Anne Curtis’ sister Jasmine is back to finish showbiz commitments

BALIK-‘PINAS NA ANG isa sa mga Prinsesa ng TV5 na si Jasmine Curtis noong Linggo. Inaabangan namin ang dalaga sa kanyang pagdating sa airport at nang makausap na namin siya, halatang na-miss niya nang sobra ang Pilipinas. Balik-trabaho na rin si Jas sa taping ng Ang Utol Kong Hoodlum.

Dakilang kapatid naman si Anne Curtis dahil siya talaga ang sumundo sa nakababata niyang kapatid sa airport. Nakatutuwang pagmasdan ang naggagandahang magkapatid na nagyakapan at nagtsismisan agad sa sasakyan nang sila ay magkita na. Malapit nang ipalabas sa TV5 ang seryeng ‘Utol’.

NOONG SABADO, APRIL 2, idinaos ang 8th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (EnPress) sa Teatrino Greenhills. Naging successful ang naturang event dahil dumalo ang mga inaasahan nilang big stars. Nakausap namin si Philip Salvador bago pa man ang nangyari ang ‘pagkapikon’ nito sa isang kasamahan sa industriya.

Bago pa ang aming interview kay Kuya Ipe kasama ng iba pang mga TV Crew, nagpasintabi na siya ng tatlong beses na huwag na munang magtanong ng mga maseselang isyu. Aniya, “Huwag na munang mag-segue ng mga tanong, ha?” Na inulit-ulit niya bilang paalala sa amin. At nag-agree naman kami sa kanyang pakiusap, ‘ika nga, give and take.

Sa patuloy naming pakikipagtsikahan sa kanya, naitanong namin ang mga proyektong maaari niyang pasimunuan bilang pangulo ng Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon o KAPPT. Isa nga sa balak niya at nakaplano na raw ito ay ang pagbabalik nang nakaugalian nang Star Olympics. Gagawin daw ito sa Batangas sa pakikipagtulu-ngan ng butihing Gobernadora Vilma Santos. Sa July raw ito ngayong taon gagawin at ina-ayos na nila ang mga schedule ng lahat halos ng mga artista mula sa iba’t ibang istasyon upang makadalo at makasali sa pamosong taunang pagtitipon ng mga artista.

Matapos ang aming panayam, nagpasa-lamat na kami sa kanya dahil pinagbigyan niya kami ng ilang mga katanungan, pero nagulat kami nang isa sa mga kasamahan namin ay nagtanong pa tungkol sa hindi niya pagdalo sa graduation ng kanyang anak na si Josh. Dito na medyo ‘nagalit’ si Kuya Ipe at kanyang pinaalahanan ang ating kasamahan na may usapan kaming ‘huwag mag-segue’ ng maseselang tanong during the interview. Nang matapos ang ‘usapan’, kinausap namin ang aming kasamahan kung bakit niya itinanong pa rin ang tungkol dito, aniya ‘kailangan niyang itanong dahil parang ‘yun daw ang anggulo ng kanilang istorya. Sana, maayos na ito dahil maliit lang ang mundo ng showbiz.

BLIND ITEM: ISANG reliable source ang nagkuwento sa amin na minsan daw ay nakasabay niya sa elevator ang isang ehekutibo sa isang istasyon. Medyo puno na raw ang elevator nang sumakay ang ehekutibong ito kaya med-yo masikip na. Ang ginawa raw ng ehekutibo na karay-karay ang kanyang mamahaling bag ay todo-ismid daw sa mga kasabay sa elevator. Meron pa daw itong aksyon na nag-aayos ng damit niya na para bang nagmuwestrang mamahalin ang suot ko. Nakakaloka siya, ayaw nang mga kasamahan mong ehekutibo ng ganyan!!!

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

3 thoughts on “Anne Curtis’ sister Jasmine is back to finish showbiz commitments

  1. sa tingin ko flop yang teleserye nina jasmine at jc na utol kong hudlum…. naaamoy ko na haha kawawa naman si jasmine dapat sa dos na lang siya

Leave a Reply

Your email address will not be published.