Anne Curtis, Daniel Padilla, Angel Locsin at iba pang showbiz personalities, nagbigay ng daan-daang sako ng bigas para sa mga magsasakang biktima ng madugong dispersal sa Kidapawan

Daniel Padilla

Daniel Padilla

Angel Locsin

Angel Locsin

Anne Curtis

Anne Curtis

Nice to learn last night na bukod sa tulong ni Robin Padilla na 200 sacks of rice sa mga magsasaka na naging biktima ng inhuman dispersal ng mga pulis last Friday na naganap sa Kidapawan City sa Cotabato, isa rin si Anne Curtis sa nag-abot ng kanyang donasyon na 200 sako rin ng bigas.

Nakatutuwang isipin na sa kabila ng kabisihan ni Anne, inabot niya ang isang kamay para makatulong sa mga biktima.

As of this writing, wala pa kaming detalye tungkol sa 200 sacks of rice na donasyon ni Anne, pero nag-leave na kami ng direct message kay Anne para makibalita tungkol sa ginawa niyang pagtulong.

Maraming mga taga-showbiz din ang nakisimpatya sa mga naging biktima ng dispersal. Una na si Nora Aunor, si Bianca Gonzales, at maging si Melenie Marquez.

Ang latest na balita ngayong araw ,Tuesday, April 5, ang ilang showbiz personalities natin ay nag-donate na rin ng mga mga bigas tulad nina Angel Locsin (120 sacks); sina Daniel Padilla, Mariel Rodriguez, Bianca Gonzales-Intal, Directors Perci Intalan at Jun Robles (250 sacks of rice), at additional na 50 sacks mula kay Robin Padilla na dagdag sa nauna niyang donasyon.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.