ANNE CURTIS, KAKABUGIN SINA REGINE VELASQUEZ AT SARAH GERONIMO!

OLACHIKKA! NOW na! Don’t make your Monday a blue one! Hahaha!

‘Eto na ang nakakalokang intriga today! Kalurkey ang emote nitong si Ethel Booba ngayon, huh! Blind item ko siya noon na nagpapa-booking nga sa mga thundercats. At parehas sila ng kaibigan niya na si Keanna Reeves, na after nga ng booking sa thunders, e gegetzing naman sila ng bagets! Ano ba ‘yan?!

Sayang din itong si Ethel, ‘no? Ang ganda ng career niya noon, pero hindi niya inalagaan, kaya wiz na ngayon! Pero ano itong eklat ng hitad na sinunog daw nito ang kanyang condo unit?

Ang tsika, mabuti na lang daw at nakita ng guard na nagliliyab na nga ang unit nitong si Ethel, kung hindi e tuluyan nang naabo ‘yon! Sunog na raw nga ang mga kurtina sa loob nito. Kalurkey, huh!

Ano kaya ang pumasok sa kukote nitong si Ethel? Dahil kaya sa tsikang nabuking ng hitad na bading ang boyfriend niya ngayon? Naku, tama ba naman ‘yan? Pati ang mga kapitbahay niya, e madadamay pa sa kabaliwan niya, ‘no!

Kaya lagi kong payo sa nandito sa showbiz industry, mahalin n’yo ang mga trabaho n’yo at mahalin n’yo rin ang mga blessings na dumarating sa inyo. Huwag kayong magpapakabaliw sa mga walang kakuwenta-kuwentang mga bisyo. Lalo na ‘yang pagda-drugs.

Totoo rin kaya na nalululong na sa bisyong ito si Ethel? Naku, tigilan na ‘yan kung totoo man ‘yan, ‘no!

INSECURE DAW SINA Regine Velasquez-Alcasid at Sarah Geronimo kay Anne Curtis? Dahil nga magkakaroon na raw ng sariling album ang hitad! Hahaha!

Dream-come-true nga raw ‘yon para kay Anne. At nag-improve na raw ang boses niya, huh! At ang sey pa nga nito, si Sarah pa raw mismo ang voice coach niya sa ASAP. Kalurkey! Hahaha!

Kinanta pa raw nga ni Anne ang ‘On The Wings Of Love’ na binirit din ng Songbird. Kalokah! E, ang taas-taas ng tono nun, huh!

Keri naman ng TV host-actress ang magka-album at tiyak na susuportahan ‘yan ng mga fans niya lalung-lalo na ‘yung mga sumusubaybay sa kanya sa Showtime! Congrats, Anne, at natupad na rin ang ‘yong pangarap! Hahaha!

WALA MUNA AKONG blind item today, pero makinig kayo sa Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:00 nang tanghali sa DWSS 1494khz, with my anak Lady Camille. Every Sunday naman sa DZRH 666khz, 2:30-3:30 ng hapon.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

One thought on “ANNE CURTIS, KAKABUGIN SINA REGINE VELASQUEZ AT SARAH GERONIMO!

Leave a Reply

Your email address will not be published.