Anne Curtis, ang kapal talaga

Anne-CurtisNAKAKALOKA ANG pinaghahandaang concert ni Anne Curtis na gagawin niya sa May 16 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Pinamagatang The Forbideen Concert: Anne Kapal na talagang pinaghandaan nang husto ni Anne ang pangalawang malaking concert niya.

Ayaw niyang sabihin kung sino ang mga guests niya, pero meron daw siyang makaka-duet na kilalang iconic singer na iginagalang sa music industry.

Ang isa pang pasabog niya ay ang opera singing niya na roon niya gagawin sa naturang concert.

Kaya todo-ensayo raw siya para kakayanin niya ang mag-opera.

Basta i-enjoy lang daw ang concert niya at ang gusto niyang reaksyon ng mga taong makapanood, mapapasigaw sila ng, “ang kapal naman nito!”

Kakaiba talaga si Anne, ‘di ba? Wala siyang ilusyong maging magaling siyang singer. Basta gusto lang niyang mag-entertain.

Bongga nga ang ABS-CBN 2, babalik sa concert si Anne, pati si Daniel Padilla at malamang susunod na rin ang iba nilang artists na hindi naman talaga kagalingang kumanta, nakakapuno ng Araneta Coliseum. Bonggacious, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Anne Curtis, ang kapal talaga

Leave a Reply

Your email address will not be published.