Anne Curtis at Sam Milby, nagliligawan ulit?

Si Sam Milby ang ka-date ni Anne Curtis kaya naman natsitsismis na nagkabalikan na ang ex-couple.

Ang tsika sa amin, sobrang in-enjoy ni Anne ang company ni Sam. Mega-dance raw ang Dyosa kasama ang kanyang ex-boyfriend. Halata raw na na-miss nang husto ng dalaga ang Fil-Am actor.

Sa isang interview niya, hindi inamin ni Sam na si Anne ang ka-date niya sa Star Magic Ball. Aniya, abangan na lang daw kung sino ang makakasama niya sa espesyal na araw na iyon.

Well, it turned out na si Anne pa rin pala ang special sa buhay ni Sam.

Wala na nga ba talaga ang non-showbiz suitor ni Anne?

by Alex Brosas

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

4 thoughts on “Anne Curtis at Sam Milby, nagliligawan ulit?

Leave a Reply

Your email address will not be published.