Anne Curtis, bagong Dyesebel

Anne-CurtisAnne-CurtisSINUSULAT ITO ay si Kim Chiu pa rin ang lumulutang na siyang gaganap sa papel ni Dyesebel. Meron pang ugong na baka sina Jessy Mendiola o Julia Montes. Lumutang pa nga ang pangalan ni Kristine Hermosa bilang pagbabalik daw nito sa telebisyon.

Pero ang huling narinig namin ay eto na: si Anne Curtis na ang siyang susunod na Dyesebel.

At kahapon nga ginanap ang story conference at ang official announcement kung sino ang gaganap. Kung ito’y magbabago pa, ‘yun din ang abangan natin.

 

NAGKAKAGIRIAN NA naman daw ang mga primetime shows ng ABS-CBN at GMA-7, dahil halos magkakatema ang inaabangang teleserye. Kung me Dyesebel ang Kapamilya, meron namang Kambal Sirena ang Kapuso. Kung may The Legal Wife ang Kapamilya, meron namang Borrowed Wife ang Kapuso.

Isa lang naman ang ibig sabihin niyan, eh. Ang parehong network ay talagang pursigidong bigyan ng magagandang palabas ang televiewers. ‘Yun ‘yon.  Healthy competition naman ‘yan, eh. Mga manonood pa rin ang magde-decide kung alin ang kanilang mas susubaybayan, dahil sila ang may hawak ng remote control.

Unless, meron pa ring de-pihit na TV set ngayon, ha?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

6 thoughts on “Anne Curtis, bagong Dyesebel

  1. meron bang sirenang nananampal? Paano ang story line may nagustuhan siyang lalaki sa lupa tapos bibilihin niya lahat ng taga-lupa katulad ng pag bibili niya sa akin sa mga kaibigan ko at sa club na ito? Ngeeek!!!

  2. nyahahahahha lokohan na ito ang daming lumabas na pangalan nung una,,,yung iba pa nga nalait,,lalo na si Kimpayatot he he si Anne lang pala…hahahah wala na bang mapili ang Junkshopmilya na yan,,,,kung si Kimapayatot dati DILIS ang dating hahahha eto namang si Anne,,,BILASA ang dating bilang Sirena,,,hahahahha

  3. Bakit sya??? ang daming nag abang sa teaser kung sino gaganap. Tapos sya lang pala? hindi naman sya mukang inosente. Mukang binubuhay lang ang career nya dahil sa slapping incident. Tapos partner pa si Gerald? Ano ba yan. Ok na si Sam Milby eh. Well for sure di na yan babawiin ng ABS. hay..sinacrifice nila yung ganda sana ng palabas ng Dyesebel para lang irevive yung mga career ni Gerald at Anne?

  4. hindi sya bagay maging dyesebel. Too old to portray the role. And this kind of iconic teleserye needs an innocence look. Wala sya non.

  5. buy na lang nya ABS. total mayaman naman daw sya. sure ako I stopped watching her shows when that happened. need a positive influence hindi yung lasenggerang namimili at nanampal ng kahit na sino :(

Leave a Reply

Your email address will not be published.