Anne Curtis, 80% ang ibinibigay na chance sa bagong idine-date!

AFTER THE CONTROVERSY, naka-move-on na si Anne Curtis. Happy ngayon ang dalaga sa takbo ng kanyang career. Umaariba ang kanyang endorsement sa “Natasha.”

Tinatawanan na lang kaya ni Anne ‘yung traumatic experience na naganap sa ASAP XV sa Bora? “Siyempre, hindi ako natatawa, naba-bother pa rin. Para bang, bakit nangyari? You know, it was an accident, it happened. I’m not the only one in this world, you know. So, I’m happy it’s over and done with. Hindi na issue ‘yun ng mga tao so, finished na!

“You know, I’m just happy I followed my Dad’s advice which was not to sue, kasi pag-uusapan pa uli. At least ngayon, nakalimutan na ng mga tao, everybody is moving on. It was an accident, tapos na,” say ni Anne.

Ang labis pang ikinatutuwa ng actress, lahat ng kanyang endorsements ay very supportive sa kanya, walang nag-pull-out, lalo pa nga raw nadagdagan.

Excited pang ikinuwento ni Anne ang kanyang Porsche car. “Natagalan lang kasi kailangang pang i-order ‘yung parts abroad. First ever luxury car ko and finally it’s back in my arms again. Ngayon, ingat na ingat na akong mag-drive. So ‘yun, sobrang happy ko na talaga! Super drive kasi ako noon pero ngayon okey na. It’s really my choice. Last year, ang daming blessings na dumating. So, i-treat ko naman ang sarili ko.”

Next week tutulak patungong US sina Anne, Richard Gutierrez and Claudine Barretto para kunan ang mahalagang eksena sa latest movie nila na idinidirek ni Mac Alejandre.

How does it feel doing love scene with Richard? “Siyempre, nakaka-tense, ‘no?! Pero Direk Mac of course was able to make the preparation for us kung paano namin gagawin ‘yung a love scene, ingat na ingat nga. It was done with a lot of tenderness naman, alam mo ‘yun. Mararamdaman mo ‘yung pain at ‘yung love at the same time. Ganu’n klase siyang eksena. Wala na ‘yung ilangan factor because aside from work, nagkakasama naman kami outside work. Kasi nga, same group, so okey naman.”

“Ang huli naming work ni Chard ‘yung Love to Love ganu’n na katagal. Masaya and it’s my first time with Claudine kasi  tense every shooting. Naiilang ako, I’m very vocal na gusto kong maka-work si Ate Claudine. Siyempre nate-tense ako, kunwari kami ang magkaeksena, prepare, nakikita kong ready na siya. Kailangang prepare on my toes, I’ve seen all of her films and she’s very nice talaga, nagbibigay talaga siya. Okey naman kaming lahat dahil take one lahat kami kaya, bongga! I think it helps ‘yung status niya, ganu’n siyang klaseng artista. Kami ni Chard medyo siyempre… she gives way kung kailangang mag-prepare nang matagal, hindi niya kami ngangaragin na ‘ready ka na ba?’ Hindi siya ganu’n. She waits hanggang ready na kami, kahit alam naming ready na siya.”

Ngayong balik tambalan uli sina Anne at Chard, may possibility kayang magkabalikan ang dalawa? “If you’re gonna ask me three years ago, hindi puwede. Hindi ko pa siya puwedeng… alam mo ‘yun. Pero ngayon, we’re super okey. That makes the big difference. We’re comfortable working with each other. It’s a good feeling knowing that you work with the guy na komportable kayo sa isa’t isa,” natatawang sabi  niya.

Bongga raw ngayon ang lovelife ni Anne dahil may special someone sa buhay niya ngayon si Erwani Heusaff, utol ni Solenn na ex-girlfriend ni Derek Ramsay, na nagpapasaya ngayon sa dalaga. Katunayan nga, magkasama ang dalawa kamakailan lang sa Bora. Nakita rin sila sa concert ni Justin Timberlake sa Mall of Asia na pilit umiiwas sa mga photographers na nandu’n. Kasama rin nila sina Raymond Gutierrez, Georginia Wilson at Isabelle Daza na nanood.

