Anne Curtis, itinangging nagpaplano na silang magpakasal ni Erwan Heussaff

PINABULAANAN SA amin ni Anne Curtis ang isyung lumalabas na nakikipag-usap na raw sa isang wedding supplier ang boyfriend na si Erwan Heussaff, kung saan baka may balak na raw itong pakasalan ang aktres.

Ayon kay Anne, masaya sila ni Erwan sa isa’t isa at nanatiling matatag ang kanilang relasyon. Pero hindi pa mangyayari ang sinasabing pagpapakasal nila ng boyfriend at matagal pa itong mangyayari.

Nauwi sa break-ups ang pakikipagrelasyon sa kapwa mga artista na sila Oyo Boy Sotto at Sam Milby, samantalang tahimik at masaya naman ang tinatakbo ng relasyon kay Erwan na hindi taga-showbiz, tinanong namin ang aktres kung sa palagay ba niya ay advantage talaga ‘pag hindi hindi kapwa artista ang naging karelasyon niya.

Ipinaliwang naman sa amin ni Anne na ayaw niyang sabihin na may ganito ngang pattern, dahil may ilang relasyon din namang showbiz couples na nagiging matagumpay. May iba’t ibang pinagdaraanan ang bawat relasyon at nasa sa inyo na lang kung paano ito iwo-workout ng isang magkarelasyon.

Hiningan namin ng reaksyon tungkol sa break-up nina Billy Crawford at Nikki Gil, kung saan co-host ni Anne sa It’s Showtime ang singer at malapit na kaibigan na rin, iwas namang magbigay ng komento tungkol dito ang aktres dahil kahit daw siya ay ayaw niya ring pag-usapan ng ibang tao ang kanyang relasyon.

Ang tanging nasabi na lang ni Anne, sinumang relasyon na may pinagdaraanan ay naiitnindihan kung anuman ang nararamdaman sa ngayon ng dalawa.

Masaya dahil nakaabot n g 5 million ang kanyang Twitter followers, kung saan nakopo naman niya ang 162nd na puwesto na may pinakamaraming Twitter followers sa buong mundo. Dinaig niya pa niya ang foreign artists tulad nina Adam Levine, Ian Somerhalder at maging ang First Lady ng America na si Michelle Obama.

Sobra-sobra ang pasasalamat ng TV host/actress sa kanyang Twitter followers, kung saan ayon kay Anne, kahit kabaliwan na minsan ang nilalaman ng kanyang tweets ay sinusuportahan at pina-follow siya ng mga ito.

Matagl-tagal mang nawala sa serye at paggawa ng pelikula, may nakalinyang mga gagawin si Anne, isa na rito ang isang soap opera at pelikulang pagsasamahan daw nila ni Cristine Reyes at ng ex-boyfriend na si Sam Milby.

 

DAHIL SA kagustuhang gumawa ng pangalan sa showbizness at matupad ang kanyang pangarap na makilala bilang isang mahusay na versatile actor, tuloy ang pag-improve ni Norris John sa kanyang kanyang kakayahang umarte.

Kamakailan nga ay natapos ni Norris John ang kanyang acting workshop sa komedyanteng si Direk Joey Paras at ayon nga sa komedyante ay kinakikitaan niya ng lalim at husay si Norris John. At kung mabibigyan lang ito ng pagkakataon at tamang proyekto ay alam niyang may mararating ito sa industriya.

Sa kabila ng nag-aaral ito sa ngayon sa Colegio de San Juan de Letran, hindi nito isinusuko ang kanyang pangarap na darating din ang panahon na mapapansin siya at mabibigyan ng tsansa sa showbizness.

Napakapalad lang ni Norris John na buong-buo ang suporta na ibinibigay sa kanya ng kanyang pamilya, kung saan ang kanyang butihing ina na si Mrs. Jennifer Okamoto ang tumatayo niyang manager sa ngayon.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

5 thoughts on “Anne Curtis, itinangging nagpaplano na silang magpakasal ni Erwan Heussaff

Leave a Reply

Your email address will not be published.