Anne Curtis, gasgas na gasgas ang linya kay Sam Milby!

SA PAMAMAGITAN NG kanyang sariling website, naibenta ng isang photographer na nagngangalang Didang Alvares ang kanyang serbisyo. Nakakakuha siya ng mga kliyente para sa kanyang trabaho.

May bagong kliyente naman si Didang noong January 31 at February 7. Dalawang mahalagang pangyayari sa buhay ng isang pamilya – isang dedication at isang birthday party ng isang seven year-old boy.

Ano’ng petsa na ngayon? Hindi pa diumano naide-deliver ni Didang ang mga kinunan niya para sa serbisyong binayaran sa kanya nang buo sa dalawang pagkakataon. Nakausap naman siya ng kliyente niya at sinabi niyang naipadala na niya ang mga larawan sa pamamagitan ng isang courier service. Hindi agad naitanong ng kanyang kliyente ang tracking number para sa nasabing delivery. Nang tinatawagan na siya sa dalawang cell phone numbers niya, naka-off na ito at hindi na siya ma-reach as of this writing.

Ang nagrereklamo ay si Ruth Manad. Pamangkin siya ng isang kaibigan ko. Si Didang, diumano ay anak ng pawang mahuhusay na singers at stage actors na sina Robert Sena at Isay Alvarez. Kaya idinidirekta namin sa mag-asawa ang pananawagan at baka-sakaling alam nila ang whereabouts ng anak nilang photographer na bayad na ang serbisyo, pero wala pa ang produkto. May film naman siguro nang kumuha. Or else, magagalit si Mona Patubo!

FOR THE NTH time, narinig na naman namin ang mga katagang ‘what you see is what you get’ sa dating magka-relasyong Anne Curtis at Sam Milby, na magsasama sa pelikula sa Babe, I Love You na joint project ng Star Cinema Productions at Viva Films.

Hindi makatakas ang dalawa sa katatanong ng press kung nasaang level ba uli ang pagmamabutihan nila sa ngayon. Kasi nga, panay ang say ni Sam na Anne will always and forever have a very special place in his heart. Kahit pa dumating ang puntong magkaroon na sila ng mga bago nilang mamahalin, at kahit pa raw maipalabas na ang pelikula nila.

They have a language na silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. At ang pag-uusap na ‘yon eh, may mga codes pa.

Kung puwede lang magsalita ang naka-curl na mahabang hair ni Anne at ang namumulang mga pisngi ni Sam, tapos na ang usisian.

Nasasabi na kasi ngayon nang tahasan ni Sam kung gaano na kasarap ang lips ni Anne sa kanilang halikan. Ang Anne naman, yummy na yummy sa abs ni Sam.

If that is not…I don’t know what…!

TAMA BA ANG nakarating sa aming balitang kahit na walang dahilan para magbabad ang aktor na si Jericho Rosales sa premises ng ABS-CBN dahil wala naman siyang anumang taping, eh, madalas daw ito sa nasabing network?

Hindi na kaila na ang dinadalaw ni Echo, na madalas na rin naman niyang makasama sa ilang dates tulad ng panonood ng basketball at iba pang aktibidades, eh ang star reporter ng SNN (Showbiz News Ngayon) na si Cesca Litton.

Naisama na kaya ni Echo si Cesca na mag-date sa Chowking?

At dahil nga nasasanay na ang iba na madalas na silang makitang magkasama, nadadagdagan pa ngayon ang mga balita na kundi raw sa bahay ni Cesca may-i-dalaw ang Echo, si Cesca naman ang diumano’y nagbababad sa house ni Echo.

True rin kaya ang balitang napagsabihan si Cesca ng kanyang superiors dahil minsan eh, napapabayaan na nito ang kanyang trabaho?

Aamin na ba ng diretsahan ang dalawa? As in, now na?

The Pillar
by Pilar Mateo

Related Post

loading...

9 thoughts on “Anne Curtis, gasgas na gasgas ang linya kay Sam Milby!

  1. to team smithee: sabi mo kahit ibang leading ladies ang kapartner ni sam dati puro anne pa rin ang kinakabit sa pangalan ni sam….parang ganito lang yan eh…si jennylyn mercado super tagal na silang wala ni patrick garcia pero until now puro patrick pa rin ang kinakabit sa pangalan niya….ganon lang rin yon…mas lalo na ikakabit ang names nila ngayon na may movie silang pinopromote!

  2. they dont need publicity… if gimik lang yan, umamin na sana sila… kung matatandaan nyo po, nung may movie si sam or serye wid other leading ladies, si anne pa din ang nakakabit sa name nya, at si anne nung may show sya wid zanjoe and movie wid echo, si sam pa din ang nakakabit sa name nya— meaning hindi sila showbiz… :p

  3. tignan nio pagkatapos ng movie nila dedma na ulit yung pagbabalikan issue! pag gumawa si anne curtis ng movie kasama naman si richard gutierrez na gagawin niya talaga after this movie with sam….for sure pagbabalikan rin nila ang magiging gimik nila jan! heheheh!!

  4. obvious na gimik for their movie kaya yung issue na naman tungkol sa pagbabalikan KUNO ang pinalalabas…showbiz na showbiz ang sagot kawawa naman yung mga fans na nauuto ng mga gimik na to para lang kumita ang movie nila!!

  5. E panu d gagasgas ang sagot ni Anne e paulit-ulit nlng ung tanong nyo?

    Lalo pa ung isang writer…anu uli name nun? ung reggee ba un? e d nasupalpal sa kanya ung mali nyang write-up?
    yan kasi d nmn nasaksihan ng sariling mata ang mga pangyayari..sulat nlng ng sulat ng paninira keh Anne tsk3

Leave a Reply

Your email address will not be published.