Anne Curtis, Dyosa ng Primetime

Si Anne Ojales Curtis-Smith, o mas kilala bilang Anne Curtis ay isa sa mga prinsesa ng Philippine primetime television. Nagsimula ang karera ni Anne nang magbakasyon ang kanilang pamilya rito sa Pilipinas at aksidenteng nadiskubre siya ng isang talent scout habang kumakain sa isang fastfood restaurant. Unang sumibol ang karera niya bilang aktres at host sa GMA-7 kung saan lumabas siya sa ilang palabas doon tulad ng youth-oriented show na TGIS, drama series na Anna Karenina at Ikaw Na Sana, comedy shows na Beh Bote Nga, Idol Ko si Kap, Love to Love at Nuts Entertainment. Ngunit nag-ibang bakod si Anne at naging Kapamilya noong 2004, kung saan una siyang naisalang sa teleseryeng Hiram, kasama sina Heart Evangelista, Dina Bonnevie at Kris Aquino.

Masasabi ba niyang naging malaking break para sa kanya ang Hiram?

“Yes, definitely. Even ‘Stephanie Borromeo’ (ang karakter ni Anne) sa Hiram, doon na-notice ng ABS-CBN na kaya kong umarte. And from then on, tuluy-tuloy na ‘yung mga ibinigay nilang projects na lead role. ‘Stephanie Borromeo’ actually is the turning point because that’s when I transferred from GMA to ABS. And to think, kontrabida pa ako nu’n. ha?” Pahayag ng aktres.

Pagkatapos ng Hiram, sunud-sunod na ang mga naging proyekto ni Anne sa ABS-CBN. Nahasa siya sa hosting sa ASAP, Wanna Buzz, Pinoy Big Brother Buzz at Star Circle Summer Kid Quest. Hindi rin nawala ang mga youth-oriented shows at fantaserye. Nagbida si Anne sa Kampanerang Kuba, kung saan nakasama niya sina Christian Bautista at Luis Manzano. Lumabas din siya sa ilang episodes at kuwento ng Komiks Presents: Mamayang Hatinggabi, Love Spell: Wanted Mr. Perfect, at Love Spell: The Face Shop. Pero mas napansin siya nang husto nang magbalik-drama siya sa Maging Sino Ka Man, kung saan ginampanan niya ang karakter ni Celine katambal ang kanyang ex-boyfriend na si Sam Milby.

“I think sa Maging Sino Ka Man, people knew it na I’m no longer na young, tisay, baluktot magsalita na girl, and hindi kayang… hindi marunong umarte. I think Maging Sino Ka Man changed me a lot.” Sabi ni Anne.

Matapos ang matagumpay niyang pagganap sa Books 1 and 2 ng Maging Sino Ka Man, tuluyan na ngang naging Dyosa ng primetime television si Anne nang gampanan niya ang title role ng teleseryeng Dyosa. Balik-tambalan sila ni Sam Milby, Luis Manzano at nadagdag na ang baguhang aktor na si Zanjoe Marudo. At hanggang sa The Wedding na malapit na ring magwakas, partner pa rin niya si Zanjoe at sinamahan pa ni Derek Ramsay. Ganito na kaya kakomportable si Anne sa kanyang mga leading men?

Ang kanyang tugon, “Very comfortable ako sa mga leading man ko. I guess it helps kasi may mga leading man ako, aside from being the leading man, they are also my friend outside showbizness.”

Pero may mga gusto pang makatrabaho si Anne na ibang aktor sa industriya ngayon. “Ang hindi ko pa nakakatrabaho as a leading man is John Lloyd Cruz, and Piolo Pascual. ‘Yun na lang ata, e. That’s one thing about Philippine showbizness, we’re very limited with leading men. So ‘yung dalawa ang hindi ko pa nakaka-work. Si Chard (Richard Gutierrez), malapit na rin kaming mag-work together, as my leading man.” Ani Anne.

Sa dinami-rami ng mga nagawang soap at nagampanang karakter ni Anne sa GMA at ABS-CBN, alin kaya sa mga ito ang tumatak nang husto sa kanya bilang artista at bilang isang babae? “Ang hirap talaga e, pero in terms of acting, siguro “Celine Magsaysay” of “Maging Sino Ka Man” and “Stephanie Borromeo” of Hiram were my favorite characters. But the title of “Dyosa” ang hindi ko talaga makakalimutan. And “Candice” (of The Wedding) dahil it’s the closest to me as a person, it’s so easy for me to do this teleserye. Kasi ang light-light niya.” Paliwanag niya.

At hindi rito tumitigil si Anne sa kanyang karera. Ayon na rin sa kanya, nagsisimula pa lang sumibol nang husto ang kanyang karera at marami pa siyang gustong gawin at karakter na gustong gampanan. “Off-beat character naman. I want something like Natalie Portman in Closer. Something like that, something out of my comfort zone.” Pagtatapos nito.

