Annabelle Rama, tumandang artista na walang pinagkatandaan!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman… kaya go!

Over my dead body! Kasi nga naman, nag-trending daw sa twitter ang sinulat ko kay Ruffa Gutierrez, ‘yung tungkol sa pambabastos daw sa kanya ng Paparazzi, at sinabi niyang basura ang kanilang show.

Bilang mamamahayag, nag-comment ako sa nasabing issue. Ayun, kinabukasan, nabasa ng mahadera niyang ina na tumandang artista pero walang pinagkatandaan. Kasi hindi siya nirerespeto sa showbiz, kundi kinatatakutan. Wala kasing ibang panakot ang gurang na ito kundi ang magdemanda.

Ang nakakaloka pa, sa Cebu raw siya magdedemanda, at nagdemanda na yata kina Amalia Fuentes, Nadia Montenegro at Chito Alcid. Kasi raw, wala na siyang tiwala sa hustisya rito sa Maynila.

Ang hindi ko matanggap sa mga tweet niya patungkol sa akin, ang sinabi niyang matagal na raw akong patay. ‘Di bale na ‘yung sinabi niyang mukha na akong bangkay, matatanggap ko pa, ‘wag lang mukhang demonyita na katulad niya. Lahat na lang, inaaway niya. Kahit si Ogie Diaz, sinabihan niya ng ‘gago’.

Ito lang po ang masasabi ko sa kanya, kailan man, hindi ako puwedeng diktahan ng sino man. At hindi ako bayarang reporter, dahil marami pa rin akong pinagkakakitaan nang ligal na hanap-buhay. At hindi ko kaibigan ‘yung sinasabi niyang babaeng dapat, kung hindi dahil sa kanila, nabulok na sa kulungan, na sana raw balang araw, magsama kami sa kulungan.

Ikaw matandang walang pinagkatandaan, sinabi mo pa na walang nakikinig sa akin sa program ko sa DZRH. For your information and guidance, 45 years na ako sa broadcast industry, alive and kicking pa rin. Walang pahinga ‘yan. Kung walang nakikinig sa akin, matagal na akong tinanggal sa program ko. Negosyo ‘yan, ‘day, walang palakasan diyan. ‘Pag hindi na kumikita ang programa, tsugi ka, tulad ng mga alaga mo.

Sino ang nagtagal nang ganito katagal, tulad ko? At wala na akong balak bumalik pa sa TV talkshow, na sinasabi mong nagpaparinig ako sa tatlong network. Yes, kung tutuusin may karapatan ako, dahil marami akong alam, kasi accredited ako ng KBP. Ang mga anak mo ba, may alam ‘yan sa broadcasting? Wala! Naging artista lang ang mga ‘yan, at oo, hindi bagay mag-host ang mga artistang tulad ng mga anak mo. Kasi para sa akin, wala silang know how.

Anyway, kausap ko na ang National Press Club, lalo na si Jerry Yap, na ginawan mo rin ng kabalbalan sa telepono. Wala ka kasing manner, ang lakas ng loob mong kumandidatong congresswoman sa Cebu. ‘Day, ang asawa ko, taga-Cebu at nandoon kami this July, para sa sabihin ko sa isang programa ko sa radio roon ang kawalang-hiyaang pinaggagawa mo.

Para sabihin ko rin sa ‘yo, marami pa akong pinagkakaabalahan, kahit sinasabi mong patay na at bangkay na. ‘Day, may program ako sa Pinoy Radio UK, sa DWSS, sa DZRH.TV – ang kauna-unahang radio sa Pilipinas, at dito sa Pinoy Parazzi, exclusive ako dito.

Kaya bago ka manghusga, kilalanin mo muna ang mga pinagsasabihan mo. Isa kang bulaan. Sinasabi mo pang bahala na ang Diyos? Please, ‘wag mong gamitin ang Diyos sa mga ginagawa mong kamalasaduhan. Ano ang sinasabi mong magsama-sama tayo sa Cebu? Bakit, ano ang mali sa mga sinasabi ko? Sa 45 years ko sa industry, ikaw lang ang tanging magdedemanda sa akin.

Hindi ko pinangalanan ang babaeng ito, kasi hindi rin niya ako tinukoy roon sa tweet niya. Pero ang daming tumawag sa akin na mga kasamahan sa hanap-buhay na ako ang tinutukoy niya. Kaya ko sinagot ito, para ipaalam ko sa kanya na, “Hoy! Buhay na buhay pa ako! Sana ikaw ang mawala sa industriya para wala nang alinlangan ang mga katulad namin na ang hangad lang sa aming mga listener at mga nagbabasa ng aming mga column ay magpasaya at magpaligaya.”

Sa tinagal-tagal, ngayon lang ako nagsulat nang ganito. Kasi, hindi ko matiis na buhay pa ako, pinapatay na ng matandang ito. Ang masasabi ko lang sa kanya, oo, buhay pa nga siya, pero sinusunog na sa impiyerno ang kaluluwa niya. In Jesus name, sana matauhan ka na! ‘Yun lang.

