Anne Curtis, inisnab ang premiere night ni Sam Milby!

Noong Martes, dalawang malalaking events ang sabay na nangyari. Una, ang big concert ni Lady Gaga na ginanap sa Araneta Coliseum. Dinagsa ang nasabing concert ng mga fans ni Lady Gaga pati ang mga celebrities na patay na patay sa foreign singer — tulad nila KC Concepcion, Angel Locsin, Dimples Romana, Iya Villania, Ruffa at Raymond Guiterrez, Bubbles Paraiso, Tim Yap, CJ Javarata, Melissa Ricks at marami pang iba.

Mukhang hindi sinipot ni Anne Curtis ang kasabay na premiere night naman ng And I Love You So na pelikula ng kanyang dating boyfriend na si Sam Milby at mas pinili niyang manood ng Lady Gaga. Katabi namin mismo si Anne Curtis at si Tim Yap at kitang-kitang nag-enjoy talaga sila sa naturang concert. Isang oras eksakto lang ang tinagal ng naturang concert at nang humirit pa ang mga fans ng “more!” ay hindi na ito lumabas. Kinanta ni Lady Gaga ang mga hit songs niya tulad ng Just Dance, Love Game, Paparazzi at ang hit single niyang Poker Face.

Bongga rin naman ang nangyaring premiere night ng Star Cinema na ginanap sa Trinoma Mall, na dati-rati ay ginagawa sa Megamall Cinema 10. Maraming mga kapamilya fans ang sumuporta sa movie nila Bea Alonzo, Sam Milby at Derek Ramsay. Star-studded at kitang-kita na malakas ang suporta ng mga kaibigan at produksyon ng pelikula. Kahit nag-iba pa ng venue ang Star cinema, ay dinumog pa rin sila ng tao. Ayon sa first-day returns ng pelikula, ay maganda naman ang tinatakbo nito kahit pa hindi na ito pinapalabas sa mga SM Malls. Full support naman daw ang mga Robinsons at Ayala Malls.

Wala din namang date si Anne Curtis sa concert ni Lady Gaga. Ang tanging kasama niya ay mga kaibigan niyang artista at mga kasamahan sa MTV. Nagkaroon din ng pagkakataon na ma-interview nina Iya Villania at Anne Curtis si Lady Gaga at sobrang tuwang-tuwa sila sa kanilang experience. “She’s so soft-spoken but very generous sa kanyang mga sagot! I love her!” sambit ni Iya Villania, na nag-host ng segment para sa ASAP ‘09. Ipapalabas sa ASAP ang interview ni Iya sa darating na Linggo kaya abangan n’yo yan!

Pansin lang namin, puro babaeng artista ang nakita naming nanonood! Pero grabe, hindi rin makakalimutan ng inyong lingkod ang aking moment kasama si Lady Gaga. Ang bait ng kanyang manager na nagpaunlak sa amin na makakuha kami ng picture kasama ang foreign singer. Grabe!!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.