May nakarating sa aming unconfirmed report na dalawang teleserye na ang naka-line up ngayon para kay Anne. Bukod pa rito ang pinaplantsa raw na pelikula nila ni Sam Milby. Ayon kay Anne, excited daw siya sa proyektong iyon with Sam dahil makapagtatrabaho raw sila ulit.

Pero mabalik lang tayo sa unconfirmed report na aming nakuha, lalabas din daw si Anne sa Nurserye, ang teleseryeng niluluto ngayon para kay Judy Ann Santos. Hindi na kami magtataka dahil si Direk Wenn De Ramas ang direktor ng Nurserye at malapit si Direk Wenn kay Anne. Kaya ‘di malayong mapasama siya sa cast. Tsika rin sa amin na gagawin din daw ni Anne ang Pinoy TV remake naman ng Save The Last Dance For Me. Hindi pa kumpirmado ang report na ito, pero aalamin natin ‘yan!

Sa ngayon, i-enjoy muna natin ang The Wedding at ang karakter ni Candice. Sa layo na nang narating ng karera ni Anne, deserving at dapat lang na ibigay ang titulong “Primetime Princess” sa kanya.

by MJ Felipe

loading...

18 thoughts on “Anne Curtis, Dyosa ng Primetime

  1. c marian? bakit cnu b mga ka kumpetensya nya? wala d b? kaya saknya laht napupunta..peru kung nanjn p angel mapapansin b xa e ang taba taba nya nun n mkha xa nanay! ganun din nmn kay angel eh..ganyan ang taktika ng gma!!!! at ung kay bea? my bea b kung hindi nawala si kaye abad na nagpasikat ng todo kay john lloyd,,,wala d b? kaya pwed b ang totoong princess is ANNE! malas lang kasi nya nung lumipat xa gma eh abs namn talaga xa!

  2. gosh,d n kelangan ni anne maging primetime princess kasi she’s the queen outside showbiz..oo mataas sila angel,bea marian kim pero bat inggit n inggit sila kay anne..kasi in real life anne has d best life best friends(lahat mayaman maganda kilala at socialite) and best boylets! e cla angel? friend nya valerie? kerengkeng..bea? shaina? marian ewan! kim melissa? eow d n kelangn maxado publicity lagi nasa mga events gatherings and magazine cover..wat else p b? bonus n lang nya kung maging primetime princess,,,at bakit xa d bnbgyn magaganda roles kasi favoritism abs,,d kasi xa star magic..viva xa! o ano?

  3. mmff best actress,,anu p dpat ptunyan..ang ngpapababa lng nmn ng ratings ng the wedding eh gma…pero in nationwide may ibubuga..kc sobrang ganda nmn tlaga..gwuapo p ni zanjoe..go anne…

  4. Pansin ko ata ung mga nag comments dito ay indi nanoonod ng The Wedding at indi ko alam ung tinitingnan ratings. I think binebase nila ung Mega-Manila Ratings na dominante ng GMA-7. Siguro di alam ng Kapuso followers ang meaning ng Mega-Manila? Akala siguro nila ang Mega-Manila ay buong Pilipinas. It means, hindi kayo nakaabot ng High School man lang, tama ba ako?

    Alam ba nyo why Mega-Manila pinapakitang Ratings GMA-7 dahil dun sila malakas kc ang Nation wide eh ABS-CBN naman. Pero kung maniniwala kayo sa kanila ay ewan ko na lang. Maybe di kayo nakapag-aral.

    Kasi sa nationwide ratings ay pang #10 ang The Weddings at maganda kaya ito nakakatawa kahit pangit sa Zanjoe.

  5. hahaha,in your face,how come n princess of primetime yan,,di nga makaalagwa sa rating ang mga shows niya,,,,
    kahit nga dyosa d man lang umingay sa rating….ang babaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa ng rating,,,puro below 20’s ang nakukuhang rating …

  6. Hello, ang baba nang rating. Paanong magiging primetime princess. Almost all of her TV shows and movies are flops and never made it to the top ten. The Wedding hardly makes it to the top ten.

    • hoy lerma bruha, pwede ba. napanood mo ba ang the wedding?.. sobrang dami kasing magagandang shows ang ABS-CBN kaya medyo hindi sya napansin pero maganda sya .promise

    • meron, ako….. bakit may reklamo ka??????
      panoorin mo kaya bago mo ijudge yung THE WEDDING. nakaka inlove……………

    • ako din nanonood at mganda light ang storya nkakakilig hehe! bitter lng ung mga nagsasabing di dpat isama c anne curtis sa primetime princesses haha

    • ako din nanonood at mganda light ang storya nkakakilig hehe! bitter lng ung mga nagsasabing di dpat isama c anne curtis sa primetime princesses haha!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.