Annabelle vs. Wilma: The Fight is Over

BULL Chit!
by Chit Ramos

DALAWANG MALALAKING SHOWBIZ events ang nasakihan ng BULLCHIT noong Lunes.

Una ang ceasefire between Annabelle (Rama) and Madam Wilma Galvante, at pangalawa ang pagkakaroon ng part 3 ng John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo tandem sa Star Cinema.

Natuloy ang pag-uusap nina Mr. Felipe Gozon, President ng GMA 7 at Annabelle Rama, Lunes, ganap na ika-9 ng umaga sa isang mutual ground, tulad ng pahayag ng huli sa kanyang presscon na ginanap sa Max Resto kailan lang.

At maganda ang naging resulta ng pag-uusap. Ceasefire na ang magkabilang kampo. Sinabi rin daw ni Mr. Gozon na ipinaalam niya kay Madam Wilma ang meeting nilang iyon ni Annabelle.

Mananatili si JC de Vera sa Kapuso station at may gagawin agad na proyekto. Ito’y ang Ngayon at Kailanman kung saan magiging katambal niya si Heart Evangelista.

“May option sa contract ni JC na kung maghihiwalay ang dalawang partido, dapat may mutual agreement. Kaya, mananatili kami sa GMA 7 hanggang sa matapos ang taon. Magkakaroon uli ng negosasyon after the contract expires. Kung magkakasundo, saka na kami magsasalita,” ani Annabelle nang makausap namin sa Barrackz bar, kung saan sinelebreyt ang 23rd birthday ni JC de Vera.

Nakangiti na at masaya si JC nang gabing iyon. At itinuring niyang pinakamasayang birthday niya ang pananatili sa GMA 7, lalo na ang pagkakaroon uli ng show kung saan bida siyang muli, tulad ng role niya sa La Lola, with Rhian Ramos at iba pang shows niya sa Kapuso station.

KAPANSIN-PANSIN ANG PRESENCE ni Rhian na siyang special guest ng birthday celebrant. Pagpapatunay na patungo na nga sa isang magandang relasyon ang pagtitinginan nila.
Samantala, naroon din si Ruffa Gutierrez na iniintriga tungkol sa lalaking kasama niya sa larawang inilabas ng isang broadsheet. May love life na raw siya!

Pinabulaanan ito ni Ruffa. “Tumabi lang sa akin sa picture-taking ang lalaking iyon, tapos sasabihing boyfriend ko na! No way!” Katuwiran niya. Kaibigan lang iyon ni Monet Lu (family friend). Noon ko lang nakita ang lalaking iyon, ano ba kayo?”

Napag-usapan din ang pagbabalikan nina Dra. Vicki Belo at ni Hayden Kho na ikinatulala ng lahat.

Earlier, napakasaya rin ng atmosphere sa ABS-CBN, kung saan ginanap ang thanksgiving party ng You Changed My Life nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Naging emotional si Direk Cathy Garcia-Molina, ang tinaguriang “Box Ofice Director” by virtue of the successive success ng A Very Special Love last year at itong You Changed My Life ngayon.

Isa-isa niyang pinaakyat sa stage ang buong cast, ganoon din ang staff, crew, mga top executives ng ABS-CBN, tulad nina Charo Santos, Cory Vidanes at Malou Santos.

Tinanggap din ni Malou ang suggestion ni Charo na magkaroon ng part 3 ang tambalang John Lloyd at Sarah. Umani ito ng masigabong palakpakan. Breaking the record ito! Ngayon lang magkakaroon ng part 3 ang isang local movie, imagine!

Namumuno din ang “love triangle” nina Rowell Santiago at John Lloyd, dahil pareho pala silang obsessed sa kagandahan ni Direk Cathy Molina.

Tatalakayin natin ito sa susunod na issue ng Pinoy Parazzi, promise.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.