Anne Curtis & Cristine Reyes’ Quotable Quotes from No Other Woman

NAKAKALOKA TALAGA ANG panahon! Malakas na nga ang hangin, walang patid pa ang pagbuhos ng ulan. Paborito talagang tambayan ng typhoon ang ating mahal na bansa, huh?

Kaya naman sobrang bilib kami sa kinababaliwang pelikula nina Anne Curtis, Derek Ramsay at Cristine Reyes na ‘No Other Woman’. Paano ba naman, nakailang balik ang inyong lingkod sa sinehan sa may bandang Greenhills area para panoorin ang nasabing sexy-drama at palaging sold out ang tickets! Ang dapat na panghapong screening ay nabigyan lang ng espasyo noong alas-otso ng gabi. Sa harap pa talaga kami nakapuwesto pero suwerte na rin namin.

Habang nanonood kami sa sinehan, kapansin-pansin na karamihan sa audience ay naka-relate lalo na ang mga kasal na. Paniguradong nakahugot ng lakas ang mga naloko at napa-kunot-noo ang mga nanloko. Maliban dito, super tuwa rin ang audience sa mga quotable quotes ng pelikula. Pansin ko kasi na marami ang naghahanap ng mga quotable quotes mula sa pinakamainit na pelikula ng taon. At dahil ‘yan ang trip n’yo, ‘eto na ang compilation for your entertainment!

 

Mula kay Anne Curtis bilang Kara Zalderiaga:

“You can call me whatever you want… snake, bitch or other woman, but I promise you, I will never be a pathetic and boring housewife!”

“Paano mo naman malalaman na masarap pala ‘pag di mo titikman? Kahit alam mong bawal, labanan mo cos’ eventually your body will just get used to it.”

“I don’t need to read your research report. I know the market because I am the market.”

“Anong gagawin n’yo if the only man that you love is unfortunately married?”

“We’re just two consenting adults having fun, there’s no emotional attachment.”

“You will only be called a mistress when there’s an emotional attachment. I’m not a mistress!”

“Everyday, I’m trying to convince myself na mamahalin din n’ya ako, pero sa ‘yo pa rin s’ya umuuwi.”

 

Mula kay Cristine Reyes bilang Charmaine Escaler:

“Sabi nila, a way to a man’s heart is through his stomach. Sa ganda mong ‘yan, siguro marami kang alam na shortcuts.”

“Mababaliw siguro ako kung malaman kong may babae siya. Baka mapatay ko ‘yung kabit… silang dalawa, actually.”

“Alam mo kasi, ang marriage parang exclusive village. Kailangan mong bantayan para hindi makapasok ang mga squatter.”

“Tsaka ano bang mahirap kalaban, ‘yung putang mahirap o ‘yung putang mayaman?”

“Ayoko na! Ayoko na! Alam ko naman, eh! Ang sakit lang, ang sakit-sakit lang nu’ng marinig ko. Hindi ko dapat ginagawa ‘to pero ginagawa ko ‘to dahil mahal na mahal kita!”

 

Hindi rin pahuhuli ang ibang cast members ng pelikula sa pagsasambit ng mga killer lines. Si De-rek Ramsay ay may “No emotional attachments. Just having fun” quote. Si Kitkat naman ay nagpatawa rin sa mall sa kanyang “May pa-party ba si Barney na hindi ko alam?” stress reliever line. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa Hermes, Red Stiletto, Dikya at mga patama sa kabit lines ni Carmi Martin?

Kung hindi mo pa napapanood ang No Other Woman, gora na sa sinehan! Malay mo, baka ikaw na lang ang hindi nakakanood!

 

For comments, questions and suggestions, kindly e-mail us at pinoyfansclub@gmail.com. Visit our website at http://www.pinoyfansclub.com

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.