 

BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman kaya itong maloloka ka talaga sa Earth?! Nakawiwindang kasi ang eksena. Kaya pala maraming naguguwapuhan dito kay hunk actor eh, dahil very effect ang peg niya na yummy hunk, at mukhang malinis naman sa katawan.

Kaya lang, one time, natuklasan ng aming kaparazzi na nang maghubad ng shoes, wild ‘teh sa joho ang paa niya. Hindi kinaya ng mga kaparazzi natin ang amoy, kaya natawa na lang sila at parang nandiri. Hindi nila inakala na sa sobrang parang ang linis sa katawan eh, may something-something pala na itinatago ito.

Talagang mandidiri ka, ‘teh. Hahaha! Ewwwness talaga! Sayang, type ko pa naman siyang basain… hahaha!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

33 thoughts on “Annabelle Rama, tumandang artista na walang pinagkatandaan!

  1. IYANG PUNYETANG MAMASAN NA ANNABELE NA YAN WALA NG GINAWA SA LOOB NG SHOWBIZ KUNDI MAGKALAT NG KA DEMONYOHAN NIYAN MULA NG NAG ARTISTA YANG POKPOK NA YAN PURO AWAY MULA PAG KA DALAGA HANGGANG MAMAMATAY NA YAN. PANG GULO LANG YAN WALA NAMAN CAREER. WALANG TALENT. HINDI ARTISTA PERO LINGGO LINGGO ME NAKAKA AWAY. PARANG YUNG ANAK NIYANG POKPOK SA BRUNEI WALA RIN SILBI SA SHOWBIZ PAKALAT KALAT WALA RIN TALENT KALUKA.

  2. ANG MABISANG PANLABAN SA PAMILYA GUTIEREZ AY DASAL DASAL PUMARIS KAYO SA PAMILYA NI GARRY V HINDI SILA PINATULAN PERO SA PALAGAY KO MAS NATALO SILA DAHIL SINCE THEN PARANG HINDI NA NAGKAKAROON NG KAPAYAPAAN ANG ANG MGA GUTIEREZ SANA BUMAIT NA SILA

  3. to talakitok: meron ng nakatapat si anabelyas, si amalia. wait ka lang talakitok. medyo mabagal lang ng kaunti pero ang dulo niyan asahan mo – matatauhan si anabelyas. kung hindi mo napapansin talakitok, tumahimik na ang buong angkan ni anabelyas laban kay amalia. dati ang ingay ingay nila at kabi-kabila ang atake.

  4. Olaaaaaah!!!! SWARDING SWARDING SWARDING!!!!! sa lahat ng isinulat mo dito lang ako papabor sayo CLAP! CLAP! CLAP!…..pag pinagsama sama lahat ng nakakalaban nyang bisaya na yan tutumba rin yan! hala BIRA! sobrang yabang,akala mo kung sinong untouchable,sana nga talagang may makatapat na yan at ng matauhan na,siguro nga eh kung di naging presidente si noynoy sa ginawa nya kay kris siguradong tablado yang matanda nayan nataon lang na umiiwas that time si krizzy masamgkot sa ano mang gulo,sabagy may utak si krizzy malamang di pa rin patulan ang ganyang kababang tao,ang taas taas ng tingin nya sa sarili nya….sana talaga may makatapat na yan sana ikaw na yan SWARDING ;)) 

  5. Sana gamitin ng mga taga cebu ang utak nila at wag nilang iboto si anabel na walang pinag-aralan. Kapag nanalo yan, lalo lang magiging mayabang si annabelle at ang pamilya niya.

  6. ang tanging masasabi ko, yan ang mag-anak na parang ahas kuyob. Isa lang ang kaaway mo, lahat sila kalaban mo.

  7. Hindi yan mananalo si Anabil sa eleksyon dahil alam na ng lahat ang kabastusan, palaaway at eskandalosa nya, lagi lang demandahan ang buhay nyan. Mga intelehente na yata ang mga tao ngayon. Baka mananalo lang yan pag gawing palakasan sa pera at whom you know ang pairalin sa eleksyon na yan.

  8. Matapang lang yan sa mga Pinoy pero takot yan sa mga dayuhan. Wala yang nagawa noong inaabuso ni Yilmaz si Ruffa kasi alam niya di palalampasin ni Yilmaz ang kanyang kabastusan.

  9. Ang B I is Jake Cuenca. Nabasa ko a yan sa isang tabloid. Hindi lang paa ang mabaho dyan pati bunganga daw. Hindi lang isang beses ko nabasa yan. 
    And to Annabelle Rama, i believe in what swarding sez bout her.  Dunno kung bakit andaming kaaway ng madyubang matanda na ito. Sobra kasing taray. Cgro ang dapat nya gawin, pursigihin nyang magseminar mga anak nyang c ropa n retsard kc day, ang bobobo nmn sa aktingan. Tagal ng umaakting banong bano pa din. Sana tlga mkahanap ng katapat ng abaing yan. And pls lang think a million times bago maisipan kumandidato. Basura nmn laman ng utak tapos kakandidato. Mag barangay tanod ka muna uy.