“’Eto happy, dating walang lovelife but I’m open to dating so, ganu’n lang. Siyempre, ayaw kong pag-usapan ang Lolo Erwani mo kasi nadadamay na naman, respeto na lang sa kanya at sa family niya. Hindi kami mag-on but were dating. He’s a very private person at may chance naman… eighty percent. ‘Yun!” pahayag ni Anne na sa tingin namin si Erwani na ang kapalit ni Sam Milby sa puso nito.

Comment sa issue na may anak na raw si Sam? “You should trust Sam, kung talagang hindi, paniwalaan ninyo na lang. Me, I trust Sam’s words. Sana maayos na ang lahat. Sam is a great person, I’m very vocal about it when it came out. Siguro two years ago, a year ago, na kung sakaling totoo and I’m in a relationship with Sam, tatanggapin ko. Because I’m a part of him, if ever it’s true, ‘di ba? Hindi naman ‘yun magiging issue, basically about the one ‘you love so, why not accept it,” depensang sagot ni Anne Curtis.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

8 thoughts on “Anne Curtis, 80% ang ibinibigay na chance sa bagong idine-date!

  1. THE AQUINO family GRAND CHARADE!!!

    NOYNOY, BINAY, 4 SISTERS (KRIS, BALLSY, AND THE OTHER TWO), ABAD, ETC…

    TUMIGIL NA KAYO SA PALABAS NINYO. KUNWARI HANGGANG SA KAHULI-HULIHAN AY NAGLALABAN SI MAR AT BINAY PARA SABIHING FAIR AND SQUARE ANG LABANAN. AMININ NYO NA, MGA AQUINONG TAKSIL, NA SA SIMULA PA LANG SI BINAY NA TALAGA ANG GUSTO NYO NA MAGING KA PARTNER IN CRIME NI NOYNOY. GINAMIT NYO MUNA ANG ANG RESOURCES NI MAR, BAGO NYO TINAGA SA LIKOD. DI BA YAN ANG NATUTUHAN NYO SA NANAY NYONG TAKSIL? HINDI NA KATAKA-TAKA. SOBRA ANG DRAMA NYO.

    YOU ARE INSULTING THE FILIPINOS INTELLIGENCE. KAHIT COMMON SENSE LANG HALATA NA ANG KADRAMAHAN NINYO. TIGILAN NYO NA YAN. BINAY KUNG BINAY. BUKING NA KAYO. HUWAG NYO NANG PALALA-IN ANG PANG-IINSULTO NYO SA KAALAMAN NG TAONG-BAYAN. KUNG TUSO KAYO, MAS TUSO ANG TAONG-BAYAN. SIGE LANG KAYO , LOKOHIN NYO NG LOKOHIN ANG TAONG-BAYAN, PALALAIN NYO ANG BAHO NG PAMILYA NYOng dati ng mabaho PARA LALONG UMALINGASAW. NAKAKASUKA NA KAYO.

    ABOUT MAR, EWAN KO LANG KUNG KATANGAHAN NA PATULOY NA UMAASA O TALAGANG LUMALABAN SYA DITO SA MGA TAKSIL NA ITO.

    • Buhay ka pa? Suko na . Talo na kayo. Maski ano ang sabihin mo, nagsalita na ang taong bayan. Si Noynoy ang gusto nila. Takbo na GAbby, Lane, Love it bago mahuli ang lahat.

  2. LAHAT NAMAN ATA, MAY 80% CHANCE KAY ANNE. SO, SILA NI SAM, GIMIK LANG DAHIL MAYROON SILANG MOVIE? NALOKO NA NAMAN TAYO. . .

  3. isa sya sa pinaka mayabang na artista. Kailangan talaga broadcast lahat ng binibili nya soo conceited!! Gumimik pa para lang kumita movie nila ni SAM..

  4. eto na lumabas na yung totoo..bf na nya dati yan,itinago lang kasi may movie sila ni Sam..dapat lang naman na mag move-on na si Anne eh si Sam naman nakipagbreak sa kanya..

  5. HOY KAYONG MGA ANTI KRIS AY NOYNOY KAYO ANG MAGSILAYAS DITO SA PINAS. MGA TALUNAN DOON KAYO UMIYAK KAY VILLAR. BAKA BIGYAN PA KAYO NG PERA HIHIHI

Leave a Reply

Your email address will not be published.