Anne Curtis, ‘di lang ambisyosa, ang kapal pa!

BUKOD SA kanyang regular nootime show na It’s Showtime, shooting ng bagong pelikula at mga endorsements, muling sasabak ang Philippine showbiz sweetheart na si Anne Curtis sa recording scene!

Napag-alaman namin na nakatakdang mag-record ng kanyang second album ang aktres at TV host itong October.

Inaayos na raw ang line-up ng kanyang mga kanta for her album under Viva Records, of course, na maglalaman ng more or less 10 original songs. Hindi pa raw sure kung may ire-revive na songs si Anne.

Dalawa raw sa mga nag-compose ng tig-isang kanta for Anne ay sina Christian Bautista at Billy Crawford, pero hindi n’ya makaka-duet ang mga ito.

Baka isama rin daw sa album ni Anne ang composition ng isang batang naging audience sa It’s Showtime na kinatuwaan nito.

Ang tentative title daw ng sophomore album ni Anne, sophomore talaga, oh, ay ‘Annekapal’, hahaha!

Bukod d’yan ay nakakasa na rin daw ang second major concert ni Anne in January next year!

KAKARATING LANG ni Angel Locsin ng bansa mula sa Thailand nitong ilang araw para sa shoot ng kanyang TV commercial.

At ngayong araw na ito, finally, mag-uumpisa nang mag-taping ng kanyang pinakabagong teleserye sa Dos ang aktres na ang tentative title ay Hanggang Kailan Kita Mamahalin, ayon sa producer nito na si Des Tangwatco nang maka-tsika namin ito saglit sa loob ng elevator ng ABS-CBN last Friday lang.

Tiyak na matutuwa ang mga fans ni Angel, dahil matagal din nilang hindi napanood ito sa isang teleserye.

Mabuti na lang at may sitcom ang aktress, ang Toda Max tuwing Sabado ng gabi with Vhong Navarro and the Comedy Queen herself Ai-Ai delas Alas na confirmed na bilang kapalit ni Robin Padilla sa nasabing programa.

Kumpirmado rin na sina Jericho Rosales at Maja Salvador ang makakasama ni Angel sa teleserye na ididirek ni Rory Quintos.

Ang pinakabagong Kapamilya star na si JC de Vera ay karagdagan daw sa cast nina Angel, sabi pa ni Des sa amin. Kaya kaabang-abang din ang ipapakitang pagganap dito ng aktor na kanyang kauna-unahang palabas sa Dos.

 

BIGYANG-DAAN NAMAN natin ang bagong discovery ng Viva Records na si Alexis Navarro na s’yang kumanta ng novelty song na Arimunding-munding na kanyang carrier single.

Ang maganda at balingkinitang si Alexis ay nominated sa apat na kategorya (New Feamale Recording Artist of the Year, Novelty Album of the Year, Novelty Artist of the Year at Novelty Song of the Year) sa darating na Star Awards for Music 2013 on October 18 (2013)!

“Sana nga po kahit isang award lang do’n sa apat manalo ako, dahil pinagbutihan ko po talaga, pati ang paggawa ng music video namin,” nakangiting tsika ni Alexis sa amin.

May isa pang novelty song ang nakapaloob sa album ng 22-year-old singer ang Akin Ka at isang mellow song ang Ikaw Na Kaya na may minus one ng bawat kanta.

“Pangarap ko rin pong mag-guest sa ASAP ngayong napakikinggan ko na rin po ang sarili kong kanta sa FM radio stations,” dagdag tsika ni Alexis.

Bukod sa pagkanta ay marunong ding umarte ang dalaga. Lead actress si Alexis sa pelikula ng beteranong direktor na si Romy Suzara na Tinik na kasama sa nakaraang Sineng Pambansa All Masters Edition Film Festival kung saan kasama ng baguhang singer at aktres sina Ricardo Cepeda at Lemuel Pelayo.

May love scenes daw sila ni Lemuel, pero hindi raw n’ya kayang gawin ang ginawa ni Yam Concepcion sa pelikulang Rigodon with John James Uy.

Gusto rin daw makasama ni Alexis si Matteo Gudicelli na crush n’ya sa isang TV o movie project, kahit may kissing scene, dahil lalaking-lalaki raw ang dating nito.

Kahit hindi n’ya crush, gusto rin daw makasama ni Alexis ang kanyang matagal nang kaibigan na si Luis Manzano.

Paborito naman daw n’ya si Sarah Geronimo, dahil kahit sikat na sikat na ay nanatiling napakabait.

Kapag nagkakasalubong daw silang dalawa sa Viva office, lagi raw nakangiti at bumabati ng ‘hi!’ kahit sa ibang mga tao.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

7 thoughts on “Anne Curtis, ‘di lang ambisyosa, ang kapal pa!

  1. umaasa si Anne an marami na naman siyang mauuto na pinoy na bibili ng album niya, omgosh ang baba naman ng taste ng mga ibang pinoy gusto sa singer na sintunado at sigaw sigaw lang, bili na lang ninyo ng pagkain matutuwa pa ang tiyan ninyo

    • don’t blame it on anne. she only wants to entertain. admitted naman niya na sintunado boses nya eh bakit nabebenta? admittedly, when you find it is somebody’s folly, others find it entertainment.

  2. napaka – trying hard naman nitong si Anne Curtis…ang arte pa nyang magsalita sa “Showtime” ano ba yan!…so fake pag nag-english…

  3. HOMAYGASH! ANO BA ITECH? SI ANNE, SINESERYOSO ANG PAGKANTA AT MAY ALBUM PA? HAHAHAHA. KALOWKAH! IT’S GETTING TIRED, ANNE. TIGILAN NA YAN. UMARTE KA NA LANG AT MAGPA-COVER NG MAGAZINES. SA DAMI KASI NG TWITTER FOLLOWERS NYA, NAGKAKALAKAS NG LOOB ANG LOLA. HAHAHAHA

  4. Sana naman eh kakaibang PLOT na at hindi yung nahiwalay sa magulang o nagkapalit ng anak. Kakasawa na kase. Pare-pareho lang naman ang GMA7 at Dos kaya sa tingin ko ay nagkokopyahan ang mga writers nila. Ewan ko lang sa TV5 kase di ako nanonood ng mga shows nila. :-D

Leave a Reply

Your email address will not be published.