Anne Curtis, habang napapagod lalong nag-e-enjoy!

HINDI IPINAGYAYABANG NI Anne Curtis ang katotohanang bonggang-bongga ngayon ang kanyang showbiz career. Ang lagi lang niyang sinasabi ay sobrang busy siya ngayon. Kaya nga, hindi na lumalabas sa kanyang bibig ngayon ang mga salitang naiinip siya, kaya gusto na niyang mag-asawa. Dati kasi, aminado siya na kapag wala siyang masyadong ginagawa ay hindi siya sanay, kaya sa sobra niyang pagkainip ay okey lang din sa kanya kung sa pag-aasawa na siya mapunta.

Enjoy raw si Anne kapag napapagod siya sa dami ng kanyang trabaho. Kaya mahal na mahal niya ang hosting job niya sa programang Showtime ng ABS-CBN. Mayroon na rin siyang singing career, dahil magkaka-album na siya under Viva Records. Patok din siya ngayon bilang product endorser, habang hindi rin siya nababakante sa pelikula, dahil bida rin siya sa No Other Woman. Napagsabay rin niyang mayroon siyang career, habang nariyan din ang kanyang lovelife, dahil mayroon siyang guwapong non-showbiz boyfriend.

“Naiinip lang siguro, kaya dati, gusto kong mag-asawa. Pero naging kami naman din ni Sam Milby dati, at hindi pa rin naman ako nag-asawa,” wika ni Anne.

Hindi itinatago ni Anne ang kanyang muling pakikipagrelasyon nga-yon. Kumpara nu’ng sila pa ni Sam, mas okey nga raw ngayon na hindi artista ang boyfriend niya, dahil hindi masyadong napag-uusapan. Sobrang umiyak si Anne nu’ng magkahiwalay sila ni Sam, pero nilinaw niyang hindi pagganti kay Sam ang dahilan, kaya isang guwapong Tisoy rin ang pinili niyang makarelasyon ngayon.

 

POSITIBO TALAGA ANG attitude ni Kris Bernal kahit kung anu-anong intriga na ngayon ang ibinabato sa kanya na mayroong kasamang panlalait. Deadma lang kasi siya anuman ang makarating sa kanyang mga paninira. Ang katuwiran niya, lilipas din naman daw ang mga iyon, at naroon din ang panininindigan niya na pipilitin niyang kayanin ang mga pagsubok sa showbiz, dahil siya raw naman ang unang may gusto ng kanyang pagpasok sa pag-aartista, dahil hilig niyang talaga.

Kumalat noon ang paninira, na makulit daw si Kris sa management ng GMA-7, dahil pagkatapos ng kanyang teleserye kung saan siya gumanap na Koreana, nag-urirat daw kaagad ang young actress kung ano ang kanyang next project? Kaya matunog daw ang nakuhang sagot ng dalaga mula sa management: “Maghintay ka na lang!”

Nagkaroon nga ng bagong teleserye si Bernal, ang Time Of My Life at ang ikinakalat namang paninira ay ayaw raw ng leading lady ni Mark Herras na masasapawan siya ng kanyang mga back-up dancers sa serye, dahil kapag daw mas mahusay sumayaw kesa sa kanya ang kasama sa dance number, ipinapatanggal daw ng da-ting ka-loveteam ni Aljur Abrenica, para siya lang ang lumutang na magaling sumayaw.

Si Kris din ‘yung pinagtsitsismisan ngayon, na diumano’y nagparetoke at may ipinadagdag sa kanyang byuti, para mas sumeksi pa. Nakasalubong namin kamakailan si Kris sa bakuran ng Siyete, at wala naman kaming napansing nagbago sa kanyang hitsura. Napakahusay rin niyang magsayaw, kaya obviously ay tamang-paninira lang ‘yung naiinsekyur daw siya kapag natatalbugan siya sa galing magsayaw ng ibang kasama niya sa teleserye.

 

PERSONAL: BELATED HAPPY birthday sa aming kapatid sa Philippine Movie Press Club na si Mildred Bacud. Bongga ang aming sister, dahil pagkatapos na mapag-iwanan siya ng mga nakababata niyang kapatid na nauna pang magsipag-asawa kesa sa kanya, heto na siya at bumuo na rin ng sarili niyang pamilya. Dahil buntis na siya at manganganak na sa October.  Hindi ko makakalimutan ang pinagsamahan namin ni Mildred sa PMPC, dahil nagkakasama kami sa tirahan, kaya sa meron at sa wala, nagbibigayan kami dati. Tinatawanan na lang namin ngayon, dahil naranasan din naming magkaraoon ng malalim na tampuhan. Labyu, Kapatid na Dred!

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

6 thoughts on “Anne Curtis, habang napapagod lalong nag-e-enjoy!

  1. Si Anne Curtis ba ito? Akala ko hindi si Anne ito kasi iba ang mukha nya sa picture dito. Baka iba lang ang angulo sa pagkakuha.

Leave a Reply

Your email address will not be published.