Anne Curtis caught making out!

MARAMI ANG NAGTATANONG sa amin kung totoo nga ba raw ang napanood nilang video sa isang TV program na nagpapakita kay Anne Curtis na tila may kahalikang isang lalaki sa isang bar?

Hindi namin napanood ang nasabing show pero may mga nagkumpirma ngang si Anne Curtis ‘yun, at ngayon nga ay nanggagalaiti sa inis ang mga fans nila ni Sam Milby dahil anila, “hindi na binigyan ng kahihiyan ni Anne ang sarili.”

Hindi pa rin kasi matanggap ng mga supporters nila na naghiwalay na sila at para sa kanila, posibleng-posible pa ang pagbabalikan.

Tinangka naming tawagan si papa Sam hinggil dito pero hindi namin ito mahagilap. But more or less, alam na naming ngingitian lang niya ito at i-wi-wish ng gudluck si Anne.

PA-KONTROBERSYAL NAMAN ang drama ng isang hunk actor na matagal nang nilubugan ng araw sa showbiz.

Sumasama-sama ito ngayon sa isang grupo ng mga bagong direktor na rumaraket din ng mga events sa labas. Ang latest daw nilang nais biktimahin ay ang isang batang negosyante na yumaman mula sa bansa ng mga sakang.

Todo-engganyo raw si hunk actor na ‘the best’ ang grupong ipiniprisinta niya sa negosyante at nabola naman daw ito.

Pero mukhang mabait ang pagkakataon kay negosyante dahil along the process, marami siyang nakilalang mabubuting mga kontak at ipinakita sa kanya ang tila ‘pagmimina ng langis’ sa kanya ng naturang grupo.

Ngayon nga, tarantang nag-e-emotesi hunk actor na kung walang tiwala sa kanya ay magpasabi lang dahil aniya, hindi siya minahal ng showbiz kung may nega siyang imahe.

Aabangan natin ang susunod na kabanata kung matutupad ang ambisyon ng hunk actor na i-revive ang kanyang karir via a show na diumano’y matagal na niyang konsepto pero sa negosyante naman pinagagastusan, hehehehe!!!!

NGAYONG ARAW SA Family Feud, magsasagupa ang dalawa sa mga kapamilya ko nang maituturing sa mundo ng sports.

Ang pamilya Codiñera at Pumaren. Bigatin ang paghaharap ng Codiñera Family sa pangunguna nina kapatid na Jerry at Jean at ng mga anak na sina Nikki at Kitin laban naman sa Pumaren Family sa pangunguna ni Franz kasama ang asawa niyang si Odette at utol nitong si Coach Dindo at si Chrisette.

Siguradong magiging masaya ang labang ito dahil sa labas ng basketball court magpapagalingan ang pamilya nina Jerry at Franz. Sino kaya ang magwawagi at hihiranging champion?

Kasama ang wholesome at handsome game master, Richard Gomez, tunghayan ang tunggalian ng mga Codiñera at ng mga Pumaren nangungunang gameshow ng buong pamilya gabi-gabi, ang Family Feud, bago mag-24 Oras.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.