Anne Curtis, first Filipina to have one million Twitter followers!

KUNG SI VICE Ganda ang kauna-unahang artistang Pinoy na naka-isang milyong fans sa Facebook, pinatunayan naman ni Anne Curtis na siya talaga ang nag-iisang Dyosa ng Twitter. Noong Sabado ay naabot na rin ng aktres ang isang milyong marka ng followers ng nasabing social networking site. Isang araw bago hinirang ang ika-isang milyong follower ni Anne ay super retweet ang mga kaibigan at mga tagahanga nito.

Tuwang-tuwa naman ang aktres dahil nakatala na ang kanyang pangalan sa history ng social networking sa bansa. Kunsabagay, isa naman talaga si Anne sa mga artistang unang na-addict sa Twitter at maituturing na isang responsible Twitter user ang Fil-Aussie beauty na ito. Way to go, Anne!

‘Tumbok’ ni Cristine Reyes, makikita na!

Tiyak na ikakagulat at ikakamangha ng mga moviegoers ang suspense/thriller flick na ‘Tumbok’, na pinagbibidahan ni Cristine Reyes. Ngayong araw ang grand opening day ng nasabing pelikula at todo kayod ang sexy actress sa pagpro-promote ng kanyang pelikula. Kasama rin dito sina Carlo Aquino at Ryan Eigenmann. Isang malaking pressure sa parte ni Cristine na kumita ng husto sa box-office ang ‘Tumbok’ dahil siya ang bida. Dito masusubukan kung talagang made na for movie stardom ang nakababatang utol ni Ara Mina lalo na’t wala masyadong steamy scenes sa pelikula. Good luck sa ‘yo, AA!

Rich Asuncion, nagtanggal na rin ng saplot para sa panlalaking magasin!

Kung dati-rati ay umaayaw si Rich Asuncion sa ideya ng pagpo-pose ng sexy sa cover ng isang magasin, ngayon ay all-out na ito sa May 2011 issue ng FHM Philippines. Ang morena sexy actress ng Kapuso network ang covergirl ngayon ng nasabing panlalaking magasin na paniguradong ikatutuwa ng mga barako. Isa si Rich Asuncion sa nakitaan noon ng potential na sumunod sa yapak nina Katrina Halili, Cristine Reyes at Iwa Moto. Ang beach-inspired theme ng kanyang photoshoot ay tastefully done naman at kitang-kita mo na isa na ngang ‘woman’ ang dalagang minsang sinubukang pasukin ang mundo ng mga beauty queen.

Si Rich Asuncion din ang magiging kontrabida ni Jackie Rice sa ‘Sisid’. Aahon na kaya ang showbiz career ni Rich, o tuluyan itong malulunod? Ahem…

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Anne Curtis, first Filipina to have one million Twitter followers!

  1. wow, buti pa itong si Rita, siguro ay saksakan ka ng ganda, kaya ganyan ka makapanglait kay Rich. At least si Rich ay nag 1st runner-up na sa Binibining Pilipinas, ikaw kaya?????

Leave a Reply

Your email address will not be published.