Anne Curtis, gustong patunayan na kaya rin niyang maging action star sa ‘Buy Bust’

Anne Curtis

AYON kay Anne Curtis who is celebrating her 21 year sa showbiz industry, ang Buy Bust ang pinakamahirap na pelikulang ginawa niya sa buong career niya bilang artista.

“Yes, I will have to say, ito na siguro yung pinakamahirap na nagawa ko sa buong  career ko.

 “Parang naka-two years yata ako sa Viva na wala akong ginagawang pelikula kasi wala akong nagustuhang script. So, finally this came up and it was a definite yes.

“Sabi ko, kailangan kaya ko itong gawin. Kaya kahit physically, mentally and emotionally challenging siya, tinanggap ko pa rin and I’m so, so happy with the result,” kuwento ni Anne sa presscon ng Buy Bust.

May gusto ba siyang patunayan kung bakit tinanggap niya at ginawa ang Buy Bust?

“Gusto kong patunayan sa pelikulang ito na kaya ng female lead na gumawa ng action film. Yan ang gusto kong patunayan because all action films, puro mga lalaki ang bida.

“So, gusto kong patunayan dito na kaya din naming mga babae na gumawa ng aksyon na pelikula. So, sana this opens door for a lot of actresses out there, na alam mo yon…” sambit pa niya.

Palabas na ang Buy Bust sa Aug 1. Ang pelikula ay dinirek ni Erik Matti mula sa Viva Films and Reality Entertainment.

 
 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.