Annabelle Rama stops calls off rally against GMA exec

FEELING NAMIN, ISA sa mga araw na ito ay magkakapatawaran sina Annabelle Rama at Wilma Galvante. Malambot din naman ang puso ni Bisaya, alam namin.

“Alam mo, Ogie, mabait si Richard, ‘yang anak ko. Kasi, sabi niya sa ‘kin, ‘Mom, ‘wag ka nang gumawa ng rally sa harap ng GMA-7 to call for Tita Wilma’s resignation. ‘Wag na. Magtatrabaho na lang ako!”

Kaya nga biglang bawi si Tita Annabelle ng, “Sorry sa mga gustong sumama sa rally sa akin sa harap ng GMA-7, dahil hindi na po tuloy ang rally. Pinakiusapan ako ng anak kong si Richard na ‘wag na,” sey ni Tita Annabelle sa radio program naming “Wow! Ang Showbiiiz!” kahapon (11-12nn over dwiz 882 sa inyong AM station everyday).

“Alam mo naman ‘yang si Richard, nagmana sa tatay niya. Mabait din kasi si Eduardo. Ang nagmana sa akin, si Ruffa at si Raymond!”

So, hindi ba nagmana sa kanya si Richard. “Hindi. Hindi siya nagmana sa akin!”

Matagal nang hindi nagkasama at sa May 15 ay back-to-back concert pa sila, sina Sheryn Regis at Erik Santos sa “Big C As In Concert at Comedy” sa Metro Comedy Bar (West Avenue) together with Frenchie Dy at Vice Ganda.

Good songs, good voices at tamang laugh trip ang gabing ito kung saan ang bawat manonood ay para na ring nakatulong sa mga breast cancer patients sa kanilang pagpapa-chemotherapy.

Tatlong taon na kaming nagla-line produce ng show para sa Kasuso Foundation, dahil ‘ika nga, ikaw ang walang kanser, ikaw ang mag-share ng talents, ng blessings sa mga may Big C.

Kaya thankful din kami sa Backroom, lalo na kay Kuya Boy, dahil hindi kami nahirapang makuha si Erik for this good cause. Si Sheryn naman, “Noon ko pa ginagawa ito, Tito Ogie, kaya excited na rin ako.”

Biritan to the max ang concert na ‘to na hinaluan pa ng isa pang singing champion na si Frenchie (thru her manager Dong Pilotos) at siyempre, si Vice Ganda na dalawang taon nang sinusuportahan ang foundation thru his participation.

For ticket reservation and sponsorship, you can contact 09228398878.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

10 thoughts on “Annabelle Rama stops calls off rally against GMA exec

  1. sige bisaya saludo sa iyo ang buong pilipinas. lahat ng kapuso naniniwala sa iyo, ayaw namin kay galbantot na kotongera at harassera. nakakita sya ng katapat sa katauhan mo. takot lang ni galbantot sa iyo.

  2. Korek k jan! Ngayn plng nagpupundo na c anabel pra kpag pinatalsik n cla s kapuso eh d mktngi c cory v. Dhl tatalakan xa n anbel kpag d tngap lhat ng alaga nya. At ssbhing wlng utang n loob mtpos kta bgyan ng letson. Yan ttak ni anabel, dklang manunuhol!

  3. Talaga? Sinabi ng anak mo na wag ituloy ang rally ekek mo? Baka natakot ka lang na magmukha kang katawa-tawa sa harap ng GMA. Sana sinubukan mo para magkaalaman na, kung may dadating sa panawagan mo Annabel.

    Kung naniniwala kang nasa tama ka, di mo na kailangan ng kadamay, ipapanalo mo yan. Palibhasa may butas ang mga akusasyon mo, dadaanin mo sa ganyan.

    May minana din siya sa iyo. Mahilig din siya sa gulo. Ang kaibahan lang, ikaw bulgar, yung sa anak mo, napagtatakpan.

    • Malamang walang tumawag or if meron gustong sumama kuno sa rally magpabayad coz Annabelle is known as manunuhol like her new victim is Cory V., one of the execs ng ABS-CBN, binigyang ng 10 lechon, naku dapat mag-ingat si Ms. Cory baka ang akala nya bigay ng bukal sa loob yun ni Annabelle yun pala suhol na may kapalit pala ang nasa isip ni Annabelle. Nagpapalakas sa Chan. 2 kasi nase-sense nya malapit na silang mawala sa GMA7.
      Nakakahiya ang monster manager na eto kasi bastos, manunuhol, walang respeto, gahaman, bully, etc.

  4. GO GO GO ANABELLE!
    bilang ina ipaglaban mo ang karapatan nyong pamilya. tugisin si wilma dahil sinasabotahe kayo ng pailalim nyan.

  5. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #54

Leave a Reply

Your email address will not be published.