    • Ni hindi man ata nkatapos ng high school yan tapos kakandidato pra sa congress.  The nerve of this old woman. As i said mag aranggay tanod ka muna. Masyadong mataas ang lipad mo bka lumagapak ka d ka na makabangon.

    • Do you have facts of saying these libelous words? Shame on you. What about your idol? She’s not money grabber?

  10. WOW.!! sapul na sapol mo swarding ang matandang balahurang walang pinagkatandaan na si anabil…. hahahaha…. 

    sa mga tuta ni anabil na magbabasa dito sabihin nyo sa amo nyo na sabihin sa pinsan nyang si mike rama na linisin muna nya ang mga nagkalat na drug pusher sa harap ng city hall para paniwalaan naman sya ang mga tao….

  11. PUTTRAGIS KANG BAKLA KA….PARE PAREHO LANG KAYO, IKAW NGA NABUBUHAY SA PANINIRA NG BUHAY NG MAY BUHAY…BUHAY KA PA MUKHA KA NANG BANGKAY! ANIMAL KANG BAKLA KA…BUHAY KA PA SINOSUNOG NA ANG KALULUWA MO SA IMPIERNO….

    • DI DAPAT KATAKUTAN YANG KATULAD NG BABAENG YAN….JUST AVOID HER. SHE’S NOT WORTH YOUR WHILE. DON’T STOOP DOWN TO HER VERY LOW LEVEL. WHAT DO U EXPECT FROM AN EX-POKPOK, WALANG PINAG-ARALAN AND A SCUM ON EARTH. SHE’S A DISGRACE TO ALL CEBUANO. AND TO THINK NA KAKANDIDATO PA…WHEW…
      TO ALL CEBUANOS….MAKE UP YOUR MIND….DON’T LET A JUNKIE REPRESENTS YOU IN THE HALL OF CONGRESS…YOU DESERVE BETTER…

  12. Well said persy,parepareho lang si Swardinasatanas,cristyevilwoman/ annabella /nadiapot,ok lang kasi sa mga taong ito maninira kapuwa,then pag sila ang involved na galit na ,Hoy swardinas huwag mong ganitin si Jesus sa away mo,bakit kaya itong mga reporter na ito hindi gumaya kay Boy abunda,very respectable person kaya naman yumayaman si Boy sensible ang mga sinasabi

  13. hahaahah mukhang may katapat na si annabelle matapang si swarding kaya go go go laban pero may katwiran si swarding ayaw ko rin dyan pero mas pabor ako kay swarding ngayon kasi nga 22o ang sinasabi niya halos lahat ata ng mga nasa industry ay kaaway niya,sa channel7 na lang sila pumunta dahil iyon na lang ang tatanggap sa kanya dati iyong executive ng seven sa dos sina kris ngayon sa 5 sina mr.fu,,,hayyyy cge lang swarding tirahin mo ng tirahin hahahahahahaha

  14. mukha lang namang bangkay si tita swarding… pero di pa naman patay. c annabelle naman, ang yaman mo na, patulan ba ang katulad ni tita swarding?

  15. Go Swarding. Go get Annabelle. OK ka dahil hindi ka takot. Si Ogie Diaz, maski na iniinsulto na ni Annabelle, hindi umaalma dahil T A K O T. Di ba, Ogie ?

  16. Naniniwala ako ke Tita Swarding .. I admire Anabelle Rama on how she protects her family pero minsan we have to consider others as well .. I remember one time shes on a live interview sa Startalk about away nila ni Lolit tas narinig cia live na minumura nya ung katulong nya …..haayyyysss.. since then, d ko na cia gusto….c tita swarding, i dont know more bout him..all i know is , hes a good father

  17. EH!!! MUKHA KA NAMAN TALAGANG BANGKAY TITA SWARDING KAYA BAKA NASABI YAN NI TITA ANABELLE… HAHAHA!!!! BAT NANGGALAITI K S GALIT EH TOTOO NMAN… IKAW NGA DIN TUMANDA SA PANUNULAT MO NG PANINIRA SA KAPWA…  KAPAL DIN NG MUKHA MO…

    • persy hindi ako tumanda sa panulat, pinakiusapan lang ako ng pinoy parazzi na mag sulat kasi halos lahat ng nga manunulat takot mag sulat ng totoo, kasi yun ang kanilang bread and butter ako maraming source of income, radio, movie, negosyo at mga personal apperance sa mga shows hosting, ang pag susulat hindi ko kina career yan, isa lang ito sa mga one of those na pinag kaka abalahan ni tita swarding dapat mag bintang kayo kung kilala na nyo sya ng personal kasi nag mumukhang tanga lang kayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.