Annabelle Rama, suko na kay John Lloyd Cruz!

NAGING MALAKING ISYU ang romansang John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez na pinag-usapan sa loob at labas ng showbiz. Isa man sa kanila, walang umaming may namumuo na palang relasyon sa kanilang dalawa. Kung hindi pa ibinuking ni Annabelle Rama na nanliligaw si John Lloyd sa kanyang anak na si Ruffa hindi lalabas ang katotohanan.

Nagbitiw pa nga ng salita si Annabelle before, “Dong, magpakalalaki ka, kung talagang gusto mo si Ruffa, panindigan mo!” Si John Lloyd ang naging dahilan ng pag-aaway ng mag-ina na nauwi sa pag-aalsa balutan ni Ruffa.

“Past is past. Sa isang relationship may mga loving moment, may mga moment na hindi kayo nagkakasundo. Ngayon naman magkasundo na kami ni mommy,” masayang wika ni Ruffa.

“’Day, surrender na ang bandera ng Bisaya, ibinaba ko na. Itinataas ko na ang kamay ko, pati paa nakataas na!” Diretsong sabi ni Annabelle. “Kasi, papaano nagpaalam siya sa akin, ‘Ma can I have a dinner with JL (John Lloyd Cruz) with Mr. M (Johnny Manahan) and Ms. Mariole (Alberto)?’ Sabi ko, why? Sabi niya, ‘I just want you to meet him para makita mo namang mabait siya, hindi siya masama.’ Sabi ko, ‘mamamanhikan na ba ‘yan, Ruffa?’” Dugtong pa ni Bisaya.
“Ma, nakaka-stressed ka! Si Mommy naman luto nang luto,” sundot naman ni Ruffa na halata mong tense na tense sa sinabi ng ina. Sabi niya, “I just want you to meet him, kasi hindi mo alam kung sino na naman ‘yung sinisiraan mo, mabait naman ‘yung tao.”

“Nakahanda na ako, maraming questions para sa kanya. That night, nang kumakain na kami, wala na akong naitanong kahit isa. Panay ang bulong mo sa akin (Ruffa), ‘John Lloyd is sick, dahan-dahan ka, Ma.’ Wala siya sa mood ngayon, kawawa naman, may sakit pa siya nakakahiya kay Mr. M. Isa lang ang naitanong ko sa kanya, ‘kayo na ba ni Ruffa?’ ‘Hindi naman Tita, magkaibigan lang,’ sabi ni John Lloyd.’
Well, mukhang this time, nagbago na ang ihip ng hangin. Suko na nga ba si Tita Annabelle kay John Lloyd?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

8 thoughts on “Annabelle Rama, suko na kay John Lloyd Cruz!

  1. nalurkey ako ky johnloyd everytime i watch him on tv,lols!di ko kc ma imagine na inlove xa ky ruffa,eh!its ok na rin thats life!!!

  2. sila lang nmn ngssbi me romance involved..jlc never said n e thing…they are just using JLC. kakahiya naman kung ung guy nde sinasabi nililigawan ka pero feel ng girl nililigawan xa ano labas non? assuming naman mga gutierrez eh… I’ll only believe once JLC admit it so.

    tsaka hello we are too smart for you ms. annabel…You conditioning our mind to give in to this pairing…delikadez
    a naman…..kadiri kaya….

  3. Baka naman masyado lang cowardly itong si John Lloyd para aminin na nanliligaw siya kay Ruffa. Walang bayag..

  4. Hmm…. bakit ganun? Sabi ni Lloydie sa interview, hindi papunta “doon” ang friendship nila, meaning “walang romance”. Parang napilitan pa nga sya mag-dinner kina Ruffa w/ Johnny M. Bakit daw kailangan pang mag-dinner. And when he was asked before kung nanliligaw ba sya, he said “ayoko naman sila mapahiya….”. So ano pa ibig sabihin ng mga to? Either Lloydie is lying, or Ruffa is assuming that she’s being courted. Hay, showbiz! Whatever!

  5. super kilig nga kame sa kanila…esp. ung pamangkin ko mka ashloyd un pero nung naood kame ng ruffa&ai kulit..wla nman msma sa mga fans ng bealyodie at sarahlydie please wg nman kayo magalit ky lloydie alam ko matatalino at mababait kayo sana maging msya tayo sa mga kaloveteam ng mga idolo naten…cguro d lang tlga c jhonloyd pra sa kanila SALAMAT sa pag intindi :)) GO daniela & armando!!!!!!!

  6. age doesnt matter, i think in love talaga si ruffi halata namang kinikilig sya ..shes trying to deny it but her actions says it all…i wonder what kind of relationship they have esp. hes way younger, sana jl wud admit it na..i wish magtagal sila. i guess thy’re the hottest couple in town..

Leave a Reply

Your email address will not be published.