI DEREK Ramsay, sa presscon ng bagong teleserye ng ABS-CBN na The Weddings, na ang bagong idini-date ni Anne Curtis ay ang brother ng ex-girlfriend niyang si Solen na isang professional make-up artist. Super-iwas naman si Anne nu’ng tanungin namin siya about the guy dahil she just don’t want to talk about it lang.

“If there’s anything, you know, I’m just getting to know the person,” ngiti ni Anne.

Last year pa raw na-meet ni Anne ang brother ni Solen and during that time, sila pa ni Sam. Kilala rin for sure ni Sam ang brother ni Solen dahil ayon na rin kay Anne, they belong to the same circle of friends. Pero ewan lang kung knows na rin ni Sam na dini-date na ng brother ni Solen si Anne.

Nag-aaral sa ibang bansa ang brother ni Solen kaya bihira naman daw silang mag-date.

“You know, it’s something that I want to keep it mum. It’s something, if ever anything, you know, I’ve been an open person naman. But for now, I’d rather keep quite about it,” giit pa ni Anne.

Willing naman si Anne na magkaroon ng isang long-distance relationship if that’s what she really wants. Pero para i-give up ang career niya rito sa Pilipinas, hindi pa sure si Anne about it.

INULAN NG TEXT message si Christopher de Leon ng pagbati ng Happy Father’s day last Sunday. That same day, tumanggap ng parangal si Boyet bilang Movie Actor of the Year sa GMMSF, Inc.

“Happy, of course, it goes to show that you’re still in the game and you’re still fit to compete with others, right?” Balik na tanong ni Boyet sa amin.

Earlier that day daw, nag-gym siya at walang tigil sa pagsagot sa mga bumabati sa kanya. “Binati ako nina Lotlot (de Leon), nina Matet and all that, everyone. Pati sina Kiko. Iniisa-isa ko baka may makalimot. Sasakalin ko. But hindi, wala, wala namang nakalimot.”

Eh, ang Superstar na si Nora Aunor? “Hindi,” matipid na sagot ni Boyet.

May balita na uuwi na ng Pilipinas si Ate Guy next year. “Really? Meron kaming tineyp ni Matet, couple of days ago for MMK (Maalaala Mo Kaya), kasama ko siya. Para sa Father’s day nga. Na-delay lang ng couple of days siguro after a week ng Father’s day. I was asking her kung uuwi si Guy. But, walang may alam. Hahaha! Walang balita from Matet, and if that happens it would be good not only for the industry, but also for her. Medyo ano, makita ulit natin siyang ano, nandito sa Pilipinas and maybe in and out siguro, American citizen na ‘ata siya ‘no? Next year? So, I don’t know if she would have to wait for that but ah, we’ll see what happens.”

Balitang nakatira ngayon si Ate Guy sa kalinga ng dati n’yang leading man na si Sadjid Khan. “Kilala ko siya nu’ng bata pa ako. Sadjid Khan? Oo, kilala ko ‘yun. Kahit hindi kami nag-meet, kilala ko siya. Nakikita ko ‘yung mga ‘yan nu’ng araw. Pero hindi siya nabanggit sa akin ni Guy. Well,  good. That’s very good. Sana tuluy-tuloy ang saya and ligaya at kapayaan sa kanya,” sabi pa ni Boyet.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.