Anne Curtis, mangiyak-ngiyak sa success ng ‘Sid & Aya’

Anne Curtis

TODO-PASALAMAT si Anne Curtis sa It’s Showtime dahil sa success ng latest film niyang Sid & Aya na first time nilang pinagsamahan ni Dingdong Dantes from Viva Films.

Ayon kay Anne na mangiyak-ngiyak pa habang nagpapasalamat, kumita ng P9 million ang Sid & Aya sa opening day nito nung May 30 (Miyerkules). Dahil sa lakas sa box-office, nadagdagan din daw ang mga sinehan na pinagpapalabasan ng kanilang pelikula.

“Sobrang thank you sa inyong lahat. Maraming salamat sa mga nakapanood na ng aming movie,” sey pa ng aktres.

Ipinagpasalamat din ng Showtime host ang magagandang comments ng moviegoers about the film at ang power ng “word of mouth” na nakatulon din daw ng malaki para ma-curious ang mga tao na panoorin ang pelikula.

Hindi pa namin napapanood ang Sid & Aya pero base sa mga naririnig naming feedback, tungkol daw ito sa mga gago at mandaraya. Gustung-gusto ng mga tao ang ganitong istorya dahil very relatable.

 Ang Sid & Aya ay mula sa direksyon ni Irene Villamor.

 
 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.