Annabelle Rama, to pull out Richard and other talents from GMA?

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

PANSAMANTALANG NATABUNAN NANG pagkamatay ni master rapper Francis Magalona ang isyu nina Tita Annabelle Rama at Ms. Wilma Galvante kaya’t maasahan nating may pansamantalang ‘ceasefire’ sa mga intriga sa showbiz.

Kapuso talent din naman si Francis at maituturing nga siyang icon sa kanyang larangan bilang ‘master rapper’ kaya’t karapat-dapat din naman siyang pag-usapan at bigyan ng kaukulang respeto sa mga huling sandali.

Pero habang lumalapit ang Marso 14, ang araw na nagtatakda ng pag-expire ng kontrata ni JC De Vera sa GMA 7, mayroon at mayroong nakatakdang posibleng pasabog pa at developments na mangyayari. Nagsalita na si Tita Annabelle na i-pu-pull out niya ang lahat ng mga talents niya sa GMA 7 including her son Richard kung sakali ngang walang magaganap na magandang resolusyon sa naturang usapin.

Let’s just hope and pray na sa positibo magtapos ang lahat!

VERY POSITIVE NAMAN sina Mother Lily Monteverde at Regal heiress na si Roselle Monteverde-Teo sa naisipan nilang pagsamahin ang young superstar na si Judy Ann Santos at ang pop idol cum great songwriter na si Ogie Alcasid para sa isang movie project.

“Matagal na naming pinag-iisipan ang konseptong ito. Du’n nga kami nag-umpisa sa katotohanang they indeed are great friends in real life,” tsika ni Roselle na hindi nga naitangging sa isang tsikahan at inuman nila nina Ogie napag-usapan ultimo ang tono ng magiging theme song ng pelikula.

Romantic-comedy ang theme nito at ang titulong galing kay Regine Velasquez ang plano nilang gamitin. OMG o Oh My Girl ang working title nito na magsisimula nang i-shoot this March. Ang real-life good friend din ni Juday na si Direk Dante Garcia (of Ploning fame) ang natokang magdirek nito.

Sa mga kagagahang ‘friendship’ iikot ang kuwento at sinasabi pang ito nga ang magbabalik nang trend kung saan iimbitahang mag-cameo appearance ang mahigit na 100 artista natin sa ngayon. Bongga, di ba?

SAMANTALA, NALOKA NAMAN kami sa ilang text reaction at e-mail messages na nabasa namin hinggil sa pagkakaroon daw ng third eye ni action superstar Robin Padilla.
Sa pelikulang SUNDO kasi, muli itong naranasan ng aktor pero gaya nga ng kanyang sinasabi, “hindi ko naman gaanong pinapansin.”

Medyo may kabaliwan at kaaliwan lang ang sinasabi sa mga posted messages na kung sakali man daw na totoo ito, eh bakit daw hindi nito nakitang magiging BB Gandanghari ang kapatid na si Rustom Padilla? Nakakalokang patulan pa, hahaha!!

Nang mapanood nga namin noong Sabado ng gabi ang panayam ni BB kay Jessica Soho, bigla na lang din kaming natawa dahil sa naging pakiusap nito kay Robin na gawing genuine ang pagiging masaya para sa kanya. Grabe ang naging revelations ni Rustom aka BB sa nasabing panayam, pero maghihintay na lang uli ng mga reaksiyon hinggil dito.

Ang mahalaga, walang planong sunduin ni Binoe ang kapatid para pagsabihan, dahil tanggap naman daw nila ang bagong kaanyuan at pagkatao nito.
‘Yun na!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.