Anne Curtis, masuwerte sa non-showbiz boyfriend

SIGURADO SI Anne Curtis na tama ang kanyang desisyon, na ang sumunod niyang naging karelasyon na si Erwan Heussaff ay hindi talaga artista gaya ni Sam Milby. Dahil noong si Sam pa ang kanyang boyfriend, sobra silang napag-uusapan, dahil pareho nga silang artista. Ngayon kasi, hindi mahilig pumapel si Erwan, dahil bukod sa nagmo-model-model lang naman siya, hindi rin siya mahilig magpainterbyu tungkol sa kanila ni Anne.

Nakatutulong naman ang pananahimik ni Erwan, dahil parang hindi niya naipagdadamot si Anne sa mga fans ng magandang aktres. Kaya tuloy ang pantasya ng mga kalalakihan sa kaseksihan ng isa sa mga bida ng teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw ng ABS-CBN. Kung hindi pa kasal si Robin Padilla kay Mariel Rodriguez, baka magselos si Erwan kay Binoe, dahil bagay palang magtambal sina Anne at Robin. Marami silang nakakikilig na eksena sa nasabing teleserye.

Masipag magtrabaho si Anne. Ang dami niyang nakaplanong gawing pelikula, habang busy rin siya sa pagho-host ng It’s Showtime! at puwede ring gumawa ng pelikula sa Hollywood. Bawing-bawi na talaga siya sa pagluhang naranasan niya nu’ng magkahiwalay sila ni Sam. Hayan ngayon si Sam, pagkatapos na magtangkang makilala rin sa Hollywood ay lumamlam ang kasikatan, at ngayon ay para ulit nagsisimulang pulutin ang nalagas niyang popularity.

 

MAY BABALIKAN pa namang showbiz career si Katrina Halili sa bakuran ng GMA-7 ngayong nagpaparamdam na naman siya pagkatapos niyang makapanganak. Hindi naman kasi talaga niya maiiwan nang ganu’n na lamang ang pag-aartista, dahil naramdaman na niya dati ang saya kung papaano ka hangaan at maging sikat dahil siya si Katrina Halili. Nasilat nga lang ang kasikatan niya nang mapaugnay siya kay Hayden Kho, na pareho nilang pinagdusahan.

Naudlot ang maganda sanang patutunguhan ng kasikatan ni Katrina. Sa kanyang pagbabalik, mahirap umasa na puro pambida pa ang papel na kanyang gagampanan, dahil bago mangulimlim ang kanyang career, sa pagkokontrabida siya napansin. Maliban na lang kung ang pagtitiwala sa kanya ng Siyete ay maging katulad ng pagtitiwala ng ABS-CBN sa naging sitwasyon ni Andi Eigenmann, na nu’ng makapanganak at bumalik sa pag-arte ay bida pa rin sa mga teleserye.

Mabait naman kasing tao si Katrina, kaya kahit ano pa ang pagkakadapa na kanyang naranasan sa buhay, nariyan sa kanyang tabi si Kris Lawrence na ama ng kanyang anak. Mahilig si Kat sa mga bata, kaya ngayong mayroon na siyang anak ay heaven para sa kanya ‘yung lagi niyang nakakasama at naaalagaan si Baby Katie.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

8 thoughts on “Anne Curtis, masuwerte sa non-showbiz boyfriend

  1. Di naman halatang may galit yung writer kay sam?well,in terms of kasikatan parang napag iwanan nga ni Anne si Sam pero malay natin sila pa rin in the end..

    • kasi tumabatsoy si katrina, parang si sunshine dizon at yasmien kurdi may babalikan pa ba sa showbiz ang mga’ yan especially sunshine, haha! teka, ano bang rating nung episode niya ng magpakailanman? mas maganda pa nga yung episode ng MMK na si jane oineza ang bida yung may kapansanan….

      • yu anu ka! dami kayang mga frens ko nakapanuod ng magpakailanman na episode na yon ni shine.kwento ng babae na sa kakatulong sa pamilya at kapatid di na nakapag asawa nagpakamatay.nakakainspire nga yung kwento na dapat di lang pagtulong sa pamilya ang isipin dahil tinuturuan mu silang maging tamad.

Leave a Reply

Your email address will not be published.